Ikalabing-tatlong Kabanata [edited]

13.1K 203 0
                                    

TAHIMIK na nakikinig lang ako sa dinidikta sakin ni Jared habang nagsusulat. He is curently giving me his monthly schedule. Hindi ko na siya kinumpronta kanina. Magiging awkward lang.

Well atleast sa akin, ewan ko lang sa kaniya.

Mukha naman kasing sanay na sanay siyang gawin iyon.

Napatigil ako nang may marinig akong hindi inaasahan.

"Come again, sir?"

Medyo nabigla si Jared nang magsalita ako kaya napatigil din siya. Ngayon na lang ulit ako nagsalita after nga ng nangyari. Maya-maya ay nagpatuloy nadin si Jared.

"I said I will meet my business partner, Jordano Pier, at three in the afternoon in Bluebay Restaurant."

Mukhang may mapapala naman pala ako sa pagpapakita ko kay Jared ng maaga. Baka may makuha pa akong impormasyon at maoobserbahan ko pa siya. Agad na napangiti ako.

Hmm.. Must be my lucky day.

"What are you smiling at?"

Agad na napalingon ako kay Jared at nakita kong nakataas na pala ang isang kilay nya habang nakatingin sakin.

"Ah, nothing sir." Nakangiting sabi ko bago tuluyang isinulat na sa notebook na hawak ko ang impormasyon.

Inaantay ko pang magsalita siya kaya lang ay parang biglang may dumaang anghel dahil sa tahimik.

Inangat ko ulit ang tingin ko at nakita ko siyang seryosong nakatingin padin sakin. "Sir?" untag ko.

Kumunot noo siya na tinaasan ko lang ng kilay. Ano nanaman problema neto?

"Are you.. somewhat related to Jordano?" Puno ng kyuryosidad na sabi niya.

Now it's my turn to furrow my eyebrows. What is he talking about? Medyo nakaramdam ako ng ilang sa pagtitig niya kaya umiwas ako ng tingin.

I hate this feeling... the butterflies in my stomach when he lays his eyes on me- Wait. Ano nanaman bang pinagsasabi ko? That is so not me already. Ew. Sasagutin ko na sana siya nang maunahan nya ko.

"Nah, forget it. That's enough for this day. You can go. I'll pick you up later so don't be late, okay?"

Naguguluhang tumango lang ako habang papalabas ng office niya. Ano nanaman kayang iniisip ng lalaking yon?

At bakit kaya kapag kay Jared...

I can't focus on everything. I wonder why? Lahat ng skills ko, ang galing ko sa pagbasa ng tao mula kilos ng mata hanggang paa,

Pagdating sa kaniya, lahat nawawala yon.


I wonder why. Or is it... that I'm just in denial even though I think I know why now?

************************

"SURE ka hindi mo siya kamag-anak?"

Naiinis na kinamot ko ang ulo ko. Kanina pa ko niyan kinukulit ni Jared tungkol kay Jordano. Ni hindi ko parin maintindihan kung bakit ba masyado niya akong tinatanong tungkol don.

As if naman pwede kong sabihin na 'Siya lang naman ang first suspect ko sa mission ko. Ang pag-alam kung sino ang nagbibigay ng death threats sayo. Yes Jared, ikaw ang mission ko.' Duh?

"O baka naman ex mo siya? Nawawalang kapatid mo pala? Maybe your-"

"Stop!" Pigil ko skanya. Itinigil niya din muna ang kotse dahil nakared lights na. Nakatingin na siya sakin at halatang inaantay ang susunod kong sasabihin.

Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita. "Ang kulit mo talaga no? Hindi ko nga siya kamag-anak. Wala akong ex dahil hindi pa ako nagkakaron ng boyfriend remember? Lastly, hindi ko siya nawawalang kapatid dahil sure na sure akong only child lang ako."

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon