"Good Evening Business Management Students! Welcome to the BMSA Acquaintance Party!" Sabi ng MC ng party namin sa stage.
December na. Mahigit isang buwan na din kaming hindi nagpapansinan ni Nico. Ewan ko. Pero pati sa facebook wala na siyang latest post. Hindi ko na rin siya nakikita sa school. Malamang in-unfriend na ako nun.
Si Kuya Berns na din ang nagkwento sa akin sa nangyari doon. Isang engineering student at campus bad boy pala ang lalakeng muntik nang manamantala sa akin. Hindi ko na itinuloy ang kaso. Pero nag-file na lang ako ng TRO na hindi ako pwedeng lapitan ng lalakeng iyon at least 50m away.
"To start spiritually may we call on Miss Alleia Harriette Sandoval to please lead the prayer." Agad na akong tumayo at umakyat sa stage. Kinuha ko ang microphone mula sa MC at nagsalita.
"Lets bow our heads and feel the presence of the Lord. In the name of the father and of the Son and of the Holy Spirit. AMEN. Almighty God the mightiest of all. This is the night that most of us students have been waiting for. Thank you for giving us this moment to enjoy and the opportunity to get along and know more people in the BMSA. May You please guide and bless us to do the right thing and get us away from danger. May You also bless our organization, our college and every student herein to be the best and in good hands at all times. That's all in Jesus name. AMEN. In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. AMEN." Matapos kong magpray ay binalik ko na ang mic sa MC at bumaba nang stage. Naghihintay naman si Henric sa ibaba ng hagdan para alalayan ako. Ang sweet talaga ng lalakeng to. I mouthed him thank you at humawak sa kanyang braso at naglakad na kami papunta sa aming table.
Nadaanan namin si Nico pero hindi ko siya nilingon pa. Ramdam kong sinusundan niya kami ng tingin. Nasa tabi niya si Mel na naka-red lipstick at fitted na white halter dress na may red belt sa bewang na maiksi at nakapusod naman ang kanyang buhok.
"Thank you Miss Sandoval for leading us the prayer. And now may I call on Mr. Edward Nicolas Keshner the President of BMSA, for the opening remarks." Sabi ning MC at tumayo naman na si Nico na naka-grey tuxedo at blue na tie.
"Hello BMSA's. Thank you for attending this party. This acquaintance party is designed for us students to mingle with one another. I would like to thank you all for your cooperations my members, fellow officers,to our advisers and other instructors. Without your cooperation and efforts this party would be impossible to happen. So now, here it is after almost 2 months the party is now happening. So students make some noise because the party starts now!" Speech ni Nico at nagpalakpakan ang lahat ng tao sa party.
Kasabay nun ay ang pagsimula ng malakas na tugtugin.
"Ui tara sayaw tayo." Aya nila Sophia at Shaney sa amin ni Henric.
"Tara baby?" Tanong ni Henric.
"Maya na lang baby. Nahihiya pa ako eh." Sagot ko sa kanya.
"Maya na lang kami sasayaw. Ayaw pa ni Ally eh. Alangan naman iwan ko siya dito mag-isa." Apat lang kami sa table namin. Halos magkakatabi lang kami nila Nico.
"Sige mamaya na lang din tayo Shaney. Ang dami pang tao oh." Sabi naman ni Sophia at bumalik na sa kanilang mga upuan.
Nanatili lang kami sa table namin at kumukuha ng mga litrato ng magsalita ulit ang MC.
"Guys! Settle down for a while. May important announcement ako." Sabi nito. "Just a few minutes malalaman na natin kung sino ang nanalo bilang King and Queen of BMSA. Now, who's your bet?" Sigaw ng MC. Nagseselfie pa rin kami at hindi nakikinig.
"Alleia Sandoval!" Sigaw ng karamihan. Kaya naman natahimik kaming apat at nagkatinginan.
"Ariana Grande!" Sigaw naman ng isang lalake na nakaupo apat na table mula sa amin. Kasabay nun ay ang pagtapat ng spotlight sa akin.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
RomantizmONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey