SUNDAY. Six o' clock in the morning.
"I kissed my boss and I like it yea— oww! Jam!"
"Shut up, pwede ba?!" Naiinis na hinila ko ang kwelyo ni Terrence na kanina pa ako kinakantahan. Akala mo naman ang ganda ng boses eh halos dumugo na ang tenga ko buksan niya palang ang bibig niya.
At talagang itinono nya pa sa kantang "I kissed a Girl" ni Katy Perry ha? Hindi nya ba alam na fan ako nun? Ugh.
"Woah! Easy there, tigress." Natatawang tinanggal ni Terrence ang kamay ko na nakahawak sa kwelyo nya.
Kanina pa nila ako inaasar at hindi na talaga ako natutuwa.
"Chill ka lang—"
"One more word, Russel Adrian. I swear I'm going to quit this mission and I'm dead serious."
Tumahimik na sila sa kabilang linya kahit naririnig ko padin ang hagikgik ng original buddy ko. Good. Hindi naman sa galit talaga ako. I just need to be like this for them to stop deriding me.
I mean, duh? It's been a week when that.. when he.... when it happened! Masisisi ba nila ako kung may epekto pa din sa akin 'yon hanggang ngayon? First time ko lang ma-experience ang mga bagay na yon, for damn's sake! And with them mocking me over and over again, hindi nakakatulong!
Kung nakaiwas ako sa mga panlalandi niya sa akin last week, hindi naman ako nakaligtas sa pang aasar ng mga agents na walang magawa sa buhay kundi pakielaman ang lovelife ko.
Please remind me to never mention anything about Jared again."Bakit kasi ikaw pa ang kasama ko? Of all people.. Ugh." Iiling-iling na sabi ko habang nakatingin kay Terrence.
Wala kasing available na ibang agent na pwede kong maging kasama. Katunayan, nagdagdag ng tao sa field mula sa mga gadget inventors dahil madami ang missions na natatanggap namin ngayon. It's not like we could hire some agents so easily. Pili lang ang mga natatanggap dito. From generations to generations. O kaya ay once a year na recruitment.
Mabuti nalang ang kinukuha lang namin na agent ay kayang maging parte ng tatlong bahagi sa organization kaya okay lang na kahit saan mapunta ang mga agents.
And for those who are curious, ang tatlong bahagi sa G&G Organization ay binubuo ng mga sumusunod: Field workers or ang mga tumatanggap o gumagawa ng mission ng actual.
Search Team na ang mga agents ay nasa Control Room kung saan dapat ay mabilis kang magresearch sa mga bagay, tao, hayop, lugar of course may kinalaman sa missions/assignments.
At sa Gadget Inventors na obvious naman sa tawag, ay dapat magaling kang mag invent ng mga gadgets na nakakatulong mapagaan ang mga mission.
Sa akin lang nagkaroon ng exemption.
First, kasi over qualified ako sa standards ng maarteng si Chief namin sa paggawa ng field works at sa paghahanap.
I know I'm great, thanks.
Second, isa sa mga founder ang parents ko ng organisasyon pero sakin lang nangyari ang exemption. Chief's the one to blame. He still treats me like the crybaby that I was before. Psh.
Ngayon, papunta kami ni Terrence sa mission namin. This is good dahil, ang mission ko kay Jared Smith ay sobra na sa pagkaboring. Since day off ko bilang sekretarya niya, na hindi ko alam kung bakit may day off ang trabaho na to, si Desiree muna yung nagi-i-spy sa kaniya para sakin at kumuha naman ako ng violet-folder mission.
"That hurts, Jam. Sa gwapo kong 'to ayaw mo kong kasama? Awch!" Sabi niya habang saklot-saklot yung dibdib nya na parang inaatake sa puso. Pagtapos ay pumilantik pa ang kamay nya sa pagbanggit ng 'awch'. Pagkaraan ay napa-ngiwi sya ng ma-realize ang ginawang bakla-baklaan.
Tinawanan ko nalang sya, "Malayo pa ba tayo? Kanina pa tayo paikot-ikot eh."
BINABASA MO ANG
[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]
AdventureCURRENTLY "EDITING" THIS WHOLE BOOK. STILL WANT TO READ IT? YOUR CHOICE. ;) P R O L O G U E I am not called 'Officer Jamilla Alcantara' for nothing. Kaya naman hindi ko matanggap na sa lahat pa ng agents ay sa akin pa ibinigay ang pinaka boring...