Chapter 17

96 3 0
                                    

The travel didn't take so long.

"We're here!" Masayang sabi ni Ate. "Baba kana baby." Sabi niya habang bumababa ng kotse. Nauna na siyang bumaba kaya naman sumunod na ako.

Tama nga si ate. Maganda ang lugar. Napanganga ako sa ganda nito. Mukhang secret hideaway ng mga diwata.

Sa may pasukan ay may arko na napapalibotan ng mga vines at sari saring bulaklak. Sa may upper right side nun ay may isang ibon na nakatali. Ang ganda talaga! Sa labas lang to hah? Naexcite ako kaya inunahan ko na si Ate papasok. Narinig ko pa siyang natawa.

Mas lalo akong napahanga sa sumunod kong nakita. Ang lawak ng garden! Ang daming puno at mga ibon. Puro green ang lugar. Idagdag mo pa ang ibat ibang kulay ng bulaklak ay talagang perfect ang pagkagawa! May mga pamilya at couple na nagpipicnic sa may garden may mga swings din na gawa sa gulong sa ilalim ng mga puno. Ang ganda ganda talaga!

Sunod kong pinuntahan ang wooden bridge, pang.prinsesa talaga ang dating. Napatigil ako sa may gitna. Sa ilalim pala ng brige ay may mga boats na pwedeng sakyan. Pero hindi iyong sinasagwan. Kundi iyong may pinepedal. Napaka-perfect talaga ng lugar.

Agad kong hinanap si Ate. Nasa likuran ko lang pala siya pero busy sa pagtetext. Hinablot ko ang cellphone niya at nagulat siya sa ginawa ko.

"Baby ano ba. Ibalik mo nga yan sa akin!" Singhal niya pero hindi ako nagpatinag.

"Ate naman. Inaya mo ko dito tapos text ka nang text." Pagtatampo ko.

"Baby naman. Importante lang. Please give back may phone." Inilahad ni Ate ang kanyang kamay kaya inabot ko na rin ang cellphone sa kanya.

Ngumiti si Ate at bumalik ulit sa pagtetext. Mukhang importante nga kasi busy talaga at seryoso.

"Ate. Sakay naman tayo dun oh. Please Ate please." Pagkuha ko ng attention niya. Sabay turo sa mga boat sa ibaba ng bridge.

"Okay baby. Akala ko ba malaki kana? Bakit para kang bata diyan?" Pang-aasar ni Ate.

"Ate naman!"

"Joke lang. Come on. Let's buy some food first. Para may makain tayo later." Nauna na siyang maglakad papunta sa isang stall.

Sumunod naman na ako sa kanya at mabilis na naglakad.

Pagkarating namin sa counter agad na umorder si Ate.

"Two order of Mixed Fruits Milk Shake please."

"Ok Maam any addition?"

"No more." Sagot naman ni Ate.

Nagpindot pindot ang cashier at may iniabot na dalawang medium size bowl kay Ate.

Inabot naman sa akin ni Ate ang bowl. Kaya nagtaka ako kung para saan.

"Ate. What's this?" Nagtataka kong tanong.

"Para sa fruits na kukunin mo. You'll be the one to choose your own fruit mixture."

"Okay Ate." Kasi naman! Akala ko makakasakay na kami kaya lang ang dami pa palang gagawin.

Natanaw ko mula sa malayo na may sumakay na na couple sa piggy boat na gusto ko. Kaya naman walang gana na lang akong napasunod kay Ate sa fruit station.

Mabuti na lang may mga sliced na kaya ang magpick na lanhng gagawin. Mabilis na lang akong kumuha.

After that, bumalik ulit kami sa counter para magbayad at kunin ang container.

Pumunta na kami sa blender station at blinend ang mga fruits. After that, lumabas na kami ni Ate. Nagtatakbo ako pabalik sa pinagpaparadahan ng mga boat. May kalayuan pa ako pero nakita kong bumaba na ang couple na sumakay sa piggy boat. Maglalakad pa lang sana ako pero napansin ko ang babaeng bumaba sa boat.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon