NAG-ANGAT ako ng tingin ng makarinig ako ng pagkatok sa lamesa.
"What happened to you? You look like hell." Bati sa akin ni Chief na walang tanung-tanong ay umupo sa kaharap kong upuan.
Napanguso ako. "Kailangan pinapamukha sakin?"
Alam ko naman kasing wala talaga sa ayos ang itsura ko ngayon kaso anong gagawin ko? I am not in the mood to fix myself. Kailangan ba laging nakaayos?
Iiling-iling na tumungkod si Chief sa harapan ko. "Penny for your thoughts? Masiyado ka nang nawiwili sa misyon mo at kinakalimutan mo nang magkwento sakin. Anyare sa bestfriend?"
Hindi ko na pinansin ang mga panunudyo niya sakin at napabuntong-hininga nalang. Akmang magsasalita na ako nang pigilan ako ni Chief.
"Wait, I'll go get food first before everything else." Nginitian niya ako. "What do you want to eat?"
"Anything."
Tinanguan niya lang ako at umalis na. Nang marating niya ang counter ay sumalampak na ulit ako sa lamesa.
Dito ko kasi naisipan sa canteen area tumambay. Kasi... trip ko lang. Ewan. Dito ako umuwi sa Headquarters pag-alis ko sa office kagabi eh.
I know I shouldn't leave Jared behind kahit gaano pa kasecured ang condominium na yon. But it's just that... ugh! I don't know what's happening to me. Nababaliw na yata ako.
Muli akong nag-angat ng tingin at napangiti nalang ako nang makita kong dala ni Chief ang paborito kong pagkain tuwing nai-istress ako.
Carbonara.
"You really know how to lift my mood up, Russel." Nakangiting wika ko at inabot ang plate sa kaniya.
"You're very much welcome, Jamilla. Although ayoko talagang binabanggit mo ang name ko so.. spill the beans before I tell Jazz to charge all of these to your expense."
Napatawa ako. Yep, ayaw niya nga palang tinatawag siya sa pangalan niya. Nakakadiri daw eh ang ganda nga ng Russel Adrian diba?
"Things are... getting complicated, Chief." Panimula ko sabay paikot ng tinidor sa pasta.
"Elaborate." He said, waiting for me to tell him the whole story.
I sighed and started talking. Lahat-lahat ng physical contacts namin simula nung sa meeting namin kay Jordano.
"...and for the second time, he stole a kiss!" Eksaheradang sabi ko bilang panapos ng pagkukwento ko. Well it's not the second time pero syempre.. Tss.
Inaantay ko ang maingay na sigaw niya at pageeskandalo dito sa lugar pero sa halip ay ngumiti lang si Chief. Kumikinang ang mga mata niya at alam kong pinipigilan niya lang ang kung anuman ang gusto niya talagang gawin.
Wow, so paninindigan niya talaga ang pagiging bestfriend aka matured version niya ngayon?
"Don't you think that maybe you're starting to fall in love with him?" Sabi niya habang diretsong nakatingin sa akin.
Napasinghap ako. "Jeez! Are you serious—"
"Did you kiss him back?"
And then again, I was caught off-guard by his question. Aish! Hindi ko matatakasan si Russel pagdating sa mga ganitong tanungan. Mas magaling siya mag-interrogate sakin e!
Nahihiyang ibinaba ko ang ulo ko sa plato at bahagyang tumango. "Y-yes."
Narinig ko ang mahinang tawa niya at kahit hindi ako tumingin kay Chief ay alam kong napakalawak ng ngiti niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/5959273-288-k377112.jpg)
BINABASA MO ANG
[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]
ПриключенияCURRENTLY "EDITING" THIS WHOLE BOOK. STILL WANT TO READ IT? YOUR CHOICE. ;) P R O L O G U E I am not called 'Officer Jamilla Alcantara' for nothing. Kaya naman hindi ko matanggap na sa lahat pa ng agents ay sa akin pa ibinigay ang pinaka boring...