"Alleia. Wake up darling." Nagising ako noong may yunuyugyog sa balikat ko habang nakahiga ako sa kama.
"Mom?" Mahina kong sambit habang dahan dahang minumulat ang aking mga mata.
"Yes honey. Wake up. Kain ka muna." Sagot naman ni Mommy sa akin.
"Mom. I want ice cream." Sabi ko sa kanya nung maimulat ko na ang aking mga mata.
"What? Ice cream?" Gulat niyang tugon.
"Yes Mom. Cookies and cream please."
"Sige wait at magpapabili ako. Pagdating mo kagabi ni hindi mo kami kinausap. Natulog kana lang bigla." Patampo naman niyang sabi.
"Im so sorry Mom. Pagod lang po ako." Naramdaman ko na lang na bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa aking ulo.
"Are you alright?" Nag-aalala namang tanong ni Mommy.
"Yeah Mom. I'm fine. Sumakit lang bigla yung ulo ko."
"Siguro dala lang ng jetlag iyan. Oh sige. Bababa na muna ako hah? I'll wait you downstairs. Bye honey!" Pagpapaalam na ni Mommy.
Pagkasara ng pinto ay agad na akong napaisip. Ano na ba talaga ang nangyayari sa buhay ko? Paano ko sasabihin kina Mommy ang tungkol sa batang dinadala ko? Akala ko buo na ang loob kong sabihin sa kanila. Pero ngayong andito na ako bakit parang nawawalan na ako ng lakas ng loob? Natatakot ako sa mga maaring mangyari. Kahit ilang beses ko mang kumbinsihin ang sarili ko na paninindigan ko ang gusot na pinasukan ko, dumadating pa rin ako sa point na aatras lahat ng tapang sa katawan ko. Gulong gulo na ako! Pero kailangan kong sabihin kila Mommy at Daddy habang maaga pa. Ang selfish ko naman pag sarili ko lang ang iisipin ko, hindi na lang ako nag-iisa ngayon. Kailangan ko ring isipin ang kapakanan ng baby ko.
Dahan dahan akong bumangon at nagpunta ako sa banyo para maghilamos. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin.
Pababa ako ng hagdan ng marinig kong may kausap si Mommy kaya nacurious ako kung sino iyon kaya naman dinahan dahan ko ang pagbaba. Naalala ko hindi pa pala ako nakakapag-take ng med ko. Kaya naman kailangan ko ng kumain.
At ganun na lamang ang aking pagkagulat ng makita ko kung sino ang kausap ni Mommy. It is Dustin holding a bouquet of red roses with a big smile plasterred on his face. Hindi ko alam pero nanigas ako sa aking kinatatayuan.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at inabot yung hawak niyang roses at niyakap ako.
"I miss you so much Sweety! I love you!" I hugged him back.
"Ehem!" Napatingin kami pareho kay Mommy. "Excuse me but, I have to go. Take charge Dus! Behave." Sabi niya sabay ngiti at lumabas na ng bahay.
"Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Dustin sa akin.
Tumango lang ako bilang sagot. Kasi wala akong ganang kausapin siya at nagui-guilty ako.
"You look pale and sick. Are you feeling alright?" Tanong niya ulit.
"Yes Dus. I'm fine. You have nothing to worry about." Sagot ko na lamang at pumunta na ng kusina para kumain.
Kahit ayoko sa pagkain ay kailangan kong kumain para sa anak ko. Kaya naman kumuha na lang ako ng cereals at 3 slices ng bread bilang breakfast ko.
"Aren't you happy to see me?" Biglang tanong ni Dustin na nasa kaharap ko palang upuan. Kaya naman napatigil ako sa pagkain at napayuko saglit.
"Ally?" Muli niyang pagtawag. Di ko alam pero nakulitan ako.
"Dus, can you please just leave me? I'm getting irritated." Nabigla siya sa sinabi ko at hindi agad siya nakasagot kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
"Okay. Sorry." Yun na lang ang sinabi niya at mabigat ang mga hakbang na umalis sa harapan ko. Hindi ko alam bakit ako ganun sa kanya.
Matapos kong kumain ay umakyat na ako agad sa aking kwarto para uminom ng aking mga gamot. Binuksan ko ang aking bag at nakita ko doon ang mga gamot ko. Paubos na pala. Saan ngayon ako bibili? Yung gatas ko, paano na? Panahon na nga ba para aminin ko sa kanila ang katotohanan? Nasulyapan ko ang aking sarili sa isang full-length mirror dito sa kwarto. Nahahalata na ang mga physical changes sa aking katawan. Mga pants ko, hirap na rin magkasya. Blouses ko masikip na rin o di kaya maiksi na. Mangilan-ngilan na nga lang din ang mga dresses ko na nagkakasya.
Napaupo ako at napaisip. Ininom ko muna yung gamot ko bago ako ulit ako humiga kasi parang gusto ko ulit matulog. Naalala ko si baby kaya naman nag-tummy talk ulit kami.
"Hello." Sabay haplos sa aking tiyan.
"Ginagawa mo? Girl ka ba or boy ka? Sana boy ka baby. Tapos magmamana ka sa akin na green ang mata at brown yung buhok. I promise to protect and love you. No one can ever harm you baby! Sorry hah? Kung pati ikaw nahihirapan. Pero kaya natin to baby. Lahat kakayanin ni Mommy para sa iyo. I love you baby!" Sabi ko at marahang hinahaplos ang aking tiyan. Ang saya sa pakiramdam na may munting anghel na ako pero kapalit nun ay mga consequences. Pero kakayanin ko iyon lahat.
Nag-isip ulit ako kung anong mga pwede kong gawin. Lumalaki na si tummy, paubos na ang mga gamot ko, kailangan ko na ring mapa-check up sa OB, wala na akong gatas at wala na rin akong damit na susuotin. Kung patuloy ko itong ililihim, madadamay si baby. Bahala na. Pero aamin na talaga ako. Buo na ang desisyon ko kahit may takot pa akong nadarama. Nagpasya na akong maligo para naman gumaan ng kaunti yung pakiramdam ko bago ako matulog. Paano ko kaya sisimulang sabihin sa kanila?
Matapos kong maligo ay nagpalit na agad ako at nagpatuyo ng buhok. As usual, natulog ulit ako. Diko na namamalayan ang oras. Nagising na lamang ako nung marinig ko ang boses ni Mommy na naghahanap sa akin. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at sinulyapan ang aking phone kung anong oras na. Gosh! 6:32 pm na pala! Ang haba na pala ng tulog ko! Kaya naman kahit may pagkahilo ay pinilit kong bumangon para kumain kasi hindi pa ako nagla-lunch at nalipasan ulit ako ng pag-inom ko ng gamot.
Lumabas ako ng kwarto at dahan dahang bumaba. Nakita ko si Mommy na nakaupo sa living room at kumakain ng pop corn. Ang aga niya yata ngayon?
"Hi Mom." Walang gana kong sabi sa kanya.
Lumingon naman siya akin at napakunot ang noo.
"You look pale? Are you alright?" Sabi niya at inilapag ang kinakain niyang pop corn sa center table.
"Yeah Mom. Why?" Sagot ko sa kanya at bigla na lamang umikot ang aking paningin kaya napasandal ako sa divider.
Nataranta si Mommy na lumapit sa akin para alalayan ako.
"Baby? What's happening?" Nag-aalala niyang tanong. "Are you alright?" Tanong niya ulit. And the rest of her words ay hindi ko na naintindihan because everything turned into black.
I JUST woke up na nakahiga na sa sarili kong kwarto at may towel sa aking noo.
"Mom?" Mahina kong sambit ng di pa binubuksan ang aking mga mata.
"Anak? I'm here." Nag-aalala niyang sagot. "You're making me worry baby. May lagnat ka. Napauwi tuloy ang Daddy mo ng wala sa oras." Sabi niya sabay haplos sa aking ulo.
Dahan dahan ko namang minulat ang aking mata. And there stood the man that's been my saviour everytime I fall. My Dad. In his face you can see that he's worried. He's leaning against my door while staring at me.
"Daddy?" I called him at lumapit naman siya at umupo sa tabi ko.
"Are you alright baby?" Should we take you to the hospital?" Tanong naman niya.
"No Dad. I'm fine." Maiiyak na talaga ako sa nangyayari sa akin. Kasi nag-aalala na ako.
"You just collapsed. Tapos may lagnat ka. Ally what's wrong? What's happenning?" Nag-aalala niyang tanong.
Dito na talaga ako napaisip. I took a deep breath bago magsalita.
"Mom, Dad. Maybe it's time for you to know the truth. I'm so sorry." Sabi ko and then tears kept on falling from my eyes.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
RomanceONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey