Ikatlong Kabanata [edited]

17.8K 255 6
                                    

BORED is an understatement para idescribe ang feeling na kinalalagyan ko ngayon.

I looked at Vinn, na agad naman nangunot ang noo sa kinakalikut padin nitong robot. Bumuntong-hininga ako knowing I couldn't communicate with him dahil sobrang na-absorb siya ng ginagawa niya.

Ugh.

"Jamilla, remember. Starting tomorrow, you will be Izabelle Gonzales. We dont trust anyone, okay? Even the target himself. Dahil pakiwari ko'y may alam ang binata kung sinuman ang nagtatangka sa buhay niya. You just have to take a good-"

"Chief?" Agarang tawag ko sakaniya dahilan para matigil ang pagsasalita niya.

"Yes? Are you listening to everything-"

"Chief," Pagdidiin ko sa tawag sakaniya. "I was listening but after five minutes or so, nawalan na ako ng gana makinig." Tumayo ako sa harap niya at pinameywangan siya.

Napasimangot si Chief sa sinabi ko. Muli niyang ibinuka ang bibig niya pero this time ay inunahan ko na siyang magsalita.

"Where is Yanna, Chief?" Curious na tinitigan ko siya. "Kanina ko pa siya hinihintay, I thought she was just going to do something tapos ay babalik na din."

I heard Vinn snickered. Si Chief naman ay bumuntong-hininga at stressed na tinignan ako.

"Jamilla, I'm sorry to say this but Milliana got a different mission. Itong misyon na ito ay para sa'yo lang. Don't worry, technically ay kasama mo parin siya dito yun nga lang ay iba ang gagawin niyo."

"What?" Gulat na tanong ko. "Why the hell would you do that?"

"There is no need for you two to team-up. Mabilis makahalata si Mr. Smith, Jamilla. At kung nakikinig ka sana sa akin, he knew someone has their eyes on him. May alam siya sa mga nangyayari ngunit hindi siya nagsasalita tungkol dito. Kung mangyaring dalawa kayo ang papasok sa kompanya, pupwede siyang makahalata-"

Saglit na huminto siya upang titigan ako sa mata, leaving no room for arguments.

"-and we can't risk that, Jam. Ang mga taong nagmamatyag sa bawat kilos niya ay parte ng Black Agency."

Nagpintig ang tenga at napaupo ako muli sa couch. "Black Agents?" I whispered. "Ganito katindi? And you are letting me do this alone? Chief? Nababaliw ka na ba?"

"And now I see the tigress losing her self-confidence. Interesting." Nang-aasar na sabi ni Vinn.

Sinamaan ko siya ng tingin. "You shut up, Vince. Bago ko sirain yang robot na yan." Pagtapos ay inilipat ko naman ang tingin kay Chief at lalong tumalim pa ang tingin ko. "You better have an explanation to me kung bakit hindi mo muna ako kinausap na ganito ang gagawin mo."

He gulped before nodding. Pagtapos ay pilit na ngumiti niya sa akin sa kabila ng tensyon.

"Now, let's continue with the details, shall we?"

♥♥♥♥♥♥♥

"GOOD MORNING, Ma'am. ID po natin?"

I glared at the bodyguard pero agad ding bumuntong-hininga bago ibinigay sakaniya ang fake ID ko. Come on, Jam. He's just doing the damn job.

Obviously, it is my first day sa assignment na ibinigay sa akin ni Chief Russel pero sa ngayon ay makikipagkita lamang ako sa Jared Smith na iyon para ma-orient niya ako.

And although ayokong ituloy ito, I have no other choice dahil full load nadin ang ibang agents sa G&G. Kung hindi ko tatanggapin ito ay ibabasura na lamang ni Chief ang mission.

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon