"I swear I would kill him kapag hindi pa natin nakita si Milliana sa loob ng labing dalawang oras. This is his fucking fault!"
Napanganga na lang ako sa biglaang outburst ni Vinn. Correction, hindi lang ako kundi pati na rin ang lahat ng agents at si Chief dahil bigla ay nakulob ng katahimikan ang conference room.
This is the first time he let an emotion come out of him.
"What the hell? Don't tell me magtititigan pa tayo dito?! Continue locating her!" Nanggagalaiting asik ni Vinn sa mga junior agents na nakatunganga rin sa kaniya.
Agad din namang nagsi-iwas ang mga ito at muli ay narinig ko na naman ang mga ingay ng pagtitipa sa keyboards. Nagtama ang mata namin ni Chief at wala sa sariling sabay na napailing na lamang.
Of course, panicking won't help us at all. Yun nga lang ay obvious din na wala sa vocabulary ni Vinn iyon dahil tuloy parin ang pagteterrorize niya sa mga kawawang agents.
Mag-a-anim na oras na kasi mula ng matanggap ko ang tawag ni Brent. Pagkapatay na pagkapatay ng tawag niya ay kinaladkad ko na agad si Jared paalis ng St. Ignacio para sana hindi na masayang ang oras— kaso nakalimutan kong nasa Pilipinas pala kami. Kaya naman ng pabalik na ng Maynila ay naabutan naman kami ng traffic jam.
I had no choice but to inform Chief about what happened to Yanna through call.
As much as possible kasi ay nagrereport kami ng harapan para maiwasan ang information delay at pati na din ang pagnanakaw sa amin ng mga personal na detalye. Kahit kasi direktang nakakausap ang receiver ng call ang caller, sa system ng cellphone naming mga G&G Agents ay meron pa ring mga operators na humahandle at nakikinig sa bawat tawag namin.
It may sound like we don't trust each other, pero para na rin iyon sa safety ng bawat isa. At sa sitwasyong ito, si Vinn talaga ang iniiwasan kong makarinig ng report ko dahil hindi ko man inaasahan ang reaksyon niya ngayon ay alam ko namang mag-aalala iyon ng todo.
I know he has a thing for my buddy. Simula noon pa man na mapromote kami bilang officers, alam ko na.
Napapitlag ako ng makaramdam ako ng vibration. Dali-dali kong nilabas ang Myphone MY33 ko at ganoon nalang ang pagkakunot ng noo ko ng makita ko ang pangalan ni Jared sa screen. Hmm. Bakit naman ako tinetext ng mokong na 'to? Kahihiwalay lang namin wala pang isang oras ah. What, namimiss niya na ko agad?
Napapangiting binuksan ko na agad ang message.
From: Jared Smith
Izabelle, I know this is out of line but I can't stop worrying about you and your friend. Baka pupwedeng makatulong ako? Just give me her first and last name, I will let my people do everything they can to find her.Kung gaano ko kabilis na binuksan ang text message ay ganoon din kabilis mawala ang ngiti sa labi ko. Is this for real? Tinignan ko pa ang mismong contact number para makasigurado na galing talaga kay Jared ang text and true enough, he really offered to help.
Siguro kung ibang tao ay aakalain na nagmamagandang tao lang si Jared. But the key word there is 'kung ibang tao'. Alam ko na agad kung ano ang tumatakbo sa isip ni Jared sa mga oras na 'to— na baka sakaling may kaugnayan ang pagkawala ni Yanna sa mga taong kumuha sa Papa niya at sa kapatid niya.
Ah, that guy really. Sa tingin niya sakaniya lang umiikot ang mundo? Tsk.
Akmang magrereply na ako sa message ng bigla ay tumunog naman ng pagkalakas-lakas ang cellphone ko kasabay ng pagpop ng pangalan din ni Jared. Inignora ko na ang mga nagtatanong na mata ni Chief at sinagot ang tawag.
BINABASA MO ANG
[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]
MaceraCURRENTLY "EDITING" THIS WHOLE BOOK. STILL WANT TO READ IT? YOUR CHOICE. ;) P R O L O G U E I am not called 'Officer Jamilla Alcantara' for nothing. Kaya naman hindi ko matanggap na sa lahat pa ng agents ay sa akin pa ibinigay ang pinaka boring...