Ikadalawampu't Anim na Kabanata [edited]

10.9K 153 2
                                    

MARAHANG iminulat ko ang mata at tumingin sa bintana sa gilid ko. Nakita kong medyo madilim pa din sa labas pero unti-unti na ring sumisikat ang araw.

I think it's around 5am in the morning.

Dahan-dahang umupo ako sa kama at minasahe ng magaan ang ulo ko. Naparami yata ang inom ko ng alak kagabi dahil hanggang ngayon e may kaunting kirot padin akong nararamdaman.

I don't really drink that often. Nakikisama lang ako. Besides, even if I refuse to drink, they won't let me.

Nagkaroon kasi ng barbeque party on the spot ng makita kami ng halos lahat ng kamag-anak ni Jared kagabi. At.. nakarating din pala sa kanila ang balita tungkol sa 'kasal' namin. And the rest was history.

Isa lang ang masasabi ko, lahat sila masakit sa ulo. Napangiwi ako. Pakiramdam ko sumasakit lalo ang ulo ko sa pag-alala ng mga nangyari kagabi.

Boy, maging ang mga babaeng pinsan ni Jared ay hindi pahuhuli sa kalokohan! Grabe parang puno ng energy at hindi nawawalan! Kung ano ang ikinonti ng member ng family nila eh yun naman ang ikinarami ng kamag-anak nila.

Most of them also have big names in the industry. Ang iba sa kanila ay sikat na artista, kilalang engineer, businessman, designer, doctor.. Perfect for a family, wala ka na talagang hahanapin pa.

Tinanggal ko na ang kumot na nakabalot sakin at umurong na ako papunta sa dulo ng airbed hanggang sa maabot ko ang floor at tumayo na. Pa tapos ay nag inat-inat.

Hmm, ano bang magandang gawin ngayon?

Inilibot ko ang paningin ko sa kwartong ino-okupa ko ngayon. The room is huge. Color blue ang theme, may king sized na airbed, kung saan ako natulog kagabi. The windows are huge too, and the curtains are also blue.

Not the typical blue, though. Iyon bang kulay asul nung tubig dagat kung saan napakalalim na talaga ng tubig? That one. Very manly ang design. And of course it is Jared's.

Nahinto ang mga mata ko ng makita ko ang isang napaka-gwapong lalaki na himbing na himbing ang tulog sa sofa nito. I smiled immediately at the sight.

He looks so peaceful. Kung hindi ko lang alam ang tunay na kulay ng damuhong ito e pagkakamalan ko talagang anghel 'tong si Jared.

Yes, sa isang kwarto lang kami natulog. Na kagagawan din ng mga pinsan niya. Bakit daw kami maghihiwalay ng kwarto eh ikakasal na naman kami

I mean, they make sense if only this is true. Na totoong ikakasal kami, pero hindi naman. Akala ko nga makikipagtalo pa sakin si Jared sa kama niya eh, but then he was the one who offered the bed to me. Siya na lang daw sa sofa at hindi na rin ako nakipagtalo.

This is real life. Ayokong mapalapit sa kaniya physically. Whether I admit it or not, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

It's not like I already have fallen in love with this guy. Love is beyond what we expect to feel to it. It's more than what we can say anything about love. It has something to do with lifetime commitment.

Di ba sa kasal, 'til death to us part? Aware akong marami nang cases ng divorce and legal separation..and I don't want that to ever happen to me.

Sa tingin ko, hindi pa naman ako in-love sa kaniya. Hindi pa umaabot sa point na iyon.

Let me see..

Masaya ako pag kasama ko siya. Hindi ko matiis kahit bwisit na bwisit na ko, lalo na if he's doing the Jared's version of pleading eyes. And I don't think I can last a day without him.. without seeing him.

Hindi pa naman siguro ako inlove diba? Maybe.. maybe Jared is my ultimate crush since ilang beses niya na din akong pinapakilig. Intentionally or not.

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon