ALLEIA'S P.O.V:
Kanina ko pa hinihintay si Nico sa corridor. Nagsilabasan na yata ang mga estudyante pero bakit walang Nico? Ang alam ko 11:30 tapos na ang pasok niya. Past twelve na pero wala pa siya.
Nagtataka na ako at gutom na gutom na rin. Kaya tinawagan ko na lang si Shaney at Henric. Pinuntahan naman nila ako kaagad kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Binigyan lang naman ako ni Henric ng isang Chocolate na hugis bear. Ang cute talaga.
"Ally, hindi ka pa ba naiinip kanina ka pa yata dito ah?" Tanong ni Henric.
Ngumiti na lang ako ng pilit. "Naiinip na nga ako kakahintay sa wala kaya tinawagan ko na kayo."
"Di ba kasama mo dapat yung si President?" Tanong ni Shaney.
Nalungkot tuloy ako. "Oo eh. Kaso hindi pa dumarating. Tara na alis na tayo gutom ako."
Naglalalad kami sa hallway nung makita ko si Nico kasama si Mel. Kaya naman pala. Dumaan na lang ako na parang walang nakita.
Pagkarating namin sa canteen, nakita ko ulit sila Nico. Nakatingin lang siya sa gawi ko pero di ko siya pinansin.
Naiinis ako. Alam mo kasi yung feeling na naghihintay ka sa wala? Tapos kanina ko pa siya tinetext at tinatawagan kaso walang sumasagot. Nalulungkot tuloy ako. Ni hindi man lang niya ako nginitian at nilapitan.
Kaninang uwian. Walang anino ng isang Edward Nicolas Keshner na nakita ko! Nadagdagan tuloy ang inis ko! Kaya buti na lang mahal ako nila Shaney at Henric. Sinabay na nila ako pauwi. Tawa lang kami ng tawa habang nasa loob ng kotse ni Henric.
"Ally, sama ka sa bahay?" Tanong ni Henric.
"Gagawin natin doon? Tayo lang bang tatlo?"
"Hindi. Daanan natin si Sophia. Sleep over kasi ngayon sila doon." Nag-isip ako kung sasama ba ako. Oh well. 11 naman ang pasok kinabukasan kaya napa-oo na rin ako.
"Oh my Gosh Ally! Buti pumayag ka! I love you Allybels!" Yumakap pa ito sa akin. Si Shaney, kagaya yan ni Carrie kaya magaan ang loob ko sa kanya. Si Sophia isa siya sa mga classmates namin kaso tahimik lang siya.
"Aah. Henric, daan muna tayo ng bahay para kumuha ng mga gamit ko. Okay lang?"
"Sige."
Kumukuha na ako ng mga gamit ko. Nagpaalam na rin ako kay Manong Berns na pumunta sa bahay nila Henric ay doon na kami matutulog. Um-oo naman siya at sinabing tawagan ko lang siya kung may kailangan ako.
Ang laki pala ng bahay nila Henric. Parang palasyo.
Ang garden! Perfect! Ang daming bulaklak. Pinaakyat niya kami sa taas para doon daw kami matutulog tapos siya sa kabilang kwarto. Pero nagpumilit kami na sa iisang kwarto na lang kami lahat. Kaming tatlo sa king size bed at siya sa folding bed.
Nalimutan ko kahit saglit ang mga hinanakit ko kay Nico. Ang saya kasi nila, si Sophia inaalaska si Henric, si Shaney binabara silang dalawa. Kaya ako tawa ng tawa. Ako ang nagluto ng dinner namin. Walang parents si Henric dito nasa states daw pati mga kapatid.
Biglang nag-ring ang phone ko kaya inabot ko iyon sa kama at tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita kong si Manong Berns iyon.
"Hello Manong?"
"Maam Ally. Andito si Sir Nico. Hinahanap po kayo. Kanina pa pong alas singko eh. Ayaw umalis."
"Sabihin mo sa kanya Manong umuwi na siya. Wag mong sabihin kong nasaan ako."
Narinig kong nagsasalita si Nico.
"Maam ayaw talaga eh"
Ako nga kakausap Manong.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
RomanceONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey