"Girl ano na? Seryoso ito lang ang dadalhin mo?" Tanong ni Shaney habang nagtutupi kami ng mga damit.
"Oo. Yan lang. May gusto ka? Kunin mo na." Sabi ko naman sa kanya habang naglalagay ng mga natupi niyang damit sa bag.
"Gusto ko lahat eh." Pilya niyang sabi.
"Eh di kunin mo. Wala naman yang kaso sa akin." Sagot ko naman at tumayo para buksan ang cabinet ko.
"Go on choose. But wait, tanggalin ko muna yung mga para sa akin." Tinatanggal ko ang mga damit na gusto ko nang biglang magsalita si Shaney.
"Ally, kanino yun?" Sabay turo niya sa mga gamit panlalake sa ilalim ng cabinet.
Napangiti ako ng mapait nang makita ko ang mga gamit panlalake.
"Kay Nico. Pasalubong niya sana. Kaso, alam mo naman na ang nangyari kaya di ko na naibigay." Sabi ko at nagpatuloy na ulit sa pagkuha pa ng mga gamit na kailangan ko.
"Ah oo. Alam ko na. Wala kana bang balak bumalik dito Ally?" Tanong ulit ni Shaney.
"Ewan. Sa ngayon, wala pa akong balak." Sagot ko habang tinatanggal sa hanger ang huling damit na gusto ko.
"Tupiin ko?" Tanong ni Shan nung inilapag ko ang mga gamit sa kama.
"Hindi na ako na. Oh punta kana dun at mamili ng gusto mong kunin." Tumayo naman na siya at lumapit sa cabinet.
"Ally." Pagtawag niya sa akin.
"Hmmm?" Sagot ko naman ng di lumilingon dahil tinutupi ko ang mga damit.
"Wala ka talagang plano sabihin kay Nico?" Tanong niya.
"Meron. Baka siguro bukas. Bago ako pumunta ng airport. Or imemessage ko na lang siya sa fb." Sagot ko habang ipinapasok ang mga damit.
"Sigurado ka? Nga pala, birthday mo ngayong March di ba?" Tanong niya ulit habang kumukuha ng mga damit sa hanger.
"Oo. Nextweek. Bakit?"
"Happy Birthday Mommy Ally!" Masaya niyang sabi kaya napangiti ako.
"Salamat Ninang Shaney!" Pabiro ko namang sagot kaya nagtawanan kami pareho.
"Ilang taon kana Ally?" Tanong niya ulit habang kinukuha ang violet na dress.
"19 na next week. Ang aga kong nabuntis no?" Sagot ko at bumagsak ang aking mga balikat sabay yuko dahil maski ako, nahihiya ako sa sarili ko.
"Ano ka ba! Wag ka ngang ganyan!" Sabi naman ni Shaney at lumingon sa akin.
Inangat ko naman ang aking ulo at ngumiti ng sagot bilang sagot.
"Ano ka ba gaga! May iba nga diyan 13 palang buntis na. Ikaw pa kaya na 19 na. Ok na yan. Di kana man na minor pa!" Sabi niya sa akin.
"Oo na Madam! Bilisan mo may lakad pa ako." Sagot ko na lang at tinuloy ang pag-aayos ng mga damit ko sa bag.
"Saan naman pupunta ang prinsesa?" Nakapamaywang niyang sabi at pilyang nakangiti sa akin.
"Basta. Labas tayo. Siyempre wala na ako dito nextweek. Dapat lang na kumain tayo sa labas. Despedida." Sabi ko sabay tawa.
"Ikaw talaga. Magluto na lang tayo. Ingat ka sa pagbaba mamaya hah?"
"Opo Doktora!" Sarkastiko kong sabi kaya naman binato niya sa akin yung damit na hawak niya tsaka tumawa.
"Gaga ka talaga! Mamimiss kita." Sabi niya at nakita kong nalungkot ang mga mata niya.
"Mas gaga ka! Mamimiss rin kita." Sabi ko sa kanya at napangiti siya ng tipid.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
RomanceONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey