Ikalawangpu't dalawang Kabanata [edited]

11.3K 173 5
                                    

"AT NARITO na nga ang isa sa mga pinaka-aabangang issue ng lahat sa showbiz world! Ang sikat na sikat na si Jared Smith ng Smith Aviations ay ikakasal na sa isang nonshowbiz woman na si Miss Izabelle G—"

Naiinis na pinatay ko ang flat screen tv dito sa conference room. Napabuga na lang din ako sa hangin habang umupo sa isa sa mga swivel chairs.

Dito muna ako naglalagi sa headquarters dahil ayokong pagpiyestahan at paulit ulit na kulitin nila Daddy at Mommy na seryosohin ko na lang daw ang lahat ng romantic relationship namin.

Lalo na daw ngayon at kalat na sa buong mundo ang tungkol dito.

Si Jared naman kanina pa ako kino-contact sa hindi ko alam na dahilan pero ayaw ko muna siyang kausapin sa ngayon. I installed a security camera in his office, kung kaya ay walang problema kunsakali na may mangyari.

May mga inassign din kasi akong trainees malapit sa kompanya habang nagpapalamig ako ng ulo ko.

Wala na.

Hindi na ako malayang tao. Hindi na rin ako magugulat kung magkaroon ako ng isa o higit pang numero ng stalkers kaya dapat ay mas lalong mag-ingat.

Mas pinagsisisihan ko na ng tanggapin ang plano ni Chief. Ugh.

Someone should remind me why I agreed on him again.

Napalingon ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Nico. As usual, poker face na naman siya. Bagay na bagay nga silang magpartner ni Vinn dahil pareho silang akala mo pinagsukluban ng langit at lupa araw-araw.

"I've heard the news." Maya-maya ay salita ni Nico.

Napangiwi na lang ako. So pati siya na walang pakielam sa halos lahat ng bagay eh naagaw ang atensyon sa balitang yun?

"Please spare me this time. I don't want to hear any of that." Umiiling-iling na sabi ko habang hinihilot ang sentido. I feel like I will be doing this a lot more now.

Nagkibit-balikat lang si Nico at umupo sa isang stool at nagsimulang basahin ang isang violet folder. Nakakunot-noong tinignan ko siya.

"Why don't you go for the long-term missions?" Curious na tanong ko habang nakatingin pa din sa kaniya. "Lagi na lang mga panandalian yang mga kinukuha mo ilang buwan na ang nakakalipas, ah. Taon na nga yata."

"It's boring." Maiksing sagot niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa folder.

"No, it's not." Sagot ko at agad ring napangiwi. "Well.. Unless kapareho ng ginagawa ko sa mission mo."

"I don't want to mix my feelings with my work."

Tinaasan ko siya ng kilay, "What do you mean? Hindi naman na bago if ever."

Bigla siyang napatigil sa pagbabasa. Uh-oh. Wrong move.

Tinignan niya ako diretso sa mata at walang ekspresyon ang mababasa sa mata niya, "Exactly, Jamilla. Ayoko na ulit maranasan 'yong mga oras na para ba akong mamamatay kahit anong kilos ang gawin ko. I'm done with it. Now, let me you a question. You have feelings for him right?"

Nanlaki ang mata ko. Akmang magsasalita na ako ng ngitian niya ako.

Yung ngiti na imbis matutuwa ka sa halip ay magsisitayuan ang balahibo mo.

"Don't tell me pati sakin magsisinungaling ka?" Sabi ni Nico at isinara ang folder na hawak niya.

Tumayo siya sa likuran ko at bumaba sakto lang sa tenga ko. "Believe me, I have witnessed so many lies throughout my years of living. Alam ko ang nagsasabi ng totoo sa hindi, Jamilla."

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon