Chapter 33

44 3 0
                                    

Umalis na ako palayo sa lugar na iyon. Sinundan naman ako kaagad ni Dustin.

"Sweety! Hey! Please explain to me what happened." Agad na sabi ni Dust at niyakap ako.

"Don't mind it. It's just a little misunderstanding." Tipid kong sagot sa kanya at niyakap siya pabalik. Huminga muna ako ng malalim at hinigpitan ang yakap sa kanya.

Dati si Dustin, sa tuwing may problema ako niyayakap niya lang ako at kakantahan. Hanggang sa tumahan ako oh makatulog sa mga bisig niya. Ewan, parang may superpowers ang kanyang mga yakap at napapakalma ako.

Nanatili lang kami sa ganoong kalagayan ng ilang sandali bago ako kumalas sa yakapan namin.

"Let's go somewhere? I don't wanna go home yet." Aya ko sa kanya.

"You are the boss!" Sagot naman nito at inakbayan ako bago kami naglakad.

Nagcomute na kami papuntang Jhelin's Cafe. Malapit lang naman iyon dito. Pagkarating namin doon ay agad na natakam si Dust sa mga pagkain. Ang loko! Napakaraming inorder. Adik din to sa kape gaya ko eh.

Tahimik lang kami habang kumakain. Tinititigan ko lang siya. Ang kanyang mga malalalim at nangugusap na mga mata. Ang matangos niyang ilong at ang manipis niyang labi. Lumalapad ang katawan nito. Di ko maikakailang mas umangat ang appeal at kagwapuhan niya ngayon.

Kasalukuyan kaming kumakain nang biglang may isang pamilyar na tao ang umupo sa tabi naming table. Napatingin ako dito at sakto namang napatingin siya sa akin. Si Nico nga iyon kasama iyong kaibigan niyang makahulugan kung magsalita. Wala. Simpleng tinginan lang tapos umiwas na ako ng tingin.

Maya maya pa ay umalis na rin kami ni Dust. Wala kaming dalang sasakyan kaya nagtaxi na ulit kami pauwi. Habang nasa daan kami ay pinapakalma pa rin ako ni Dust. Hinilig ko ang ulo ko sa kanyang mga balikat at yumakap sa kanyang bewang. Parang yung dati lang na kami. Pero wala namang kami ngayon.

Pagkauwi namin sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nagkulong. Nakakawala ng stress ang paliligo kaya naman pinuno ko nang tubig yung bath tub at nilagyan nang lavender scented na bubbles at lumublob na doon. Di ko namalayan ay nakaidlip na ako. Nagising lang ako nung narinig kong paulit ulit na nagriring ang phone ko. Bahagya kasing nakabukas ang pinto sa banyo kaya naririnig ko iyon.

Umahon na ako at Nagbanlaw ng katawan tsaka ko binalot ang sarili ko ng aking robe at lumabas na ng banyo.

Tadtad na pala ako ng tawag at text! Si Shaney pala tumatawag kaya nung tumawag muli ay sinagot ko na.

"Yes Shan?" Walang gana kong sagot.

"Ally. Sorry. Pasensya kana sa inasta ni Pia ha? Ako na ang humihingi ng despensa." Malumanay niyang sabi.

"Ah yun ba. Wala na iyon Shaney. Hayaan mo na. Hindi mo kailangang humingi ng despensa kasi hindi naman ikaw ang may kasalanan."

"Kahit na. Sorry talaga Ally hah?"

"Oo. Wala na iyon. Sige Shan may gagawin pa ako." Pagpapaalam ko.

"Sige Ally. Basta andito lang ako hah? Bye Ally. Ingat ka." Pinatay ko na ang tawag.

Dumeretso ako sa cabinet at kumuha ng damit. Gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papano. Isang violet na nighties at robe ang sinuot ko. Matapos nun ay humiga na ako sa kama at binasa iyong mga text. Nagtext din pala si Henric.

From: Henric Bby

"Ally, pasensya kana sa nangyari. Pasensya kana rin kasi pilitin ko man na hindi masaktan. Nasasaktan pa rin ako. Pasensya na Ally kung iiwas man ako. At pasensya na rin kung magbago ako sa yo. Maiintindihan naman kita kung magalit ka sa amin. Bye Ally."

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon