Chapter 39

45 3 2
                                    

"Good morning Miss SSU."

"Hi Queen Ally."

"Congrats Ally."

Mga bati sa akin nang mga estudyante habang nasa canteen kami at kumakain.

"Grabe. Famous mo na Ally! Ikaw na!" Sabi sa akin Ni Shaney habang kumakain nang pizza.

"Chaka. Ang drama mo. Ano ka ba. Kung di dahil sa yo di kami nanalo." Sagot ko sa kanya habang kumakain kami. It's been almost 7 years daw kasi bago nanalo ulit ang BMSA sa Mr. and Ms. SSU.

"Pinagpuyatan ko yun no! Inaway ko pa nga yung isang saleslady kasi ayaw akong hanapan nang gown." Sabi niya habang nagsasalita at di niya sinasadyang matalsikan siya nang ketchup.

"Oh! Ano ba kasing ginagawa mo?!" Sabi ko sa kanya sabay abot nang wipes.

"Ay! Puteek! Ano ba yan. Wala pa naman akong alcohol na dala!" Sabi niya sabay abot nang wipes. Naglabas siya nang pabango dahil wala daw siyang alcohol. Nung inispray niya yung pabango bigla na lang akong naduwal!

"Uy. Ally. Sorry. Okay ka lang?" Sabi niya pero diko siya pinansin.

"Shan! Ang baho?" Sabi ko sabay duwal ulit. Iniligpit na naman ni Shan ang pabango niya at lumapit sa akin. "Oh bakit ka ganyan makatingin? Lumayo ka nga! Ambaho mo!" Reklamo ko sa kanya sabay takip ng aking bibig dahil naduduwal na naman ako. Lumayo naman siya sa bumalik sa dati niyang inuupuan.

"Ally. Magtapat ka nga. Tumataba ka. Napapansin ko. Iba ang taste mo sa food. Tapos ngayon ang choosy mo sa mga amoy." Sabi niya at napatigil ako.

"Hindi ano ka ba. I'm fine." Pagsisinungalin ko. Bumibigat din kasi ang timbang ko tsaka lagi akong nahihilo.

"Yung totoo. Ally." Seryoso niyang sabi kaya napayuko ako.

"Shan. Can we talk after class? Puntahan mo ko sa bahay. Please." Agad namang tumango si Shaney sa sinabi ko.

"Sige. Oh, ubusin mo na yang ice cream mo." Sabi niya. Kaya inubos ko na ang ice cream ko cookies and cream pa naman to.

Hindi naman na nagtanong pa si Shaney matapos nung sinabi ko. Tahimik na lang kaming bumalik sa mga clase namin at napag-usapan na naming magkikita na lang kami sa bahay.

Lutang ang isip ko habang pauwi ako sa bahay. Nag-aalinlangan pa kasi ako kung aaminin ko na ba kay Shan or hindi.

Pagkauwi ko nang bahay ay agad akong naglublub sa bath tub. Mga 30 minutes din ako doon tapos ay lumabas na ako at nagbihis.

Napansin kong umiilaw ang cellphone ko sa may kama kaya nilapitan ko iyon at tinignan kong ano. Si Shaney pala, sinasabing papunta na siya. Kaya naman binilisan ko na ang magbihis at bumaba na ako upang hintayin siya. Maya maya pa ay narinig ko nang pinapapasok siya ni Kuya Berns.

"Hi Shan. Buti nakapunta ka?" Bati ko sa kanya.

"Siyempre naman gaga! Ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa akin. Oh Ice Cream para sa yo." Sabi niya sabay abot nang isang litro nang cookies and cream na ice cream sa akin kaya naman natuwa ako.

"Thanks Shan! Kakainin ko to mamaya." Sabi ko at naglakad papunta nang ref.

"Jusko! Ally! Bakit puro ice cream ang nasa ref mo?!" Hindi ko namalayang nakasunod pala si Shaney sa akin.

"Ang sarap eh. Tsaka lagi kasi akong naghahanap kahit madaling araw." Pag-amin ko at nanlaki ang mga mata niya.

"Hindi na yata tama to. Halika nga dito at mag-usap tayo." Sabi niya sabay hila sa akin papunta sa sala.

"Delayed kana ba?" Unang tanong niya pagkaupo namin sa sofa.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko hindi pa ako nadadatnan nitong buwan."

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon