Chapter 38

54 3 0
                                    

ALLY'S P.O.V:

Tumutunog ang alarm clock ko sa may side table. Ibig sabihin nun ay kailangan ko nang bumangon at maghanda para pumasok.

Tamad na tamad pa akong minulat ang aking mata. Gusto ko pa nang 5 minutes! Pero tumunog ulit ang bwisit kong alarm clock na sa sobrang inis ko ay inabot ko iyon at ibinato. Ayun wasak! Wala nang mag-iingay. Bibili na lang ako nang digital clock mamaya.

Nag-stretching pa ako saglit habang nakahiga bago ako dahan dahang bumangon. Tamad na tamad akong pumasok sa banyo at naghilamos. Nahilo ako bigla kaya napahawak ako sa aking ulo at marahan iyong minasahe. Nung medyo okay na ay naghilamos na ako at naligo para naman ang mga tulog ko pang ugat sa katawan.

Matapos kong maligo at humanap ako sa drawer nang susuotin. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Bakit parang tumataba yata ako? Dala lang siguro to nung mga ice cream na kinakain ko.

Napili ko ang isang white na high waisted jeans at isang black na long sleeves na chiffon top. Tama na siguro to. Nung isusuot ko yung jeans, napansin kong may kasikipan na ito sa akin. Lalo na sa may bandang balakang. Kasya naman siya pero nasisikipan na ako kaya tinanggal ko na. Humanap na lang ako nang ibang susuotin. Buti na lang may dwnim jeans akong stretchable yin na lang ang sinuot ko.

January na kasi, since isa ako sa mga officer nang BMSA kailangan ko pang pumunta sa meeting. Kaya naman binilisan ko na ang pag-aayos at bimaba na ako nang hagdan.

Pagkababa ko ay deretso na ako sa kitchen. Pagkabukas ko ng ref ay nakita ko yunh isang tupperware nang ice cream. Bigla akong natakam. Kaya agad ko iyong kinuha at nilantakan.

Mapatapos nun ay umakyat akong muli sa kwarto at nag-tooth brush. Hindi ko sinasadyang matabig ang isang maliit na bote nang shower gel sa may lababo at natapon ito. Ewan pero bigla na lang akong napaduwal sa amoy. Sa pagkakaalala ko paborito ko ang scent na ito. Bakit kaya? Siguro dala lang nang sobrang daming natapon kaya tumapang yung amoy. Pinagpatuloy ko na ang pagto-tooth brush at nilinis ang natapon na shower gel. Inis na inis ako sa amoy at napasuka pa ako. Di ko alam kung bakit.

Lumabas na lang ako nang banyo at kinuha ang mga bag ko. Papahatid na ako kay Kuya sa school. Matapos kong maayos ang mga gagamitin ko ay nag-vibrate ang phone ko.

From: Shaney

"Uy. Asan kana? Ikaw na lang yung wala. Kailangan daw kasi ang opinyon mo sa meeting. Kasi ikaw daw ang head sa production. Ewan ko ba kay Nico! Kanina ka pa hinahanap. Ang init init nga nang ulo! Nakakainis. Basta bilisan mo ha?"

Yan ang text ni Shaney sa akin. Hay nako! Magkikita na naman kami nila Nico, Pia at Henric. Naiinis ako kay Nico! Ewan pero basta. Naiinis ako sa kanya! Anino niya pa lang naiinis na ako.

To: Shaney

"Im on my way. Sabihin mo sa walang hiyang Nico demonyo na yan na huwag siyang parang kong sino. Sabihin mo bwisit siya!"

Agad na akong bumaba nang hagdan at nagpahatid kay Kuya. Sira na ang araw ko! Marinig ko lang ang pangalan ni Nico bwisit na bwisit na ako.

Wala naman siyang ginagawang masama. In fact nung huli kaming magkasama okay pa naman pero after 2 weeks bigla na lang akong nagagalit nang walang dahilan.

PAGDATING ko nang school ay agad akong pumunta sa office. As usual, all eyes on me. Di ko alam kung bakit. I saw Nico na naka-de kwatro at nakahawak sa kanyang baba. Feeling! Ang chaka! Nakakainis.

"Shan." Tawag ko kay Shaney. Nilingon naman ako nito at pinaupo sa tabi niya.

"Bakit ka ba na late?" Bulong niya sa akin habang umuupo ako.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon