Chapter 30

58 2 0
                                    

From: Ally Princess

"Bakit po? May kailangan po ba kayo? Ang dami niyo po kasing tawag. Pasensya na po hindi ko kayo nasagot. Tungkol po ba ito sa org.?"

Iyon ang nilalaman ng text ni Ally kaninang 1:18 am. Chineck ko ang logs ko, sa pagkakaalam ko nasa Jhelin's ako ng mga oras na iyon at naglulunod sa kape. Ang sakit na nga nang tiyan ko! Nasobrahan yata sa kape! Baka butas na sikmura ko nito!

Sandali! Bakit may tawag ako kay Ally ng 1:15 am? Nasa pocket lang naman ng coat ko ang phone ko ah.

1:15 am: 0hrs 0mins 20secs

Sinagot niya yung tawag? Sandali! Tatawagan ko siyang muli! Baka naman sagutin na niya ako.

Tinawagan ko siyang muli

Goodness! Sinagot niya! Heaven na to!

"Hello?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Hello. Ally." Sinubukan kong maging normal sa pakikipag-usap sa kanya. Ang hirap magkunwari.

"Yes po President? Ano po iyon? Tungkol po ba sa org.?" Tanong naman niya.

"Hi-hindi. A-ano. Nakita kasi kitang maagang umalis. Itatanong ko lang sana kung bakit." Nauutal kong sabi.

"May bisita po kasi ako. Andito po kasi yung kaibigan ko galing US." Po? Tsk! May gap na talaga sa pagitan namin.

"Ah ganun ba. Sige. Good night." Iyon na lang ang sinabi ko at ibinaba ko na ang tawag.

Andito si Dustin ang pinakamamahal ni Ally sa lahat. Anong laban ko dun? Mahal niya iyon eh. At ang isa pa kaaway niya ako ngayon. Hanggang dito na lang siguro to.

Ang daming tawag ni Mel saakin pero di ko pinansin! Pakialam ko sa babaeng iyon! Ang kitid ng utak! Hihiwalayan ko na talaga iyon! Tutal ayaw naman na ni Ally na kaibiganin ako. Wala na siyang pangba-black mail sa akin!

Okay na rin iyong nalaman kong kaibigan niya ang kasama niya. At least alam kong hindi na siya mapapahamak. Napanatag na rin ang loob ko sa wakas.

Sila na kaya ni Henric? Kung sana kasi hindi utak talangka ang girlfriend ko di sana hindi kami nagkalayo ni Ally! Nag-iisip ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

Mel<3:

"Asan ka? Bakit wala kayo ni Alleia?! Magkasama na naman ba kayo?!"

Sa text pa lang niya ay alam kong galit na naman siya. Bwisit talaga to! Hihiwalayan ko na talaga siya!

To; Mel<3:

"Magkita tayo. Kailangan nating mag-usap. Bukas na bukas din. Sa McDonalds!"

Mel<3:

Tungkol saan?

Hindi ko na siya nireplyan pa. Natulog na lang ako dahil anong oras na rin. Buo na talaga ang desisyon ko. Hihiwalayan ko na siya. Hindi ko kailanman pinangarap ang may dumidikta sa buhay ko! Maski si Mommy hindi ako pinapakialaman. Siya pa kaya? Na girlfriend ko lang?! Yes! Lang! Girlfriend ko LANG siya! Anumang oras ay pwede ko siyang palitan. Pero hindi. Naroon pa rin ang respeto. Kabilin bilinan sa akin ni Mommy at ni Ate na dapat daw irespeto ko ang mga babae. Kaya nung mapaiyak ko si Ally, nagui-guilty talaga ako!

Pero ano pa ang silbi ng relasyong iisa lang ang nagmamahal? Di ba mas mabuting palayain niyo na lang ang isat isa kaysa magkasakitan pa kayo? Kaya masasaktan man siya, gagawin ko to para rin sa kanya. Kasi ayoko na siyang paniwalain pa na mahal ko siya.

NARITO na ako ngayon sa McDonalds at hinihintay si Mel. Maya maya pa ay nakita ko na siyang bumaba sa kotse niya at nagmamadaling pumasok.

"Ano pag-uusapan natin?" May pagtataray sa tono ng pananalita ni Mel.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon