Chapter 35

46 4 0
                                    

NICO'S P.O.V:

Nasa harap ako nang inuman na pinagtatambayan namin nang tropa ko at nagyoyosi. Oo. Nagyoyosi na ako. Ilang araw pa lang naman. Pero hindi naman ako chain smoker. Hithit buga lang ako.

Nakasandal ako sa gilid nang kotse ko at humuhithit nang yosi. Napalingon ako sa left side ko at nakita kong nakatitig sa akin si Ally. Nakita niya kaya ako? Pasimple ko na lang na inihulog ang yosi ko at inapakan. Susundan ko sana siya ngunit bigla na lang siyang umatras at tumakbo palayo.

Inis na lang akong napasabunot nang aking buhok at sinipa ang kotse. Bwisit na buhay!

Hindi na ako pumasok pa nang araw na iyon at umuwi na nang bahay. Paulit ulit akong nagtatype sa phone ko nang itetext ko sa kanya pero hindi ko alam ang sasabihin. Tatawagan ko sana siya pero pag pipindotin ko na ang call button ay bigla naman akong kinakabahan ako at bina-back yung phone.

Ilang oras na akong nakatitig sa kisame pero wala akong maisip na gawin. Ganun pala pag mahal mo iyong isang tao pero di mo masabi. Naguguluhan kana, hindi mo pa alam ang gagawin, nagmumukha ka nang tanga.

Itinulog ko na lang muna iyong inis ko. Hapon na nang magising ako. Mag-gagabi na nga yata. Pero inis na inis pa rin ako tuwing naaalala ko iyong kanina. Nakita ako ni Ally sa ganung sitwasyon! Bwisit!

Babangon na sana ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa may side table. Kinuha ko iyon at swinipe ang screen. Nakita kong si Ally ang nagtext kaya napabalikwas ako nang bangon at kinusot ang mga mata ko para linawing hindi ako nananaginip.

Si Ally nga! Kaya naman agad agad kong binasa ang text niya.

From: Ally Princess

"Ahm. Hi! Can we talk? Sunduin mo ko sa bahay. May pupuntahan tayo. Kung okay lang sa yo ha? I am not forcing you."

Iyan ang laman nang text niya kaya agad ko siyang tinawagan. After 5 rings sumagot na siya.

"Yes?" Bungad niya.

"Ally. Anong oras? Ngayon na ba?" Natataranta kong sabi.

"Naliligo pa ako. Mamaya nang kaunti. Mga seven ganun. Sige usap tayo mamaya. Bye." And she ended the call.

Naiwan akong nakatulala at hindi alam ang gagawin. Nung mag-sink in kami sa akin ang lahat ay agad akong pumasok nang banyo at naligo.

Wala pa yatang 5 minutes at natapos na akong maligo. Tinignan ko ang digital clock sa may cabinet. 6:13 pm na pala. Naghanap ako nang susuotin! Ano ba naman to! Di pa ako nakapag-shave! Bahala na nga! Isang plain black na V-Neck at khaki shorts ang sinuot ko. Tsaka ako nag-vans. Okay na to. Ayoko magpantalon ngayon.

Bigla ulit nag-vibrate ang phone ko.

From: Ally Princess

"Asan kana? Bihis kana ba? Hintayin na lang kita dito sa bahay. Magpapaalam lang ako kay Kuya."

Iyan ang sabi niya. Hindi ko na siya sinagot pa at bumaba na nang hagdan. Nagpaalam na ako kay Manang pumayag naman, kasi kilala naman na niya si Ally.

Paspasan ang ginawa kong pagdadrive! Grabe! Opportunity na to! Grasya na ang lumalapit. Nung nasa bahay na nila ako ay tinext ko na siya.

To: Ally Princess

"Andito na ako. Baba kana."

Text ko sa kanya at wala pang 5 minutes ay lumabas na siya nang gate. At dali daling naglakad at pumasok sa kotse ko.

"Ahhm. Ano yu---" Hindi na niya ako pinatapos pa sa sasabihin ko.

"Drive! Sa bar kung saan kita nakita!" Deretso niyang sabi.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon