Nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock ko.
Agad na akong bumangon at pinatay yun. Dumeretso na ko sa banyo at nagtooth brush bago nagshower na.
Natapos rin ako sa banyo matapos ang isang oras. Pinili ko lang naman ang isang floral dress ko na sleeveless at isang pair ng violet flat doll shoes. Ang saya lang. Mukha tuloy akong batang tignan. Naglagay lang ako ng pair of pearl earings tsaka ng silver wrist watch at yung heart necklace ko. Bag? Yung white na shoulder bag ko na lang na may violet na ribbon. Oh di ba? Tapos. Terno terno.
Masaya ako sa kung anong buhay ang meron ako. Namimiss ko man sila Mommy at Daddy, kasalanan ko rin naman kung bakit ako napalayo sa kanila pati sa mga kapatid ko. Nabibigay man lahat ng gusto ko. Iba pa rin pala kapag kasama mo ang pamilya mo.
Tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin. Totoo kaya yung sabi nila? Kamukha ko raw si Ariana Grande. Pero parang ang layo naman. Nakalimutan ko pa lang maglip gloss. kaya naglagay na ako. Matapos nun ay bumaba na ako. Simple lang akong tao. Ayoko ng maraming arte sa katawan.
Pagbaba ko ay nasa likod si Yaya at naglalaba. Kaya derecho na ako sa kusina at kumain ng favorite kong pancakes at nagtimpla na ko ng coffee. Mabilis lang naman akong natapos kaya nagpaalam na ko kay Yaya at nagpahatid na sa driver.
I am already at school sa oras na 7:45am 8:00am kasi ang start ng class ko kaya mas mabuti ng maaga ako. Pinili kong maupo sa harap para mas makinig ako sa teacher.
Maya maya pa ay dumadami na kami hanggang sa mapuno na ang mga silya. Di katagalan dumating na ang prof namin sa Filipino.
"Magandang umaga class."
"Magandang umaga din po Sir Sanches."
"May bago daw tayong estudyante sa claseng ito. Si Binibining Alleia Harriette M. Sandoval. Nasaan siya?" Biglang tanong ni prof sa klase.
"Ako po yun Sir." Sabay taas ko ng aking kamay.
"Ikaw pala yun magandang dilag." Ano ba naman tong si Sir. Masyadong matalinhaga magsalita. "Nga pala class. May gagawin kayo ngayon. Kayo ay pasusulatin ko ng isang tula at ito rin ay inyong iguguhit." Anunsiyo ni Prof sa klase.
Biglang nagbulungan ang mga kaklase ko habang nanatili lang akong tahimik nakaupo.
"Maari na kayong magsimula."
Naglabas ako ng papel at ballpen ko at nagsimula na akong magsulat. Teka. Ano kayang isusulat ko??
"Sandoval, okay ka lang ba?" Biglang tanong ni sir na siyang ikinagulat ko.
"Aah. Opo." Maiksi kong sagot. Kasi naman. Over tong si panot. Este si kalbo. Este si Sir pala. Grabe makagulat.
"Makapagsimula na nga!" Bulong ko sa sarili ko. Sinimulan ko ng isulat kong ano man ang maisip ko.
Masayang alaala ating sinimulan.
Isang kakaibang pagtuturingan.
Higit pa ito sa isang pagkakaibigan.
Pag-ibig nga ba dito'y may kinalaman?Yan ang una kong sinulat sa first stanza. Ano pa kaya?
Di ko inakalang ika'y matatagpuan.
Sa isang di inaasahang dahilan.
Mali man at ito'y may kalupitan.
Hindi ka tumigil at di mo sinukuan.Habang tumatagal kitang nakikilala
Mas lalong lumalalim ang aking nadarama
Ikaw nga ba ay minamahal ko na?
Kasagutan ay hindi ko pa nakukuha.Hindi naglaon ako'y iyong niligawan.
Sa isang masaya at may respetong paraan.
Hindi nagtagal ikaw ay pinagbigyan.
Minimithing kasagutan iyo nang nakamtan.Bakit bigla kang nagbago?
Kasiyahan ay buglang naglaho.
Huli na pala nang malaman ko
Ako pala'y iyong niloloko.Masakit man sa akin ang aking nalaman.
Wala na akong magagawa sa iyong kagustuhan.
Luha man ay pumatak at ako'y iniwan.
Tanging hangad ko lang ay ang iyong kasiyahan.Teka? Hugot ba to? Tanong ko sa isip ko matapos kong basahin ang aking sinulat.
"Sir ipapa.check ko na po." Sabi ko kay Sir at tumayo na ako.
Agad namang binasa iyon ni Sir at nagulat ako sa kanyang reaksyon.
"May pinagdaraanan ka ba?"
Biglang tanong ni Sir na siya kong ikinagulat. "Ah. Wala po Sir. Bakit po ba?" Magalang kong sagot.
"Para kasing malalim ang pinanghuhugotan mo sa tula mo eh. Okay na yan. Lagyan mo na lang ng guhit at ipasa mo sa akin next meeting". Iniabot na ni Sir ang papel ko sakin at bumalik na ko sa upuan ko.
Meron nga ba Ally? May pinaghuhugotan ka ba? Tanong ko sa sariki ko.
"Sandoval makakaalis kana."
"Sige salamat po Sir. Paalam." Sagot ko kau Sir at madali akong lumabas sa classroom.
Naglalakad ako sa corridor ng biglang may nagtanong sa akin.
"Hello. Ako nga pala si Melissa Rose. Ikaw ba si Alleia Sandoval?" Magalang na tanong ni Ateng naka.brace sa akin.
"Aah. Opo. Bakit po?" Nginitian ko naman siya.
"Ibinilin ka kasi ng adviser mo sa akin. Si Miss Fajardo. Since bago ka dito, kung sakali daw na may problema ay lumapit ka lang sakin. Business Mangement ako at magkabuilding naman tayo. Kaya hanapin mo lang ako diyo o kaya sa office dun sa dulo if may problema ka hah? Sige na may clase pa ako. Calling card ko nga pala. Bye Alleia. See you around." Nagpaalam na siya akin at kumaway na lang ako.
Itinago ko ang calling card niya sa wallet ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
It is such a great day!
****
Sino kaya si Melissa Rose? Abangan. :)
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
RomanceONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey