Wala naman talaga sa plano ko ang mapadami ng inom. Kaso wala eh. Andito kami ngayon sa isang bar. Dito kami madalas tumambay ng tropa ko. Kasama ko ngayon sila Paul, Howard at Bryle. Si Mel, pinauwi ko na. Kasi naman babae siya hindi siya bagay dito.
"Nics. Mukhang napapadami inom natin ngayon ah? Anong meron?" Biglang bumulong si Howard sa akin sa pagitan ng naglalakasang music ng DJ.
"Wala bro. Medyo matagal na din kasi akong di nakakainom." Pagsisinungaling ko.
"Alam mo bro. Alam ko meron eh. Usapang lalake lang bro. Ano ba talaga?" Seryoso niyang tanong sa akin. Kung may isa man sa tropa ang pinakamatino, si Howard yun. Siya iyong kaibigan na mapagkakatiwalaan at maaasahan.
"Bro?" Bigla niyang tawag at napatingin na lang ako sa kanya.
"Wala to Ward. Ano ka ba."
"Wala? Eh naka-walong bote kana. Wala? Tatlo pa lang sa amin. Mukha yatang bumaliktad ang mundo?" Sumilip ako sa mesa at nakita ko nga roon ang mga bote ng red horse stallion.
Hindi ko na lang siya sinagot. At tumungga ulit ako at in-straight ang kalahating laman.
"Ano gusto mo pa? Oh. Pagbubuksan na kita." Pinagbuksan nga ako ni Howard ng isa pa at inabot iyon sa akin. Agad ko naman iyong kinuha at tumungga ulit.
"Pang-siyam na iyan bro. Wala pa rin?" Naririndi na ako sa taong to. Kung di lang to mabait sa akin sinapak ko na kanina pa.
"Tumahimik ka nga! Daig mo pa nanay ko kung makapag-usisa ka!" Singhal ko sa kanya.
"C'mon bro. Ayokong nakikita kang ganyan! Kahit sino sa inyo. Alam ko namang hindi dahil sa org. yan dahil wala pa naman tayong activities ngayon maliban sa acquaintance party na hindi natuloy last sem kaya this second sem magaganap."
Isa rin sa mga officers ng organization si Howard. Siya ang second year representative.
"Gago! Tumigil kana nga! Pagod lang ako. Gusto ko lang mag-relax." Casual kong sabi.
"Okay bro. Di na kita pipilitin. Tayo na lang nga nandito sa table ayaw mo pa magsabi." Mapilit talaga si Howard. May lahi yata yang Psycho eh. Ang bilis maka detect. Tsk!
"Ang hirap Ward." Bigla ko na lang sabi.
"Ang alin? Magsabi ka na ngayong wala pa iyong dalawa. Tiyak kantiyaw aabutin mo dun pag narinig ka nila." Si Howard lang ang tanging nakikinig sa problema namin. Kasi ang dalawang iyon, puro babae ang nasa isip. Dapat sana kasi Pagpa-pari ang kukunin ni Howard kaso ayaw ng pamilya niya.
"Torn between two lovers!" Tanging sambit ko na lang.
"What?! Bro? Kelan mo pa prinoblema ang babae?! The last time na prinoblema mo si Monica pa ah. And mind you! First year pa lang tayo nun! Lakas kasi ng tama niyo sa isat isa noong mga panahong iyon eh no?" Halatang nagulat si Howard sa sinabi ko.
"Langya kasi eh! Bwisit! Ngayon lang ako nagkaganito!"
"Ayos naman kayo ni Mel diba? Teka. Sino ba yang babaeng yan?!"
"Si Ally. Alleia Sandoval."
"What bro? Yung si Ariana Grande? Tsk! Sabi na nga ba tama ako eh. Imposible talagang dika mahulog dun bro. Ang daming pumoporma dun bro. Pati taga-ibang building at course."
Tumungga ulit ako sa iniinom ko. Hindi ko yata kayang malaman na marami pala kaming may gusto sa kanya. "Tama ka. Siya nga." Tanging sagot ko na lang.
"Alam mo, una pa lang alam ko na eh. Tsaka nung niligawan mo si Mel. Alam ko naman na nababaitan ka kang sa kanya. Alam ko naman kasi na hindi mo talaga siya gusto." Sabi ko na diba? Alam niya lahat.
"Alam mo? Paano?" Walang gana kong tanong.
Napangisi lang siya. "Gago! Kilala na kita! Tsaka ang bilis mabasa niyang mga kilos mo."
"Ano bang dapat gawin? Ayokong may masaktan Howard."
"Bro alam mo. Matanda kana. Yang mga bagay na iyan kaya mo nang pagdesisyonan. Paalala lang ha,sa ganyang sitwasyon hindi pwedeng walang masaktan. May masasaktan at masasaktan pa rin. Good luck bro." Tinapik niya lang ako sa balikat.
"Salamat." Tipid kong sabi.
Nagpakalunod lang ako sa alak ng gabing iyon. Alas-tres na ng madaling araw nang makauwi ako sa bahay. Wala akong kasama dito. Iyong maid lang. Si Mommy kasi nasa ibang bansa nagtatrabaho kasama si Ate. Nurse sila pareho dun.
Binagsak ko na lang ang sarili ko sa kama at deretso na ng tulog.
Kinaumagahan nagising na kang ako sa tunog ng cellphone ko. Umiikot pa ang paningin ko at ang bigat ng ulo ko dala na rin siguro ng 11 na boteng nainom ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag si Melissa pala.
"Hello? Bakit?" Inaantok kong sabi.
"Goodmorning. Anong oras ka nakauwi kagabi?" Bakit ang bait niya kasi masyado?
"Alas tres na. Napadami inom eh. Alam mo na ngayon lang nagkasama sama."
"Oo. Naiintindihan ko. Nga pala nakita mo na post ni Ally?" Biglang nagising lahat ng ugat ko sa katawan nang marinig ko ang pangalan niya.
"Aah--aah. Hindi. A-ano ba iyon?" Natataranta kong sabi.
"Hmmm. Naku po. Mr. Keshner. Anong oras na? Akala ko pa naman nakita mo na. Tignan mo na lang sa facebook. Tsaka bumangon kana anong oras na. Loveyou."
"Loveyoutoo. Sige maya na lang ulit." Binaba ko na ang tawag at agad agad nagbukas ng facebook.
Pagkabukas ko nakita ko na agad ang post ni Ally.
"I will surely miss the four of you. Yeah. It is just weeks that Im away. But I do really miss you all every single day!
#TouchdownMontana
Yan ang naka-caption sa picture namin sa airport kahapon nung hinatid namin siya na pinost ni Ally at tinag pa sa amin. Agad naman nang nag-comment sila Shaney at Sophia. Sinabi na nilang miss na nila si Ally. Napangiti na lang ako ng mapait. Nakaka-miss naman talaga si Princess.
May magpop-up na message. Si Ally.
"Prince. Im already at Montana. I will just take some rest. Then I'll update you when to have skype! Love kita. :*"
Nakakaganda naman ng umaga diba? Agad ko na lang sinagot ang message niya.
"Princess. Just take your time. Hindi biro ang ilang oras na biyahe. Love din kita. Missyou my Princess Ariana. :*" Yan lang ang sinabi ko sa kanya.
Naligo na ako agad para mawala ang hang over ko. Matapos nun ay bumaba na ako at nakita ko si Manang Cynthia na naghahanda na ng pananghalian.
"Morning Manang." Bati ko sa kanya.
"Sir Nico. Tumawag pala si Maam kanina. Hinahanap kayo. Ang sabi ko tulog pa po kayo. Tatawag daw po ulit."
"Sige Manang. Ako na lang po tatawag sa kanya mamaya. Nga pala manang may kape pa ba?" Nagugutom na rin ako.
"Meron pa po. Ipagtitimpla ko po ba kayo?"
"Huwag na Manang. Ako na po. Salamat." Hindi ko ugaling magpaka-Don sa bahay namin.
Pinainit ko muna ang kape sa coffee brewer bago ako nagsalin sa tasa.
Naalala ko ang usapan namin ni Howard kagabi. Ano na bang dapat gawin? Hindi naman pwedeng iiwan ko na lang basta si Mel. Napasabunot ako sa buhok ko at tsaka humigop ng kape.
Ang hirap sobra. Ang hirap. Kung gago lang sana ako di sana ginawa ko na. Kaso ayoko eh. Ayokong tumulad sa magaling kong ama!
Ang mas inaalala ko pa ngayon eh kung magkabalikan sila nung ex niya. Tiyak magkakaayos din sila. Base naman sa mga kwento ni Ally at sa mga picture nila noon na pinapakita sakin ni Ally talaga namang makikita mo kung gaano sila kasaya sa piling ng isat isa.
Inis na lang akong napahilamos sa mukha ko gamit ang mga palad ko. May respeto ako sa mga babae kaya ayokong magpaka-gago. Kaya lang nakaka-gago eh.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
RomantikONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey