Ikalawangpu't Limang Kabanata [edited]

11.2K 157 5
                                    

BLANKO pa din ang itsura ko habang si Jared naman ay halatang inis na.

"Wala ka bang sasabihin? Didn't you hear me? I'm about to get killed, Belle. Ngayong alam mo na, ano na?"

I was correct. Mga hired killer nga ang mga sumusunod sa amin kanina. And more likely, Black Agents ang mga iyon. Mabuti nalang pala't nakaalis kami kanina ng ligtas.

At kahit pa napatunayan ko ngang nagsinungaling siya sakin nang sabihin niya kaninang pinsan niya iyong nasa kotse, may mas malaking argumento ang nasa isip ko.

"Don't do this alone, Jared. Masyadong delikado—"

"See?" Mabilis na putol niya sa akin. "First, you'll be worried. Second, you will say that you want to help me—"

"Bawal ba?" Matalim ang tingin na putol ko din sa sinasabi niya.

"No. Ayoko lang madamay kayo dito." Sabi niya nang hindi inaalis ang titig sakin.

"Goodness, Jared. Nag-iisip ka ba? You can't do it alone! You are going to die at kapag nangyari yon, mamamatay ka nang hindi nakukuha ang hustisya sa papa at kapatid mo! You will always need somebody's help!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw.

"I can't risk another's life again, Izabelle!" Sigaw niya pabalik. "Not my mom's or anyone else's especially not yours!"

Napahilot na lang ako sa sentido ko. This is harder than training a new technique.

"Masyado nang maraming nawalan ng buhay dahil lang sa hustisyang hinahanap ko. At least kung mag-isa ako, wala na akong ibang pamilyang nasisira." Pagkalaa'y sabi ni Jared.

Unbelievable.

Naiyukom ko ang mga kamay ko. "At paano kapag namatay ka bago mo pa makuha ang hustisya? Paano si Tita Lily?"

Tila ba nakahinga siya ng maluwag doon sa tanong ko. Na para bang planado niya na ang lahat bago pa niya ako makilala.

He smiled at me, but it didn't reach his eyes. "Si Mama ay aalagan ni Laureen, ang nag-iisang anak ng bestfriend ni Mama na kasambahay namin. I already have a contract with her regarding this."

Isang taksil na luha ang biglang pumatak sa mata ko ng hindi ko na maiwasan itago ang sakit.

"Paano ako, Jared?"

That seemed to get him. Dahil bigla siyang nag-iwas ng tingin at tumagal ang katahimikan sa pagitan namin.

Matagal na ang nakakalipas mula ng magtrabaho ako sa Black Agency pero kahit kailan ay hinding-hindi ko makakalimutan ang karanasan ko sa kanila.

Alam ko kung paano sila kumilos. Kung hindi siguro trained agents ang mga magulang ko ay hindi ko rin siguro matatakasan ang impyernong iyon.

Black Agents.. they won't stop until you're a cold corpse.

Jared doesn't even stand a chance.

"You see, Izabelle," Pagbabalik sa akin ni Jared sa kasalukuyan. "Planado na ang buhay ko bago ka pa dumating. Alam ko ring hindi imposible na malaman nila ang sikretong daan papunta dito pati na ang ilang death threats na natatanggap ko. You must have heard those rumors from the gossips in the company. Ang hindi ko lang inaasahan...ikaw."

Nagsimulang tumambol ang dibdib ko sa mga salita niya pero nanatili pa din akong tahimik. Muli siyang humarap sa akin at nanlambot ang tuhod ko ng makita ko ang emosyon sa mata niya.

Passion. Love. Lust.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan magkaroon ng hadlang sa mga plano ko, but neither did I regret meeting you. You are the woman of my dreams, Izabelle. Now let me ask you this..

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon