Chapter 41

41 3 2
                                    

I woke up laying on a hospital bed. Nakita kong nasa upuan si Shaney at may kinakausap.

"Shan." Pagtawag ko sa kanya.

"Oh sige na. Bye. Tatawag ako mamaya. Gising na siya. Sige na nga! Bye!" Sabi niya sa kausap niya.

"Sino yun? May lakad ka. Sige lang iwan mo na ako."

"Hindi Ally. I won't leave you. Wala iyon. Ano okay kana ba?" Sabi niya sabay lapit sa akin.

"Yeah. I'm fine. How's my baby?" Ramdam ko na namang namumuo ang mga luha ko.

"The baby is fine. Nag-bleeding ka lang daw nang dahil sa stress. Ano na naman ba kasi pinag-gagagawa mo?! Ikaw talaga hah! Kung di ka lang buntis pinektusan na kita!" Nag-aalala niyang sabi. Gumaan ang loob ko sa nalaman ko. Okay na pala si baby.

"Talaga? Pwede na ba akong umuwi?" Sagot ko sabay pahid nang aking luha.

"Yes. Pwede na. Hintayin na lang natin yung Doctor mo. Kasi may new meds kana naman. Alas-otso palang naman ng umaga. Mabuti na lang sunday ngayon. Sa monday, mag-iingat ka ha? Delikado daw kasi iyang bleeding na yan." Paalala niya ulit. Mabuti na lang may Shaney ako.

"Oo. Nagmessage kasi si Dustin sa akin. Kaya di ko na naman maiwasan ang mag-isip." Pag-amin ko.

Napabuntonh hininga naman si Shaney at hinawakan ako sa kamay.

"Tama na yan hah? Tiisin mo na. Isanh buwan na lang naman uuwi kana. Tama na hah? Isipin mo yang anak mo." Malumanay niyang sabi kaya naman naramdaman ko ulit ang aking sarili na maiiyak.

"2nd week na ng February. 2nd week nang March exam natin. Di na ako magpapa-clearance. Magpapabook na ako kay Daddy ng flight pabalik dun."

"Ikaw ang bahala. Basta mag-iingat ka dun hah? Mag-usap tayo pag palagi."

"Oo Shaney ano ka ba. Ikaw talaga. Okay lang ako doon. Sanay naman ako eh."

"Nga pala, di ba nasa taas ang kwarto mo?" Bigla niyang tanong kaya napakunot ako ng noo.

"Oo. Bakit?" Taka kong tanong sa kanya.

"Tinanong kasi sa akin ng Doctor kagabi. Ang sabi ko, oo. Kaya ayin, sabi niya baka daw isa sa mga reasons ng bleeding mo ang pag-akyat baba sa hagdan niyo. Eh may kataasan pa naman yun. Kaya if possible daw, sa baba kana lang matulog."

"Okay lang sana. Pero... Shan, pwede mo ba akong tulungan na mag-baba ng mga gamit ko?" Sinamantala ko na ang pagpaparito ni Shaney.

"Naku Seniorita. Kagabi ko pa po nagawa. Naayos ko na yung higaan mo sa sala. Yung desktop ang diko naibaba. Pero yung laptop naibaba ko naman pati mga modules at mga damit mo, at yung iba mo pang gamit andun na." Ang swerte swerte ko naman kay Shaney kaya naman niyakap ko siya bigla.

"Thanks Shan. Ang swerte ko talaga sa iyo!" Sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.

"Gaga! Wala iyon. Ano ka ba! Basta ikaw." Sabi niya at niyakap ako pabalik.

Matapos nang araw na iyon ay sa sala na ako natutulog. Naninibago ako nung una pero nasanay din ako. Iniwasan ko na muna ang magfacebook o kahit na ano. Tumatawag naman sila Mommy at Daddy minsan pero iniiwasan ko rin silang kausap. Nagui-guilty lang kasi ako.

Lagi naman akong naka-regular check up. Ultrasound at mga meds. Nag-spotting lang ako kung minsan pero sabi naman ng Doctor ay okay lang daw iyon. Kasi nasa delicate stage pa daw yung pagbubuntis ko. Lumalaki na rin ang tummy ko. At nararamdaman ko na din ang na parang may pumipintig sa sinapupunan ko. Minsan nga kinakausap ko siya. Binabasahan ng mga story at pinaparinggan ng mga music.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon