Bigla na lang siyang tumayo sa kanyang kinauupuan. Unti unti ay lumalapit siya sa akin. Hindi ko alam pero parang hininhintay ko ring gawin niya iyon. Nung malapit na siya ay hinanda ko na ang sarili ko. Kakausapin ko na si Nico kasi gulong gulo na ako. Noong isang table na lang ang layo niya mula sa akin ay bigla na lamang tumigil ang kanta at nagsalita ang MC kaya napatingin ako sa stage.
"Thank you for dancing everyone. The dinner is about to start. Please observe discipline. And follow the line." Sabi niya. Pero ewan nadismaya ako. Nilingon ko si Nico pero nakita kong papalayo na siya kaya mas lalo na akong nadismaya.
"Baby! Bakit di kana na sumayaw ulit?" Sabi ni Henric nung makaupo siya sa tabi ko.
"Wala. Napagod na kasi ako eh." Pagsisinungalin ko na lang.
"Ang dami pa namang gustong makasayaw ka. Oh Baby, huwag kanang tumayo. Ako na lang ang kukuha ng pagkain mo. Ano ba gusto mo?" Andito na naman si Henric eh. Napakamaalaga talaga. Noong nanggaling ako sa hospital siya ang nag-alaga sa akin.
"Kuha kana lang ng kahit ano. Basta huwag maanghang." Sagot ko naman.
"Okay baby. Sandali lang." Tumayo na siya para kumuha ng mga pagkain.
Hindi ko maiwasang mag-assume. Bakit sobrang apektado ako sa paglayo ni Nico? Nandyan naman sila Henric, sila Pia at Shaney pero bakit parang may kulang?
Maya maya pa ay may tumawag sa akin mula sa likuran.
"Miss? Miss Queen of the BMSA. Excuse me po." Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko at nakita kong may isang lalakeng nakatayo doon.
"Ako po ba? Bakit po?" Tanong ko.
"Oo. Ikaw nga. May nagpapabigay kasi nito." Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng red and white roses.
"Wait. Kanino galing?" Nagtataka kong tanong habang di ko pa rin inaabot ang rosas.
"Pasensya na po Miss. Pero nautusan lang po ako." Sagot naman ng lalake na sa tingin ko ay isa rinh estudyante.
"Ah. Okay. Pakisabi na lang sa nagbigay na salamat." Ngumiti ako at inabot ang bulaklak.
Ang ganda. Hindi pa masyadong bumubuka at halatang fresh na fresh. Pure red and white roses! Inaamoy amoy ko ang mga bulaklak. Naalala ko na naman tuloy si Dustin noong monthsary namin. Haaay! Si Justin Bieber ng buhay ko kumusta na kaya? Huling balita ko, nagbalik eskwelahan na daw siya at nagtatrabaho na din.
Loko talaga iyon! Di naawa kay Grammy na walang kasama sa bahay. Pagbalik ko ng Montana sa March aawayin ko iyon. Si Carrie the Blonde Witch naman busy busyhan naman sa ibat ibang bagay. Tagal ko nang walang balita sa kanila. Sila Mommy naman ayun sa business pa rin.
"Baby kain na!" Natigil ako sa pag-iisip ng biglang may lumapag na tray na maraming pagkaan sa harapan ko.
"Bakit ang dami?" Nagtataka kong tanong.
Nginitian lang niya ako bago siya sumagot. "Para sa atin iyan. Ang hirap naman pumili eh. Tara kain na gutom na ako."
Nagsimula naman kaming kumain. Tahimik lang kami habang kumakain. Iyong dalawa hindi ko alam kung nasaan.
"Baby. Sila Shaney?" Tanong ko sa kanya.
"Nandoon pa yata nakapila." Hindi man lang niya ako nililingon dahil nakatutok siya sa pagkain.
Hinanap ng mata ko si Nico. Pero hindi ko mahagilap maski ang anino niya.
"Henric. Mauuna na akong aalis hah? May text kasi si Kuya Berns sa akin. Emergency daw." Nag-angat siya ng tingin at mukha siyang nadismaya.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
RomanceONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey