A/N: Okay, na-aappreciate ko po ang mga Silent Readers na patuloy na suimusuporta at bumabasa ng story ko. Thankyou and I wish maging friends ko kayooo! TT_TT -ZairaLouise
CHAPTER THIRTY-SEVEN
JAMILLA's POV
Lahat silang apat ay agad na bumaling ng tingin sa akin ng humagalpak ako ng tawa. I should have known, pare-pareho silang nagsi-alpasan ng mga kulay sa mukha. Akala mo eh mas kailangan pa sila ang i-admit dito sa ospital kesa sakin eh.
Napatigil lang ako sa pagtawa ng makaramdam ako nang kirot sa may bandang sikmura ko. Argh, may tama nga pala ako. Tsk.
Nang maka-adjust na ako sa sitwasyon ko ay muling bumalik ang ngiti ko sa labi. "You should've seen your faces guys. It was.... ridiculous." Marahang tumawa ulit ako, sapat lang para hindi sumakit ang sugat ko.
"Damn it, Jam. You know I'm afraid of ghosts." Jared frowned.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. He had just lost a pogi point and scratched his ego 'cause of saying that infront of other guys but he'll be damned kapag hindi niya iyon masasabi. And that's what I learned to like about him, his straightforwardness.
Napailing na lang sakin sila Chief at Vinn, habang si Nico naman na naka-nerdy glass ang trip ay simpleng umubo lang para matakpan ang pagkapahiya.
"So... how are you feeling?"-chief
I smiled, "Im good."
"You always say that." Jared snorted. Napatawa ako nang sumang-ayon sa kaniya sina Vinn at Nico. They really know me that well huh?
"Im good. Kahit medyo kumikirot itong sugat ko, bukod doon, wala namang dapat ipag-alala. How about you Jared? Are you okay? Paano niyo sa nailigtas?"-me
Bumalik ang panic ko sa akin nang maalala ko ang malademonyang itsura ni Rosie. I was really a fool for believing her!
Agad na dumako ang tingin ko sa mata ni Jared nang bigla niya akong hilahin ng mahina at mapayakap sa kaniya. "Shhh.." he whispered. "Im mighty fine babe. I told you, everything's gonna be okay."
Kiming tumango lang ako habang dinadamdam ko ang pakiramdam ko sa loob ng bisig niya. For how long will I be able to hold this beautiful man?
Maya-maya ay biglang napuno ng mga pekeng ubo mula sa tatlong istorbo ang kwarto kaya agad naman na humiwalay si Jared sa akin. Nasurpresa pa nga ako nang gawin niya iyon. He loves to do PDA, kahit sino pang tao ang kaharap.
Nakasimangot na ibinalik ko ang tingin ko sa kanila. Si Nico na napaikot ang kaniyang mga mata, si Vinn na akala mo nakanuod ng porn sa sobrang lukot ng mukha, at si Chief na sinamaan ng tingin si Jared na biglang napangiwi.
"What have you done to him, guys?" I said, giving them three my warning looks.
Kaniya-kaniya naman silang nagsi-iwas ng tingin. Naniningkit ang mga matang nilingon ko si Jared. At bago niya pa ako maiwasang salubungin ang mata ay pinukol ko na siya ng masama at nagbababalang tingin ko.
"What?" he said nonchalantly.
"What your face. Tell me." matigas na sabi ko.
Tumingin siya saglit kila Chief. Bahagyang namutla siya pero nawala rin agad iyon. "They didn't do anything." mabilis naman na sagot niya.
Tatango na sana ako at babalik na sa normal mood ko. Ang kaso, paglingon ko ulit sa direksyon ng tatlong kolokoy ay huling-huli ko ang kaniya-kaniyang mga itsura na naiwan sa ere ng bigla akong tumingin.
BINABASA MO ANG
[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]
AdventureCURRENTLY "EDITING" THIS WHOLE BOOK. STILL WANT TO READ IT? YOUR CHOICE. ;) P R O L O G U E I am not called 'Officer Jamilla Alcantara' for nothing. Kaya naman hindi ko matanggap na sa lahat pa ng agents ay sa akin pa ibinigay ang pinaka boring...