Chapter ONE

25.9K 348 15
                                    

NAKANGISING tinignan ko ang mga basag-basag na parte ng bote na ngayon ay naka kalat sa lupa. It was just a few minutes when I used my favorite toy to shoot these bottles, kaya naman ay may pagkamausok pa ang paligid. I widened my smile at the sight.

Taurus 7383CP. My first love.

I specifically like it because it just fits perfectly into my hands. Tila para bang inimbento talaga itong baril para sa hulma ng kamay ko. I also like the sound of it, not too loud like a shotgun and yet not too soft like a silencer.

Napagpasiyahan kong mas mabuting ilaan na lang ang araw na ito para i-enhance ang skills ko kaysa masayang nanaman kakabinge watch ng Netflix shows. I have been doing military ground training, mountain climbing and now firearm-training. Just basic ones and nothing I haven't done before, dahil ayoko naman makalimutan ang natural instinct skills ko just because I've been suspended for more than five months now. 

Growing up in an agency like mine, there was one thing we all learned to obey— hindi uso ang break. Kaya naman hindi sanay ang katawang lupa ko na parelax-relax lang.

"Honey now, take me into your loving arms~
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinkin' out loud
Baby, we found love right where we are.."

At kahit secured pa nga ang tenga ko ng earmuffs ay rinig na rinig ko pa din ang sobrang lakas na tunog ng cellphone ko. I have a feeling whoever is calling me is the very same person who hacked into my phone just to change its ringtone. Ugh. 

Nangungunot-noong inalis ko ang earmuffs at naglakad papunta sa table sa likod. Tapos ay siniguro ko munang nakalock ang baril, ibinaba ito at sabay na sinagot ang tawag. 

"Isa pang hack mo sa personal cellphone ko at palitan ng mga corny na kanta, I swear I will kill you with my own hands." Halos inis na sabi ko.

Isang marahang tawa lang ang sumalubong sa akin. As expected, when am I ever wrong about this person?

"Pleasant day to you too, darling. Kamusta ka na?" Sabi niya sa kabilang linya.

Napaikot ko na lang ang mga mata ko. "I'm fine, Chief." Sigh. "To what do I owe you this phonecall? I swear if you're just going to insult me again dahil sa suspension ko I would kill-"

"Woah, woah, woah." Chief chuckled lightly. "Teka lang ha."

Russel Adrian also known as Chief being the head of G&G. Ang agency namin. He's like a brother to me pero minsan sa mga pagkakataong ganito na nanggugulo lang siya para mairita ako, ang sarap niya lang talagang barilin.

Of course that's a joke. 

Maybe. 

Maybe not.

"At nakuha mo pa talaga akong tawaging 'Chief' sa mga threats mo ha? Nahiya naman ako." Ani nito sa pabirong tinig.

I was about to talk back again, kundi lang ako nagkaron ng interes sa susunod niyang sinabi.

"But, actually, I wanted you here in my office kaya ako tumawag." Saglit na tumahimik sa kabilang linya at nakarinig ako ng mga pag shuffle ng papel. "I have a mission for you."

"Mission? I thought I still have two more weeks off? Anyare?" Nagtatakang tanong ko. Unti-unting sumisilay ang ngiti sa labi ko.

I love where this conversation is getting at.

"Shut it, Jamilla." Rinig ko ang pagkairita sa boses nito. "I need you here. Mas kailangan kita dito kesa parusahan ka sa, in all reality, job well done. So come fast and get your ass here, Agent Alcantara."

Halos mapunit na ang mukha ko sa lawak ng ngiti ko. Tumango ako kahit hindi nakikita ni Chief. Kinuha ko na ring muli ang baril sa kamay ko at inilagay sa holster na nasa gilid ng bewang ko.

"That's more like it." Masayang wika ko sa cellphone. "Okay. You can expect me to be there tomorrow 8AM sharp, Chief Russel."

"That's all I need to hear from your end." Sumeryoso na ang tono nito. "This is another big case, Jamilla. I hope you're ready for it. And welcome back."

Napangisi lang ako at tila ba hindi ko na maialis ang ngiti sa labi kahit ilang minuto na ang nakakalipas. He hopes I'm ready for it?

Why the hell wouldn't I be? I was born freaking ready.

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon