Pabalikwas akong bumangon nang magising ako. Unti unting nagsi-sink in sa akin ang lahat. Sinilip ko ang aking sarili sa ilalim ng comforter.
Tama nga ako. May namagitan sa amin ni Dust. Bakit parang ang bilis ng mga pangyayari? Kanina nandito lang siya tapos.. tapos... May nangyari na! Ano ba naman tong kagagahang nagawa ko?! Goodness gracious Ally!
Were both naked! Sinilip ko naman ang wall clock. Ala-una na pala ng madaling araw. Hinanap ko kung nasaan ang mga damit ko. Luckily, maayos namang nakalapag ang mga iyon sa sofa.
Kinuha ko iyon at sinimulan ko nang bihisan ang aking sarili. Sinulyapan ko si Dustin sa tabi ko, dala na rin siguro ng pagod mula sa biyahe ay napakahimbing na ng kanyang tulog. Matapos kong magbihis ay nagtungo ako sa kitchen at kumuha ako ng malamig na tubig at uminom.
Naisip ko si Henric. Paano na ba to? May pasok pa ako. Pero andito si Dust ng isang linggo. Paano ko ieexplain sa kanila ang lahat? Bakit ang gulo ng mga nangyayari sa akin?
Matapos kong uminom ay bumalik ako sa sala. Sinilip ko si Dustin. Ang himbing pa rin ng tulog niya. Hindi na ako nag-abala pang gisingin siya. Inayos ko na lang ang pagkakakumot sa kanya at umakyat na ako.
Pagkadating ko sa kwarto ay dumeretso ako sa banyo para magshower. Agad akong naghubad pagkapasok ko doon at binuksan ang shower. Nagfa-flashback sa aking isipan ang ang mga nangyari kanina lamang. Mukhang pinaghandaan ni Dust ang lahat. Kasi pagkacheck ko sa pintuan, nakalock, yung comforter kanina ay yun din ang comforter na kinuha ko sa cabinet, at yung mga damit namin maayos na nakalapag sa sofa.
Hindi ko alam ang mga nangyari, kasi pagkatapos na may nangyari sa amin ay natulog na ako. Ang huling naramdaman ko na lang ay ang halik ni Dust sa aking noo at ang pagsasabi niya ng I love you.
Narelax naman ako sa pagsho-shower. Kaya nung maramdaman ko na medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay tumigil na ako sa pagsho-shower at binalot ang sarili ko sa aking bath robe na nakasabit sa likuran ng pintuan.
Isang pajama at shirt na lang ang sinuot ko, hindi na ako nagba-bra sa gabi kasi nakaka-cause daw ng breast cancer. Ayokong mag-nighties ngayon kasi andito si Dust. Baka kung ano pang mangyari ulit. By the way, speaking of nangyari. Kanina we did it without any protection. What if I got pregnant? Kaya na ba naming maging parents? Ako, hindi pa eh. Ang dami na masyado ng mga iniisip ko. Jusko! Paano na to! Sa totoo lang, si Henric nag iniisip ko dito. Kasi paniguradong masasaktan siya. Nagui-guilty ako! Kasi ang bait niyang tao. Wala siyang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Napansin kong umiilaw ang cellphone ko. Kaya naman kinuha ko ito sa side table.
At hindi ako sa makapaniwala sa pangalang nagfa-flash sa screen ko.
Prince Nico calling.....
NICO'S P.O.V:
It's BMSA ACQUAINTANCE PARTY. The day which I planned to be the perfect moment to confess my feelings to Ally. Ito yung day sana na sasabihin ko sa kanya ang lahat. And supposed to be this is the day sana na siya ang first at last dance ko. But unfortunately, hanggang sana lang ang lahat.
Yes siya ang first dance ko. I am so happy nung kami yung pinili nilang KING and QUEEN. Pero hindi ko iyon gusto. Kasi ang gusto ko sana ay yung first dance na yayayain ko siya.
Pero okay na din iyon at least nakasayaw ko siya. Pero nagulat ako sa kanyang inasta nung bigla na lang siyang tumigil sa pagsasayaw at hinila ako papunta sa upuan namin ni Mel at sinabing isayaw ko siya.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
RomanceONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey