Chapter 36

59 2 0
                                    

"Alam mo ba, yung bestfriend ko, iniwan na niya ako." Parang bata niyang sumbong.

"Tama na. Sige sabihin mo lang."

"Paabot nga nang isa pang drinks. Please." Pasuyo niyang sabi kaya kahit ayoko na sana siyang bigyan ay pinagbuksan ko pa rin siya nang isa.

"Salamat hah?" Sabi niya sabay tungga ulit.

"Huwag mo na silang iyakan pa. Hayaan mo na, kung ayaw nila sa yo. Huwag mo nang ipagsiksikan pa ang sarili mo. Tao ka hindi ka sardinas!" Sabi ko at natawa siya.

"Si Nico Keshner, bestfriend ko iyon. Masaya kami nun dati kaya lang nung nagka-girlfriend, biglang nagbago. Hindi ko alam kung bakit." Sabi niya umiyak ulit. Naguilty ako doon. Kaya pinatahan ko muna.

"Kapag nakita mo siya, pakisapak nga kahit isa lang. Pero alam mo ba kahit ganun iyon, mahal ko iyon at importante siya sa akin." Pagpapatuloy niya kaya naman nasiyahan ako.

"Mahal mo? Bakit?" Painosente kong tanong.

"Kasi mabait siya. Siya lang nga iyong lalakeng nakilala ko na ganun bukod kay Dustin." Sagot niya.

"Sino si Dustin? Boyfriend mo?" Kinakausap ko na lang siya na parang wala akong alam. Inubos niya ulit yung laman nang bote tsaka umayos nang upo.

"Ex ko. Pero mahal na mahal ko. Hanggang ngayon, kasi siya lang naman ang kaisa isang lalakeng minahal ko eh." Sabi niya at tumulo ulit ang mga luha niya. Nasaktan ako dun ah.

"Eh si Nico? Akala ko ba mahal mo?" Tanong ko na lang kunwari.

"Bilang kaibigan ko." Sagot niya. Kaibigan lang talaga? Aray.

"Hmmm." Tanging sagot ko na lang.

"Tsaka sila Pia iniwan na rin ako. Ayaw na daw nila akong kaibigan kasi pinaasa ko daw si Henric. Eh alam naman nilang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."

"Hah? Bakit?" Tanong ko ulit.

"Kasi nga dumating si Dustin sa Philippines. Dinala ko siya sa school eh nakita nila. Pinagsalitaan ba naman ako nang masama tsaka ako jinudge na hindi man lang inaalam ang side ko. Kaya nagalit ako. Nasampal ko si Pia." Pagkukuwento niya.

"Pinagtanggol mo lang naman ang sarili mo." Sagot ko.

"Pero hindi sana ako ganito kung andito si Nico. Mabuti na lang noon, nasa tabi ko si Dustin. Ang gaan nang loob ko tuwing niyayakap ako nun."

Hindi ako makasagot at naiinis ako sa sarili ko habang nakikinig ako sa kanya.

"Isa pa nga. Last na. Tsaka uuwi na ako. Hindi ko na kaya." Sabi niya at napasunod ako.

"Oh andito na. Kwento kapa. Willing akong makinig." Sabi ko at natuwa naman siya. Pinunasan niya ang mga luha niya at uminom.

"Alam mo ba, may mabigat akong problema." Sabi niya ulit.

"Ano naman iyon? Di ka ba nauubosan nang problema?" Tanong ko ulit.

"Hindi yata eh. Sabay sabay pa nga ngayon." Sabi niya at paunti unti na lang na umiinom ngayon.

"Ano ba kasi yung mabigat mong dinadala? Buntis ka ba?" Pagbibiro ko.

"Hindi ko pa alam." Sagot niya kaya nagulat ako.

"Ano???" Gulat kong tanong.

"May nangyari kasi sa amin ni Dustin. Tapos alam pa ni Mommy. Sabi niya, uuwi na daw akong Montana kapag daw buntis ako." Sabi niya at mas lalo akong nainis.

"Nagpa-check up kana ba?" Tanong ko ulit.

"Oo kanina. Dumaan ako sa OB. Balik daw ako bukas."

Nasasaktan na talaga ako. Pero pilit ko pa rin pinapakalma ang sarili ko kasi kailangan ako ni Ally ngayon.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon