"WAYS on how to be a Perfect Partner? Seriously, buddy?" Narinig kong natawa nang mahina ang taong na nasa likod ko na wala namang iba kundi si Yanna.
Nagsesearch lang kasi ako ng mga bagay-bagay para kahit papaano ay magkaroon ako ng idea. Wala naman kasi akong ka-alam alam dito tapos ito pa ang gagawin ko? Ayos diba?
Pumaikot ako ng upo at nakita kong nakangiti sakin si Yanna at tumataas-taas pa ang mga kilay.
"It's for my mission. Nothing else." I said, waving my hand dismissively.
Nagkibit-balikat lang siya at umupo sa gilid niya. Pinatong niya ang coffee na hawak-hawak niya at sinimulang bumsan ang sariling computer habang nananatili pa din ang ngiti sa labi niya.
Hmm.
"Mukha masaya ka ah." Komento ko sa kaniya.
"Kasi masaya talaga ako." Nakangiting wika niya.
I raised a brow, "And why is that?"
"Well, may date ako mamaya!" Sabi niya at tumawa ng mahina animo kilig na kilig.
What? "Really?" Curious na tanong ko. "With whom?"
"Of course with Brent!" Pekeng sinimangutan niya ako pero maya-maya ay muling lumawak ang ngiti ni Yanna. "He is finally mine, Jamilla!"
Nanlaki ang mata ko, "For real?!"
"Yes!"
Tumayo kami ng sabay na tumitili habang magkayakap. Palagi namin itong ginagawa tuwing may mga masasayang nangyayari sa buhay namin kaya naman hindi na awkward ang ganito sa amin.
"Sa wakas at nabingwit mo din, ha?" Nanunudyo kong sabi bago kami tuluyang maghiwalay na sa pagkakayakap.
Brent is probably her longest ultimate crush ever. Mula yata highschool ay nagustuhan niya na daw ang lalaki at ginawa niya na din ang lahat para pansinin ito and now, I can see that it has been paid off.
"Yeah. I swear, sobrang perfect niya—"
"What's the noise about?"
Sabay napalingon kami sa likod namin ng biglang bumukas ang pintuan ng conference room kung saan kami nandoon ni Yanna ngayon.
Nakataas ang kilay ni Vinn na lumipat ang tingin sa akin bago kay Yanna, tsaka siya tumango na para bang naghihintay ng sagot niya.
"Nothing—" Simula ni Yanna pero mabilis na inunahan ko siya.
"Brent and Yanna. Sila na din finally! Good news, right?" Masayang sabi ko.
Player din kasi si Yanna dati kaya isa rin itong "shocking" news para sa karamihan kabilang na ang sarili ko. She doesn't want to be in a serious relationship..well, until now.
Kahit na masyadong misteryoso ang pagkatao ni Brent ay boto pa rin ako sa kanya. Mabait, matalino at gentleman naman. Isa pa, super gwapo niya, 'no! Arte pa ba?
Sa halip na sagutin ako ay tinaasan ni Vinn ng kilay si Yanna na bigla nalang nag-iwas ng tingin pati sa akin. "So that's your decision? Good luck then. I have my eyes on you." sabi niya kay Yanna tapos ay umupo na sa harap ng computer dito sa lab.
"Ano yun?" Puno ng pagtataka na tanong ko.
"I-i don't know."
Mabilis na nilingon ko si Yanna at nakita ko ang kaunti niyang panginginig.
Napasinghap ako sa itsura niya. "Buddy! Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko.
"Y-yes. I'm sorry, pupunta lang ako sa office." Tapos ay umalis na nga siya na nagmamadali.
BINABASA MO ANG
[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]
AdventureCURRENTLY "EDITING" THIS WHOLE BOOK. STILL WANT TO READ IT? YOUR CHOICE. ;) P R O L O G U E I am not called 'Officer Jamilla Alcantara' for nothing. Kaya naman hindi ko matanggap na sa lahat pa ng agents ay sa akin pa ibinigay ang pinaka boring...