"Ally. Vitamins mo hah? Huwag mong kalimutan. Malilintikan ka sa akin sige ka!" Pinagsasabihan na naman ako nang aking nurse este bestfriend pala. Kagagaling lang kasi namin sa check up.
"Shan. Nahahalata na bang preggy ako?" Dalawang buwan na rin kasi tong dinadala ko. May bago na naman akong gamot kailangan daw pampakapit kasi delikado daw yung pagbubuntis ko.
"Hmmm?" Sabi niya sabay tingin sa tiyan ko. "Halata lang na tumaba sexy ka pa rin in fairness. Hi little angel! What are you doing?" Sabi niya sabay haplos sa tiyan ko.
"Shan. What if magtanong ang baby pag sino ang papa niya?" Bigla kong tanong at napatingin si Shan sa akin.
"Ally. You know his father. Wala naman sigurong masama kong sasabihin mo sa kanya. Why not tell Nico kasi para alam niya. Ama din siya ni baby ah." Malumanay niyang sabi. Yes Nico is the father. Kasi kung si Dustin sana, 1 week preggy na ako nung may nangyari sa amin ni Nico.
"No Shan. This baby is only mine. This is My Baby! Not ours." Matapang kong sagot.
"Bahala ka. Willing naman kasi siyang panagutan ka tapos ngayon ikaw tong aayaw ayaw."
"Eh ano na lang ang sasabihin ko kay Dust?" Naalala ko si Dust. Dati ako yung sinaktan niya. Pero ngayon na okay na kami ako naman ang nagkamali at makakasakit sa kanya.
"Hindi ko alam. Pero alam mo Ally, masakit sa part ni Dustin yan. Nga pala, have you told your parents about it?" Umiling lang ako bilang sagot at napabuntong hininga naman siya nang malalim.
"Hanggang kailan mo balak itago iyan? Ally, lalaki at lalaki ang tiyan mo. Hindi mo pang habang buhay na maitatago iyan. Ni ayaw mo nga sabihin sa tatay nang bata na buntis ka. Naiintindihan naman kita kasi hindi iyon madali. Pero Ally, hanggang kailan ka matatakot na harapin ang katotohanan?" Napaisip ako sa sinabi ni Shan. Hanggang kailan kaya?
"Shan. Hindi ko alam. Napaka-selfish at coward ko." Naiiyak kong sabi.
"Ssshh. Stop crying. Ikaw lang naman ang iniintindi ko dito. Ano na lang sasabihin mo sa parents mo? Na "Mom, Dad, natisod lang ako at nadapa. Tapos pagbangon ko, malaki na tiyan ko at ilang hakbang lang ang ginawa ko may lumabas na na bata", Ally sino sa tingin mo ang maniniwala sa iyo? At hindi naman kasi ganun kadali iyon." Saglit siyang napatigil at hinawakan ako sa kamay.
"Ikaw lang ang iniisip ko dito Ally. Kasi hindi ka naman paniniwalaan kapag ganun ang sasabihin mo. Mas mabuti nang habang maaga pa ay alam na nila." Sabi niya sabay pisil sa kamay ko.
"Tsaka sa baby, anong sasabihin mo? Na humiling ka lang sa Diyos nang anak tapos paglabas mo nang simbahan may sanggol na? Ally, huwag kasi puro sarili lang ang iisipin. Si baby din. Habang naglilihim ka, mas lalo kang nahihirapan at kakayanin mo bang buhayin ang anak mo sa kasinungalingan?" Tuluyan nang pumatak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan nang sabihin ni Shaney ang mga salitang iyon.
"Hey. Stop it. Baby will cry too. Tama na hah? Basta no matter what happens andito lang ako. Oh, how's your preggy days going?" Pag-iiba naman na niya ang usapan namin.
"Okay lang. Lagi pa rin akong nagke-crave nang ice creams. Pero nagra-rice naman na ako at mga fruits. Specially sa carrots. Ang sarap eh." Sagot ko sa kanya at napangiti naman siya.
"Good. Tsaka huwag ka masyado sa stress hah. Nabasa ko kasi, pag stressed daw ang mommy, may posibilidad na makunan or sakitin ang baby paglabas. Kaya ingat ingat hah? Dalawa na kayo." Hindi talaga siya nauubusan nang paalala sa akin.
"Mahal na mahal mo naman talaga ang anak ko no?" Sabi ko sabay ngiti.
"Of course. Mahal ko din kasi ang Mommy." Sagot niya at ngumiti. "Di ba little angel? I can't wait to see you." Sabi niya sabay haplos ulit
sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
عاطفيةONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey