"Baby! Bakit mo nagawa iyon?!" May halong inis at panumbat sa tono ng pananalita ni Ate.
"Ate. Sorry. Alam ko nagkamali ako. Sorry Ate." I didn't noticed na umiiyak na pala ako.
"Alam kong wala akong karapatang pagalitan ka Alleia." Minsan lang akong tawagin ni Ate sa buo kong pangalan kaya alam kong galit siya. "Pero..." Hindi siya makapagsalita ng maayos. Napansin ko na lang na tumutulo na rin ang mga luha niya.
"Ateee. Please dont cry!" I said in between my sobs. I immediately hugged her to calm her down. Pero mukhang wala lang, umiiyak pa rin siya.
Hindi talaga kami ganito ni Ate. May inggit kasi ako sa kanya sa totoo lang. Siya kasi iyong tipo ng anak na ipinagmamalaki talaga ng magulang. Ate Bianca Samantha Sandoval is a perfect child. She was so blessed in all aspects. She is intelligent, beautiful, sophisticated, and a well mannered woman. While ako? Isang wild child dati para lang mapansin. It's been years that I've been longing for their attentions. Puro na lang kasi si Ate. Mas nadagdagan pa iyon when Trixie Cassandra came into our lives. Mas lalo akong naging hangin. Mas mabuti nga noon na ipinatapon nila ako sa Monte del El Ranjo kasi doon alam kong mag-isa ako. Kaysa nasa bahay nga namin, wala naman nakakapansin sa akin.
Alam niyo kasi iyong feeling na para kang nababalewala? Ang sakit sakit sakit. Therw was one time nga ipinagdasal ko na sana hindi na lang ako ipinanganak eh. Napabarkada ako dahil sa paghahanap ko ng atensyon. Until I met Dustin whom I thought will never leave me. Hindi nga naman niya talaga ako iniwan ako ang nang-iwan sa kanya. Si Dustin kasi noon iyong tipo ng taong hinahayaan lang ako sa lahat ng gusto ko. As long as hindi ako nakakasakit ng ibang tao at nasa tama ako. Iyong tipong hahayaan lang akong umiyak pag may problema ako tsaka na ako ikukulong sa mga bisig niya at kakantahan hanggang sa tumahan at makatulog ako. Siya lang iyong bukod tanging nakaka-appreciate sa akin at pinaparamdam sa akin na karapat dapat akong mahalin.
I really felt loved during that time when I and Dustin were still together. Siya iyong nagpakita sa akin ng pagmamahal at atensyon that I've been longing for a long period of time. But, my world turned upside down when he committed a mistake. Parang dumoble iyong sakit. Akala ko pa naman siya na. Iyong tanging nagbibigay ng kasiyahan sa akin noon bigla na lang naging iyong taong rason ng aking kalungkutan.
During those days, sinosolo ko ang problema. Mabuti na lang patapos na kami noon ng high school kaya maiiwan ko na siya sa wakas. I thought I would be happy na wala siya. But no. I am only pretending that I can but deep inside I was too damn broken.
He begged na patawarin ko siya. Na makipagbalikan na ako sa kanya. But I didn't, because I was too coward that time. Hindi ko siya kayang ipaglaban. Matapang si Mia, she is well known for being fierce. She gets everything she wants. Wala siyang inuurungan. Unfortunately, gusto niya si Dustin, and I let her win. And that was the biggest mistake I've done in my entire life. Akala ko magiging masaya si Dustin sa kanya. Na mas karapat dapat siyang magmahal at mahalin ni Dus kasi ako, wala naman akong maipagmamalaki eh. Anong laban ko kay Mia at that time?
There was one time na papunta ako sa building namin at nakita ko ang grupo nila Mia. Dumaan na lang ako na parang walang nakita. Pero nakita nila ako at pinag-usapan na akala mo hindi ko naririnig. Nagbingi bingihan ako. Duwag na kung duwag pero gusto ko kasing patunayan na nagbago na ako para naman makauwi na ako ng bahay namin.
They usually saw me na normal lang. Na parang hindi ako brokenhearted. But, kapag nasa apartment na ako. Dun na ako umiiyak ng umiiyak hanggang sa mapagod na ako. Labis akong nasaktan sa pagkawala ni Dustin. Buti na nga lang may concealer akong nabili para pagtakpan ang eyebags ko. Hindi naman siya tumitigil sa pangungulit. Text nang text. Tawag ng tawag pero di ko sinasagot. Isang umaga nagpadala siya ng bouquet sa classroom namin. Ayoko na ng gulo. Gusto ko naman nang mapansin nang hindi dahil sa mga maling nagawa ko but for something that will make my parents be proud of me. Alam ko ang kayang gawin ni Mia sa akin pag binalak kong balikan si Dustin kaya nagparaya ako kahit buong mundo ko ang isinuko ko nang di lumalaban.
After graduation, alis na agad ako sa apartment na tinutuluyan ko. Ni hindi nga noon umattend ang parents ko dahil may meeting daw sila with the suppliers that day. Okay lang sanay na ako. Basta kakausapin ko silang iuwi akong Pilipinas.
Hinila ko na ang napakalaki kong maleta at binuhat ang isa kong travelling bag. At nakasalukbit naman ang dalawang backpack sa magkabila kong balikat. Sinundo naman ako ng driver kaya mabilis akong nakaalis. While on my way, hindi pa naman ako nakakalayo, nakita ko si Dustin na tumatakbo papunta sa direksyon ng apartment ko. Kaya pinahinto ko ang sasakyan at bumaba ako. Tinawag ko siya, nilingon naman niya ako agad kaya tumakbo ako para salubongin siya. Niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko na lang na yumuyugyug ang balikat niya. Kumalas ako sa pagyayakapan namin at hinawakan ang magkabilang pisngi niya tsaka ngumiti ng mapait.
"Be happy okay?" Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya.
Inabot niya ang isa kong kamay at hinalikan iyon bago siya sumagot. "How could I if you will leave?"
"She deserves you and you deserve someone like her." Halos pumiyok ko nang sabi.
Umiiyak lang kaming pareho. Naisip kong huli na pala naming pagkikita ito. Kaya inalis ko ang wrist watch kong may pangalan ko sa likod at binigay sa kanya. "Always remember, this watch will remind you how much you really mean to me. And that, every second or minute that will pass I am thinking of you."
Agad akong niyakap ni Dustin kaya niyakap ko rin siya. Inabot sa akin ni Dustin ang isang maliit na box. Kinuha ko naman iyon at nagpaalam na. Aalis na sana ako nung biga niya akong hinigit at hinalikan. It lasted for seconds. After we parted nagtatakbo na akong bumalik sa kotse at doon na ako nagbreak down. Hindi ko na siya nilingon pa, mas lalo lang akong nasasaktan. Nanlalabo na nga mga mata ko, dala ng pag-iyak ko. Basang basa na rin ang mukha ko ng mga luha ko pero wala na akong pakialam. Nakita ko si Dawn ang teddy bear na bigay ni Dustin sa akin kinuha ko iyon at niyakap tsaka ako umiyak ng umiyak. Binuksan ko naman ang maliit na box at isang silver necklace pala ang nilalaman niyon. May pendant siyang heart shaped na may A.D na initials. Kaya mas lalo akong naiyak, kasi kahit sa huling pagkakataon pinaramdam sa akin ni Dustin ang pagmamahal niya. At ang kwintas na ito ang patunay na ibinigay niya sa akin ang puso niya. Hindi ko namamalayan sa sobrang pag-iyak ko,natulog na ako sa biyahe.
Kumalas na si Ate sa pagkakayakap ko kaya naman napabalik ako sa realidad. Inis niyang pinahid ang mga luha niya sa pisngi nang hindi man lang tumitingin sa akin.
"Ate." Garalgal pa ang boses ko.
"Alleia Harriette M. Sandoval. How could you surrender your vcard so easy?! Ni hindi ka nag-isip! You didn't used your head!" Bahagya nang napataas ang boses ni Ate kaya napayuko ako at umiyak na lang.
"Ate Im so sorry. Puro na lang disappointments ang dala ko." I said in the most down to earth voice.
"Hindi ako galit! Nanghihinayang ako bilang ate mo! Pero kahit anong gawin ko. Tapos na! Minahal mo eh kaya mo binigay! Pero sana naisip mo rin na love is not measured by how wide your legs are spread!" Galit na sabi ni Ate. Natamaan ako sa sinabi niya pero tinanggap ko na lang.
"Ate. Can I ask you a favor?" Umiiyak kong sabi.
"What?! Na hindi makakarating kila Mommy?! Sure Ally, you can trust me! Pero masama ang loob ko sa iyo! Mabuti pa, bukas na bukas din, kausapin mo na si Dustin. Nalaman ko na rin naman na lahat eh. Baka sakaling maayos niyo pa. Sayang naman talong talo ka! Tumayo kana! Umuwi na tayo!" Mataray na sabi ni Ate kaya sumunod na lang ako.
Tahimik lang kami sa biyahe, walang imikan habang umiiyak ako. Kailangang kailangan ko si Nico. Mamaya tatawagan ko siya pagkauwi namin para may masabihan ako.
Pagkarating ng bahay. Unang lumabas si Ate at pabalibag pang isinara ang pinto ng kotse. Nakayuko pa rin ako at umiiyak na pumasok ng bahay pero hindi ako nagpahalata. Naabotan ko pa si Ate nang paakyat ako pero malungkot lang siyang nakatitig sa akin.
"Akala ko pa naman iba ka! Pero hindi, kagaya ka rin nila! Ang bobo mo Alleia. Hindi ka lang bobo! Tanga ka na duwag ka pa!" Yan lang ang sabi ni Ate at pumasok na ng kanyang kwarto at binalibag ang pinto.
Naiwan ako sa harap ng pintuan ng kwarto na parang estatwang di makagalaw. Ang bigat ng bawat galaw na ginagawa ko. Ang sakit ng mga salitang sinabi ni Ate pero deserve ko iyon. Para na rin niya akong sinampal.
Pinihit ko na ang door knob at pumasok sa loob nang kwarto ko. Akala ko magiging maayos na ako sa pamilya ko sa wakas pero hindi pala. Mukhang mas lumaki pa iyong gap namin sa isat isa. Sana panaginip na lang ang lahat. Sana magka-ayos kami ni ate. Ang daming sana pero mukhang malabong mangyari.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
Storie d'amoreONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey