Ikatlompu't Isang Kabanata [edited]

10.2K 123 10
                                    

Unknown

"Trying to escape, my love?" Sarkastikong sabi ng lalaki na minsan kong tinignan ng puno ng pagmamahal.

Nakaupo siya sa harapan ko habang namumuo ng aliw ang mga mata niya tuwing sinusubukan ko kung makakaalis ako sa pagkakatali ko.

Kung nakinig lang sana ako sa sinabi nila hindi sana ako malalagay sa sitwasyon kong ito. Again, I've let my heart won...although this time, I'm not that lucky anymore.

Bakit? Dahil buhay ko na ang nakataya at pati na rin ng mga tao sa paligid ko.

Puno ng galit na sinalubong ko ang mga tingin niya. "Mahahanap at mahahanap ka rin nila."

Tila hindi naman siya naapektuhan noon at mas lumawak pa ang ngiti niya. "Not when you're covering for me. Besides, kung magkabukuhan naman, sino ba ang mas lugi? Hindi ba't ikaw dahil ikaw ang nagtraydor?"

Nagtiim ang mga bagang ko sa mga salita niya. "Walanghiya ka." Angis ko. "Hayup ka! Pakawalan mo na ako dito!"

Napuno ng halakhak niya ang buong silid. "Bakit? Natatakot ka na ba?" Sabi niya habang natatawa pa rin at pailing-iling.

The guy even dared take a step closer. Para makita ng mas maayos ang mukha ko. Naaaliw na hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa emosyon ko. Emosyong walang iba kundi piit at galit.

Hindi ko na napigilan ang inis ko at dinuraan ko siya sa mukha. "Mamamatay muna ako bago matakot sayo, demonyo ka."

Napatawa lang siya muli sa sinabi ko. Ganoon na siya ka-confident simula ng malaman niya ang pinaka-kahinaan ko kung kaya naman kahit anong pagbabanta ko e parang wala na lang sakaniya. Iyon na rin kung bakit hindi ko magawang humingi ng tulong.

Napaigik ako sa sakit ng maya-maya ay bigla na lamang niyang hinila ng mariin ang buhok ko at pilit na inihaharap malapit sa mukha niya.

"Ituloy mo lang ang ginagawa mo, love. Malapit na akong marindi sayo." Nakangiti niya pa ding sabi ngunit ngayon ay ramdam ko na ang babala sa higpit ng pagkakahawak niya. "Now let's get down to business, shall we? Gagawin mo na ba ang sinasabi ko?"

"Like hell." Matapang kong sabi habang nakatingin sa kaniya. "Mamamatay muna ako-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng walang sabi-sabi'y nakaramdam ako ng sakit sa may tiyan ko. Napasinghap at nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya habang namimilipit pa din sa sakit.

"Wag mo akong inisin, babae. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin sayo."

Napatigil siya sa pagsasalita. Kinuha ko na ang oras na iyon para maibalik ang lakas ko. I can't believe he just punched me. I mean.. sampal at mura matatanggap ko pa, pero suntok? Isa talaga siyang demonyo.

"In fact, bakit hindi kita bigyan ng leksyon ngayon?"

Ang kalantsing ng metal sa sementong sahig ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"A-a-anong gagawin mo?"

Nginitian niya ako ng ubod ng tamis. "I'll let you have a taste of heaven."

Nanginig na ako sa takot ng tuluyan niya nang hubarin ang pantalon niya at naiwan na lang ang brief. Hindi rin nagtagal at nawala na rin ang pantaas niya.

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon