Chapter 24

56 2 1
                                    

"Uy! Patingin ako. Si Dustin ba yan?"

"Nako naman Sophia! Mamaya kana nga! Ako muna!"

"Share na kasi tayo! Damot naman nito!"

Nag-aagawan lang ang dalawang pusang ligaw na ito sa harapan ko. It's been a week na nakabalik ako dito. Balik school na ulit ako. Kaya heto nasa canteen ulit kaming apat. Para mag-lunch.

I haven't seen Nico. Malamang busy iyon. Hindi na nga ako nasalubong nun sa airport. Si Manong Berns ang sumundo sa akin. At nagulat ako kasi naman nandoon ang tatlong ito na naghihintay sa akin. Si Shaney may banner, si Sophia may balloons, si Henric may human size teddy bear. Ang saya naman ng sumalubong sa akin pagkauwi ko. Sabi nila hindi daw sila nag-enroll muna kasi dapat daw sabay sabay kami. Talaga namang dinamayan ako.

"Aaaaaah! Manyakis ka Ally!" Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw si Shaney.

"Hoy! Mahiya ka naman ang lakas ng bunganga mo!" Sigaw ni Sophia sa kanya at kinutusan siya. Pasimple akong lumingon sa paligid. Nakatingin sa amin ang ibang kumakain dito.

"Sorry naman!" Singhal ni Shaney kay Pia.

"Ano ba kasi iyan?! Baka kung ano na ang isipin ng mga tao dito sakin! Makasigaw ka naman kasi sagad!" May bahid ng inis kong sabi sa kanya sabay irap.

"Sorry na Ally. Nagulat lang kasi ako dito oh." Sabi niya sabay harap sa akin ng akin phone.

"Si Mia yan! At yung lalake niya." Kasi naman nakita niya yung picture ni Mia aa phone ko. Di ko pa pala nadedelete.

"Galit pa rin ba? Uy sorry na." Maamong sabi niya sa akin.

"Oo na." Tipid kong sabi sabay yuko dahil sa kahihiyan.

"Oh. Bakit nakasimangot ang pinakamagandang babaeng nakilala ko?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko. Inangat ko ang aking ulo at nakita ko si Henric na may hawak na tray.

"Ah wala." Pumeke ako ng ngiti.

"Oh kain na tayo." Sabi niya pagkalapag ng tray sa mesa. Siya na rin ang nag-serve ng mga inorder namin.

"Ally. Ally. Hmmm!" May nginunguso si Sophia.

"Hah? Ano iyon? Sino?" Naguguluhan kong sabi.

"Hmmm!" Sabay nguso niya.

"Bahala kana nga! Ang gulo mo!"

"Sa likod mo!" Bulong niya.

Napatingin ako sa likod ko at napatigil ako ng magkatinginan din kami ng sinasabi ni Sophia.

Si Nico iyon. Kasama si Melissa. Ang sweet nila sa totoo lang. Kaya naman pala hindi ako tinetext at hindi ko siya nakikita kasi naman pumapag-ibig na siya.

Nginitian ko lang siya ng tipid at kumaway naman siya sa akin. Ewan ko pero parang nadisappoint ako sa inasta ni Nico. May nagawa ba akong mali? Bakit kaya siya biglang nagbago?

"Kain na Baby." Napabalik ako ng tingin sa pagkain nang magsalita si Henric.

"Baby? Kayo na ba?" Tanong ni Shaney.

"Hindi pa. Hindi pa kasi niya ako sinasagot. Pero sana sagutin na niya ako." Nakangiting sabi ni Henric.

"Hoooh! Galawang breezy na naman! Naku Ally, bakit ba hindi mo pa sinasagot tong si Henric?" Tanong ni Shaney habang sumusubo.

"Sa totoo lang. Ayokong magpakaplastik sa inyo. Mga kaibigan ko kayo kaya dapat tapat ako." Napatigil ako sa sasabihin ko dahil nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko oh hindi.

"So ano na Ally?" Tanong naman ni Pia.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Ayoko kasing may masaktan na naman ako at masaktan akong muli. Kasi ang hirap ng pinagdaanan ko sa totoo lang. Mahal na mahal namin ni Dustin ang isat isa. Pero ewan. Hindi nakiki-ayon sa amin ang tadhana."

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon