Chapter 20

80 3 0
                                    

Si Carrie ang kumakausap sa matandang babae. Alam naman niya kasing hindi ako pamilyar sa mga lugar dito.

"Good morning. Is this the place of Dustin Hackerson?"

"Yes. Who are you? What do you need from my grandson?" Tugon ng matanda.

"I am his friend. My name in Carrie Hales and this is my friend, Ally." Pagpapakilala ni Carrie.

"Ally? Are you Alleia? Oh my god! Come in come in." Pinapasok kami nung matanda. Nagulat at nagalak siya nung malaman niyang ako si Ally.

Nagmano ako sa kanya to show respect. "Grammy, where's Dustin?"

"Are you a Filipina?" Bigla niyang tanong.

"Yes. I have a Filipino blood." Hindi na ako pure blooded Filipino kasi parehong half blooded ang parents ko. But Im very proud of the Filipino culture. Even in Montana we communicate using the Filipino language. Hindi kami pasosyal nang pamilya ko.

"Thank God you've came. He's been waiting for you for a long time. Come here sweety. I'll bring you to his room. He'd be happy to see you." May kagalakan sa boses ng matanda kaya napasunod kami ni Carrie sa kanya.

"Ally. I'll be waiting you here at the living room. Be strong okay?" Sabi ni Carrie habang paakyat kami ni Grammy. Ang bait talaga nang blonde na to. Napaka supportive pa.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon kay Carrie.

Umakyat kami ng lola ni Dustin sa second floor ng bahay hanggang sa huminto kami sa pangalawang pintuan sa left side.

"Grammy. Is he okay?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "I love it when you call me Grammy. My grandson is right. You are really an awesome young lady. Get in sweetheart. He's waiting." Iyon lang ang sinabi niya at tumalikod na sa akin.

Dinasalan ko muna lahat ng santong kilala ko bago ko pihitin ang doorknob. Sumilip muna ako saglit bago pumasok. Nakita kong nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig. Pati mga damit nakakalat din. Napansin ko sa side table na mayroon itong picture na naka-frame. Nilapitan ko iyon at napaiyak ako sa nakita ko.

Picture namin iyon ni Dustin habang nagsa-saranggola sa isang beach. All this years, hindi pala niya ako kinalimutan.

Napalingon ako sa may kama. May malaking bulto doon na nababalutan ng comforter. Nilapitan ko iyon at umupo sa may paanan.

Pilit kong pinapatibay ang loob ko. Nandito na ko itutuloy ko na ito. Pinahid ko muna ang mga luha ko at huminga ng malalim.

Lumapit ako ng bahagya. Dahan dahan kong hinila ang conforter pababa para hindi ko siya magising.

Nagulat at naawa ako sa nakita ko. Kakaibang Dustin ang nakita ko. Isang Dustin na malayo sa nakilala ko. Isang Dustin na napakalayo sa Dustin na minahal ko.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng anumang ingay na galing sa aking pag-iyak. Bahagya niyang minulat ang kanyang mga mata at nag-inat.

"Ally? Is that you?" Mahina niyang sabi. Lumapit pa ko sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha.

Napabalikwas siya nang higa at kinusot ang kanyang mga mata. "Aa-aa-lly?" Naguguluhan niyang sabi.

Tumango lang ako habang masaganang tumutulo ang mga luha ko. Agad akong niyakap ni Dustin kaya naman napaiyak na ako ng tuluyan. Niyakap ko rin siya pabalik at naramdaman ko na lang na nababasa ang balikat ko.

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang kanyang kanang pisngi habang napapangiti ako ng mapait.

We were in a deep silence for a moment before I decided to break it.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon