HINDI maikakaila ang excitement sa mukha ni Jared habang nakatingin sa akin na kasalukuyang katatapos lang sumubo ng isang kutsara sa luto niya.
"So, is it any good?"
Nadidismayang inilapag ko ang kutsara sa plato sa harapan ko. I reached for the glass with water na agad namang iniabot sa akin. Nang matapos akong uminom ay agad na tinignan ko siya at ngumiwi.
"I'm sorry Jared-"
"No, it's okay." Agad na putol na sa akin. Nangungunot ang noo na kinuha niya ang bowl na pinaglalagyan ng ulam at bumuntong-hininga.
"I knew it. Hindi talaga ako magaling magluto. I wonder why my mother likes this Adobo very much. Siguro ay dahil anak niya ako at dapat niyang suportahan."
Nanlaki ng kaunti ang mga mata ko at sana'y magsasalita na ng biglaan siyang tumayo sa upuan niya. Tapos ay pumunta na sa sink hawak ang bowl na pinaglalagyan ng niluto niya.
"I didn't know she's being bias all this time." Umiling-iling pa ito animo hindi makapaniwala sa nalaman.
Pinigilan ko ang sarili kong mapatawa sa kilos niya. He's acting like a five year old kid na nawalan ng laruan. Mabilis naman na inagapan ko ang pagtapon niya sa ulam sa pagpigil ko sa braso niya.
I saw confusion in his eyes, malamang dahil sa bilis ng kilos ko. Thank God he didn't ask something about it. Subalit mas lumalim pa ang kunot sa noo nito ng makita niyang iniligay ko na sa 'safety' ang ulam.
"What do you think you're doing, Izabelle?" So we're on first name basis na? Wow, ah. "Bakit mo ako pinipigilan? I thought you didn't like it-"
"Yes but-"
"Then why would you stop me? No one's going to eat this anyway-"
"I liked it, Jared." Matalim na tinignan ko siya. Ayaw akong patapusin ng kumag na 'to magsalita eh. "I was just acting, okay? Masyado kang madrama."
He frowned. "Bakit ganon yung mukha mo kanina? You know I value honesty very much whether it's inside or outside of the company. Okay lang sa akin kung hindi talaga masarap- Yes? You want to say something?" Sabi niya ng makita ang signal ko ng 'wait'.
"Yep, wanna know what is it?"
"What?"
"Shut up."
Humaba ang nguso niya pero pagkaraa'y napangiti na rin. "Nasarapan ka ba kasi talaga? Yung totoo?"
"Oo nga, ang kulit mo din eh." Naiinis na sabi ko pero nangingiti din. "Gusto mo lang yata purihin ka eh?" Nanunudyong sabi ko.
"Yeah, because I'm a sucker like that." Sarkastikong sagot nito bago inayos na ang hawak sa bowl. Naglakad siya patungo sa lamesa. Pagkatapos mailagay ang ulam doon ay umikot siya para ialok ang upuan na kanina kong inokupa.
"Now, will you join me to dinner once again?"
Sa kabila ng pagpipigil ko ipakita ang saya ko ay hindi ko na naitago ng lumawak pa ang ngiti ko. Damn him and his sweet gestures.
"Ang dami mong kaartehan sa katawan, Jared." Natatawang sabi ko pagkaupo.
He took his seat too, then smiled sheepishly. "Sorry. It's not every day I share a dinner with a gorgeous lady."
BINABASA MO ANG
[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]
AventuraCURRENTLY "EDITING" THIS WHOLE BOOK. STILL WANT TO READ IT? YOUR CHOICE. ;) P R O L O G U E I am not called 'Officer Jamilla Alcantara' for nothing. Kaya naman hindi ko matanggap na sa lahat pa ng agents ay sa akin pa ibinigay ang pinaka boring...