Unknown
"Nasusunod ba ang lahat ng plano?" Tanong ko bago ko sinindihan ang sigarilyo gamit ang lighter na nasa tabi ko.
"Yes, Sire. Kayo na lang po ang hinihintay namin."
Tipid na ngumiti ako nang marinig ko ang sagot na matagal ko ng hinihintay. Pero hindi roon nagtatapos ang lahat ng maalala ko ang isang bagay dahilan para i-ikot ang swivel chair hanggang makaharap ko na ang binata.
"Kumusta ang bihag? Is she still as feisty as before?"
Nakataas ang isang kilay na tinignan ko siya. Bahagyang dumilim ang mukha nito pero ilang saglit lang ay blanko na ulit ang ekspresyon niyon.
"I'm working on it, Sire. Mahirap siyang pasunurin dahil nagmamatigas pa din pero wala na kayong dapat alalahanin. Sa ngayon, just leave it to me."
Tumango-tango ako. "You have my trust. Siguraduhin mo lang na hindi makakagulo ang babaeng iyon sa mga plano. Alam mo na kung anong kakahinatnan mo pag nabulilyaso pa 'to."
"Yes, Sire. Naiintindihan ko."
Kontentong inilapat ko ang likod ko sa upuan at sinimulang humithit ng sigarilyo habang nakatingin sa umalis na tauhan ko.
Finally, it's showtime.
*****
JAMILLA's POV
Huminga ako ng malalim bago muling sinimulang inilagay ang mga papel, or should I say death threats na nakuha ni Jared, sa cabinet.
Pigil ang hininga't pikit matang ginawa ko iyon. It's not like I am afraid on the picture itself... kaso baka kung ano nang magtrigger sa akin ulit at tuluyan ko ng makita ulit si Mrs. Shayne.
I am afraid of blood.
I know I should be used to it dahil sa trabahong pinasok ko but then, like I always used to say, tao lang ako. May sariling takot at kahinaan.
Kapag nakakakita ako ng napakaraming dugo ay mabilis inaalis na ako sa lugar kung saan nangyayari ang operasyon namin, o missions. Kung hindi ay bigla na lang akong manghihilakbot sa takot at mawawala sa sarili.
I've asked them to record me once and believe me, kahit ako ay hindi ko mapaniwalaang nangyayari sa akin 'yon. Minsa'y makikita ko sa video na nagsisisigaw ako ng mommy at daddy.
Ngunit mas madalas ay may binubulong ako sa sarili ko. Hindi nila madecipher kung anuman ang sinasabi ko— pero ako alam ko. I'm sorry. I'm not a killer.
Paulit-ulit habang umiiyak tila ba maibabalik ko pa yung oras kung saan hindi ko pa alam ang salitang....patay.
Mrs. Shayne is my personal private physician. She's a good doctor but that doesn't mean she's a kind one. I honestly don't want to talk about her. Kinikilabutan pa din ako hanggang ngayon pag naaalala ko ang appointments namin.
Nang matapos ko nang inilagay ang mga papel ay dahan-dahan na iminulat ko na ang mata ko. Ganoon na lang ang relief ko nang makasigurado akong sarado na iyon.
Geez, I'm almost out of my breath again.
Hindi rin nagtagal ay tumayo na ako sa kama at sakto namang natapat ako sa salaminan ng cabinet ni Jared. Saglit na sinipat ko ang kabuohan ko sa salamin pagtapos ay nagpasya na akong lumabas ng kwarto.
I'll be finding Jared once again.
Napapansin ko lagi ko na lang hinahanap ang isang yon. Tsk. Hindi ba dapat lalaki ang naghahanap-hanap sa babae?
"Hey."
Awtomatikong napangiti ako ng makita ko si Josh na papalapit sa akin sa pasilyo ng bahay na dinadaanan ko.

BINABASA MO ANG
[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]
AdventureCURRENTLY "EDITING" THIS WHOLE BOOK. STILL WANT TO READ IT? YOUR CHOICE. ;) P R O L O G U E I am not called 'Officer Jamilla Alcantara' for nothing. Kaya naman hindi ko matanggap na sa lahat pa ng agents ay sa akin pa ibinigay ang pinaka boring...