Ikalabing-limang Kabanata [edited]

12.6K 194 11
                                    

NAYAYAMOT na tinakpan ko ng braso ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw. Nahihikab na ipinilig ko din ang ulo ko pakanan at pakaliwa at ganoon nalang ang daing ko ng maramdaman ko ang sakit sa leeg ko.

Stiff neck.

Siguro dahil sa pagtulog—

Agad akong napadilat ng mata at inilibot ang paningin. I'm still in Jared's car. Malamang sa malamang dahil sa position ko sa upuan, nangalay.

Tumingin ako sa bintana ng kotse at halos lumuwa na ang mga mata ko sa view. I'm sure I am not dreaming at isang dagat ang nakikita ko.

To be exact, I think we're in a beach resort. May mga cottages din dito pero wala namang tao.

Mabilis na nilingon ko ang gilid ko at ganun nalang ang pagkagilalas ko ng walang Jared sa tabi ko. Nagmamadaling inayos ko ang baril ko na nakatago sa damit pagtapos ay dali-daling bumaba na ng kotse.

Jamilla, how the hell can you be so senseless? Ngayon pa? Gosh.

Inilibot ko ang tingin ko ulit sa lugar. Kung nasa ibang oras sana, maaappreciate ko ang kagandahan ng lugar. It's so relaxing.

Pero sa sitwasyon ngayon, baka ilang segundo nalang e hihimatayin na ako sa kaba.

Naalarma ako nang may makita akong bulto ng tao na paparating. Humigpit ang hawak ko sa baril ko na nasa loob ng damit kung sakaling kailangan kong kuhain agad pero unti-unting lumalapit ang tao ay mas nakikilala ko rin kung sino ito.

Jared Smith.

Nakangiti siya na lumapit sa akin at hinihingal na tumigil sa harap ko. Base sa itsura ay tumakbo ito ilang segundo lang nakakaraan kasi dahil mukhang may kalayuan ang pinanggalingan niya kung saan man 'yon.

"I was about to wake you up but you sleep like an angel so I decided not to— Hey, what's wrong?" Nag-aalalang ginagap niya ang mukha ko.

"What happened, Jared?" Alam kong alam niya ang tinatanong ko.

Never pa akong inantok sa tuwing nasa biyahe ako dahil hindi ako makakatulog ng hindi nakahiga. Lalo na kanina na nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip.

Kaya naman imposibleng mangyari na makatulog ako ng ganoon-ganoon na lang. Unless he did something.

"I'm sorry, Belle. Mukha ka kasing frustrated masiyado kanina kaya naisipan kong.."

"Hmm?"

"Buksan at maglagay noong pampatulog sa air condition na nakatapat sayo. I really am sorry, Izabelle." Sabi ni Jared na puno pa din ng paghingi ng tawad. "Don't worry, it doesn't have any side effects or anything, I really just want you to take a rest."

I let out a relief sigh. That was close! Pero bakit alam niyang gawin iyon? Granted, I was spacing out kaya naging successful siya doon pero still, why would he do that?

Hindi kaya dahil ayaw niyang malaman kung nasaan ang location ng lugar na ito?

Nagulat ako nang biglang hinapit ako sa bewang at niyakap ni Jared. Aalis sana ako pero hinigpitan niya lang ang yakap sakin tapos ay pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Forgive me." Bulong niya sa akin.

Damn you, Jared. Bakit binibigyan mo ako ng ganitong epekto?

I cleared my throat first before I speak, "Akala ko nawala ka na." Sabi ko sa kasinghina ng boses niya.

Ilang segundo pa ang lumipas at naramdaman ko siyang huminga ng malalim. Aalis na sana ulit ako sa yakap niya pero hindi niya padin ako hinahayaan.

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon