Chapter 19

80 2 0
                                    

Umiiyak akong pumasok ng aking kwarto. Agad kong kinuha ang aking phone at tinawagan si Nico. Bahala na kong anong oras sa Pilipinas ngayon basta makausap ko siya. Sa unang tawag ko, hindi pa siya sumagot. Pero sa pangalawa inangat naman na niya.

"Hello? Princess. I miss you!" Masaya niyang bungad sa akin pagkasagot niya ng tawag ko.

Napangiti na lang ako ng mapait bago sumagot. "I miss you more Prince." Pinilit kong maging kaswal sa tono ng pananalita ko habang nag-uunahan pang tumulo ang aking mga luha.

"Umiiyak ka ba?" Seryoso niyang tanong. Kilala na talaga ako ni Nico.

"Hindi. Ba't naman ako iiyak?" Pagsisinungaling ko.

"Alleia. Huwag mo akong lokohin! Magsabi ka. Kilala kita!" Ma-awtoridad at seryoso niyang sabi.

Hindi ko siya sinasagot dahil pinipigilan kong humikbi kaya napakagat na lang ako sa aking ibabang labi.

"Ally ano?! Andyan ka pa ba?! Magsabi ka nga! Anong nangyari?! Sinong nagpaiyak sa iyo?!" Sunod sunod na tanong ni Nico sa kabilang linya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Priiiince." Di ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako. "Bakit ganun? Bakit di nila ako matanggap?" Para na akong batang nagsusumbong kay Nico.

"Tahan na nga Ally. Ayokong umiiyak ka. Teka, sino ba yang sinasabi mo?" Nag-aalala na si Nico sa tono ng pananalita niya.

"Alam na ni Ate. Nagalit siya. Pinagsalitaan niya ako ng masama. Nico anong gagawin ko? Akala ko magiging okay na ako sa wakas sa pamilya ko pero mukhang hindi eh." Halos pumiyok na ako dahil sa aking paghikbi.

"Ally naman kasi! Tama na please lang!" Narinig ko pa siyang bumuntong hininga ng mabigat bago ulit magsalita. "Ally ayokong naririnig kang umiiyak o nalalamang nasasaktan ka lalo na wala ako sa tabi mo. Umuwi kana as soon as maayos mo ang kailangan mong ayusin. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo Ally." Bigla siyang naging seryoso sa tono ng kanyang pananalita. Mas lalo akong napaiyak dahil mabuti pa siya may pakialam sa akin kesa sa kanila, hindi man lang nila ako kayang intindihin.

Mabuti na lang talaga andyan si Nico. Siya lang kasi ang nagpaparamdam na mahalaga ako. Sila Pia, Henric at Shaney ang nagbibigay nang kasiyahan naman sa akin. Mabuti na lang umuwi ako ng Pilipinas. Kasi nakilala ko sila. Lalong lalo na ang bestfriend kong si Nico. Oo. Close ako sa tatlong iyon pero diko sila matawag na bestfriend kasi kay Nico ko lang nasasabi ang lahat lahat. Kaya siya lang rin ang nakakaintindi sa akin. Sana nga huwag siyang tumulad kay Dustin, kasi hindi ko na ulit kakayanin.

"Andyan ka pa ba?" Bigla niyang sabi sa kabilang linya.

"Prince, kakausapin ko na si Dustin bukas na bukas din para matapos na ang lahat. Gusto kasi ni Ate magkabalikan kami. Pero bahala na. Kung iyon ang gusto ni Ate para magkaayos kami gagawin ko. Ipaglalaban ko na si Dustin ngayon." Buo na talaga ang loob ko ngayon. Kung iyon ang gusto nila eh di sige. Basta matanggap lang nila ako at mapahalagahan.

Hindi na sumagot si Nico.

"Nico? Nico? Andyan ka pa ba?"

"Makikipagbalikan ka?" Malumanay niyang sabi.

"Siguro kong may chance pa." Malungkot kong sabi.

"Bahala kana. Sige alam kong gabi na diyan. Tulog kana. Goodnight." Iyon lang ang sinabi ni Nico at binaba na ang tawag. Bakit kaya nagkaganun siya? Tsaka ko na iyan iisipin pag maayos na ang lahat.

NICO'S P.O.V:

Nagkakape ako at inaayos ang mga clearances ng mga estudyante nang tumunog ang cellphone ko. Baka si Mel lang yan kaya hindi ko sinagot. Tumunog ulit iyon importante siguro kaya tinignan ko kong sino si Ally pala tumatawag via Messenger sinagot ko na agad.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon