Chapter 14

86 5 0
                                    

Kinaumagahan, sinadya ko talagang maunang magising. Ayoko pa sanang bumangon kaso kailangan. Ang saya ng umaga ko sa totoo lang. Yakap yakap ko kasi ang Prinsesa ko at nakayakap din siya sakin. Sana ganito na lang palagi.

Bandang alas-siyete ng umaga ginising ko na si Ally. 10am kasi ang flight niya. Mabilis naman siyang kumilos.

Ako na ang naghanda at naghugas ng mga pinagkainan. Ayoko kasi siyang ma-stress.

By 8am paalis na kami ng bahay nila. Kinausap na niya si Manong Berns. Ako naman binuhat ang mga gamit niya at nilagay sa sasakyan.

Andito na kami ngayon sa harap ng airport. Andito rin sila Henric, Sophia at Shaney. Niyakap niya sila isa isa. Si Shaney maiiyak na yata. Si Henric ang lungkot ng itsura. Si Sophia kasalukuyan nang umiiyak sa gilid. Oo. Close na sila ni Ally. Nung yakapin ni Ally si Henric parang kumirot yung dibdib ko. Tangina! Ayoko sa ganito eh.

Lumapit si Ally sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Prince, I will miss you." Sabi niya habang nakayakap sa akin. Niyakap ko na rin siya pabalik at hinalikan sa ulonan.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Henric sa ginawa ko. "Princess. It was hard to say goodbye even if just for a while. I will surely miss you. Take care okay? Love kita!" I kissed her forehead. Bago kami nagkahiwalay ng yakap.

"Hey kayong apat! Skype tayo at chat hah? I want it everyday! I love you all." Nagflying kiss pa siya at may pumatak na luha sa kanyang mata.

She's about to enter nung bigla siyang tumakbo pabalik saakin at niyakap ako. Damn! She is crying! I hugged her immediately.

"Ssshh. Princess tama na."

"Prince." Iyak niya habang nakayakap sakin. "Magpapakabait ka hah? Love kita!" Hindi uso sa amin ang I Love You. Love kita ang sinasabi namin sa isat isa.

"Princess. Dont cry. Love din kita." Pagpapatahan ko na lang sa kanya.

Kumalas na siya sa pagyayakapan namin at ngumiti ng mapait. Pumasok na siya sa airport. She waved goodbye. We watched her until she disappeared.

Nakita ko pang humagolgol sila Sophia at Shaney. Pagkaalis na pagkaalis ni Ally.

"Henric. Tara na." Walang gana kong aya sa kanila.

"Tayo na girls. Tahan na. Babalik naman siya eh." Nakita ko ang lungkot sa mga mata nila.

"Bro, dala mo ba sasakyan mo?" Tanong ko kay Henric.

"Hindi. Pina-repaint ko kasi." Walang gana niyang sabi.

"Sabay na kayo sa akin. Girls. Tama na. Tara na alis na tayo." Yaya ko sa kanila.

Sumakay sila sa kotse ko at tahimik lang kami sa biyahe.

"Saan niyo gusto?" Ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Bakit President?" Si Shaney ang sumagot. What's wrong with these 17 years old teenagers?

"Ano ba. Ilang beses ko bang sasabihing Nico na lang."

"Sorry naman. Kahit saan mo gusto. Basta treat mo."

"Bro. Sa bahay niyo na lang para makapasyal naman kami. Is it okay? Or sa bahay na lang namin kung okay lang sa yo." Mabait pala si Henric kaya naman pala. At maalaga din siya sa mga kaibigan.

"Sa inyo na lang Bro. Saan ba bahay niyo?"

"Alam mo iyong building malapit McDonalds? Dun sa may puting bahay na medyo old. Dun kami."

Sinunod ko naman ang direksyon no Henric. Malawak pala ang bahay nila. Parang palasyo. Ang ganda din ng garden.

"Bro. Alam mo ba nung unang pumunta si Ally dito ang garden ang una niyang napansin." Nasa likuran ko pala siya di ko man lang namalayan. "Nga pala bro yung sasakyan mo doon mo na lang sa garahe ipark." Ang bait pala talaga niya kaya pala kapalagayang loob niya sila Ally.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon