Chapter 31

64 3 0
                                    

"Umiyak ka Eds? Bago yan ha!" Kantiyaw ni Howard sa akin.

"Bwisit ka! Hindi!" Singhal ko sa kanya.

"Talaga? Eh ano yan?" Sabay turo niya sa gilid ng mata ko.

"Gago! Pawis yan!" Palusot ko at nginisian niya lang naman ako.

"Tayo na lang dalawa ang lumabas. Hayaan mo na sila Bryle at Paul! Mga gago iyon! Wala namang aatupagin mga iyon kundi babae! Tsaka, naalala mo ginawa ni Paul sa iyo? Di ba pinahamak ka nun kay Mel?" Suggestion niya naman.

"Bahala ka. Anong oras ba? 7 p.m okay na?"

"Sure! Anytime! Walang magwawala hah? Gago! Ang bigat mo kaya! Di na kita iuuwi!" Banta nito.

"Loko! Sige alis na ako. Marami pa akong gagawin!" Pagpapaalam ko at naglakad na ako papuntang gate.

Paano sa Lunes? Paano ko haharapin si Mel? Paano ko siya pakikitunguhan? Paano ko aaminin sa tropa ang totoo?

Pagkasakay ko sa kotse ay agad na ko na itong pinaandar at nagdrive pauwing bahay. Kailangan ko pa ng tulog! Anong oras na ako natulog kagabi! May ipon pa naman ako sa bahay iyon na lang ipang-iinom ko mamaya.

Were not that rich! Yeah, nasa abroad si Mom at Ate pero may mga responsibilities naman sila hindi lang ako. Imagine na pinapag-aral nila ako sa isang private university, magkanu din ang tuition doon. Mabuti na lamang at scholar ako kundi hindi ko na alam!

BUMUSINA ako sa tapat ng bahay nila Howard. Ang loko nakaabang na pala. Kaya pala nung bumusina ako agad lumabas!

Dito kami sa isang inuman malapit sa school. Hindi na sa dati naming tinatambayan kasi nakakahiya yung nangyari noon. May nakita akong isang babae sa gilid na panay ang tingin sa amin. Sa itsura niya pa lang ay alam mo na kung anong klase siya. Maya maya pa ay lumapit ito sa table namin ni Howard. Ano na naman ba tong pinasok kong lugar!

"Hi handsome. What's your name?" Nang-aakit niyang tanong. Nakalapit na pala tong babaeng to sa akin kaya naman umiwas ako.

"Hi. I AM LEAVING!" Madiin kong sabi sabay tayo kaya naman napaatras siya.

"Howard tara na!" Aya ko kay Howard at nauna nang maglakad palabas ng bar na iyon.

Isang malakas na tawa agad ang pinakawalan ni Howard pagkalabas namin ng bar.

"Gago! Ano tinatawa tawa mo?!" Sita ko sa kanya.

"Tol! Nakita mo ba ginawa mo?!" Sabi niya sabay tawa.

"Oh ano ngayon?"

"Loko ka talaga! Ang sungit mo! Pinahiya mo yung babae!" Sabi niya habang tumatawa pa rin.

"Loko! Sinong hindi maaasiwa dun?! Ang laswa! Bwisit!" Di ko talaga maiwasan ang mainis!

"Oh saan na tayo?" Tanong niya sa akin.

"Basta. Sakay na! Iiwan na kita dito!"

"Unggoy nito! Aaya ayain mo ko tapos iiwan mo ko dito? Wow! Bago ah!" Sabi niya sabay sakay sa kotse pero hindi ko na siya pinansin pa.

"WHAT?! EDS! Kala ko ba inuman?! Inuman ng kape! Leche ka! Di sana bumili kana lang ng 3 in 1 tapos sa bahay na lang tayo naglunod ng kape!" Asar niyang sabi.

"Gago! Libre yan! Bawal tanggihan ang grasya!" Pambabara ko naman sa kanya. Nasa Jhelins kasi kami ngayon. Dito ko siya dinala kaya grabe asar niya. Kala niya kasi inuman na naman!

"Sabagay mas okay na rin dito. Hindi naman ako lasenggo gaya mo!" Sagot niya.

"Kumain kana nga diyan. Maya na tayo mag-usap!"

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon