Chapter 13

71 4 0
                                    

Binuksan niya naman ang pinto at pinapasok ako.

"Ally. Ginawa ko to para sa iyo oh. Kaya lang baka hindi na masarap kasi lumamig na." Paawa kong sabi.

"Thank you at nag-effort kang gawan ako. Ano bang nangyari ha? Explain!" Maotoridad niyang sabi.

"Kasi ganito iyon." Sinimulan ko ng ikwento lahat.

"Eh bakit ka kasi hindi nagtext?! At ano naman sayo kung ipakilala mo ko sa Paul na iyon? Di ba kaibigan ko dapat mga kaibigan mo?!"

"Ally. Ayoko nga eh. Sorry. Tsaka si Mel kasi sumabay pauwi."

"Walang kaso sakin iyon! Ang sa akin dapat pinaalam mo! Ang pangit mo! Chaka ka!"

"Sorry na. Gagawan na lang kitang bago nito."

"Huwag na. Nakausap na kita. Uwi kana! Langya ka! Panira ka! Kayo na pala di mo man lang ako binalitaan! Bestfriend mo pa mandin akong naturingan! Bastos! Panay pa ang post mo sa fb. Ni hindi ko man lang makitang Sorry Ally dun at tinag mo sakin! Leche! Alis kana nga! Masaksak pa kita! Ang lakas ng loob mong sumugod dito ng gabing gabi.!" Walang tigil lang siya sa kakatalak. Natatawa na ako sa loob loob ko.

"Ally. Di mo ba pansin? Para sa iyo lahat ng post ko! Tanga ka din eh! Nagbabasa ka ba?!"

"Ano sabi mo?! Ako tanga?! Eh kung tsinelasin ko kaya ngala ngala mo!"

"Joke lang. Suko na ko. Bati na tayo please." Niyakap ko siya. And shit! Ang sexy niya. Oh tukso! Layuan mo ako! She hugged me back. Ang sarap. Nanatili kami sa ganung posisyon for a minute or two? Basta ang sarap sa feeling. Nilabas ko amg cellphone ko at inakbayan siya.

"Hey! Para saan yan?" Tanong niya sakin.

"Selfie tayo tapos ipopost ko tapos itatag sayo." Hindi naman na siya umangal pa at ngumiti na rin. Ang ganda talaga ni Ariana.

After that night. Mas lalo kaming naging close. Mas marami akong nalaman tungkol sa kanya. I didn't know na iyon pala ang reason why she's here. Alam ko na rin  that she's no longer pure. But that doesn't changed anything. Ako din naman hindi na demure. Ang pagkatao hindi nasusukat sa virginity yan ang gusto kong sabihin.

Mabuti na lang si Melissa hindi masyadong nagseselos. Busy rin kasi gaya ko. Lalo na ngayon election na.

After the election of new sets of officers. I won as the President again. Melissa as the Secretary and Alleia as the Head for Production.

May party kami noon para icelebrate yung pagkapanalo namin. Nakakatuwa nga eh. Si Henric at Sophia nag-aaway sa harap ng videoke. Si Shaney nilalantakan ang mga pagkain. Si Ally pumipili ng kanta. Napunta talaga ang tingin ko sa nag-aaway na sila  Henric at Sophia.

"Ano ba Pia! Akin yan eh. Maghanap ka nga ng kanta mo!"

"Ipupukpok ko sa ulo mo tong mic pag di ka tumigil!"

"Langya Pia hah! Sakalin na kita jan gamit ang cord. Makita mo!"

"Ano ba Henric. Kanta ko to. Pataasan na lang tayo ng score!" Hamon no Sophia kay Henric. Nag-aagawan pa rin sila kung sino ang kakanta. Patapos na yata ang kanta wala pa ring nagpapabigay.

"Oh sige ba. Kala mo hah!" Maangas na sagot naman ni Henric.

Biglang sumingit si Ally.

"Hey you two! Give me the Microphone ako kakanta."

Sumunod naman sila at inabot kay Ally ang mic.

She entered the code of the song she"ll going to sing.

After that nagsimula na siyang kumanta. Inilabas ko ang phone ko at vinideo pa siya.

Kasalukuyan siya ngayong kumakanta ng When Your Gone by Avril Lavigne. Grabe ang ganda ng boses. May talent pala siyang ganyan.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon