"ANY PROGRESS?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa akin ni Chief pagkabungad ko sa Skype videochat namin.
Napabuntong hininga at umiiling na sumagot ako, "Wala, Chief. Nakakapagtaka nga eh. Two weeks na ko na nagmamasid pero bakit wala akong makuha na kahit ano sa kaniya. Kahit nga anino ng Black Agents ay wala akong masagap. I think we miscalculated this mission."
"That," sagot ni Vinn na nasa background din katabi ni Chief. Bigla itong ngumisi sa akin. "O pumapalya ka na. You know, not the cool Officer Alcantara everybody knows anymore."
Matalim na tinignan ko siya na nakatingin na ngayon sa robokid na ginagawa padin niya. Kasama nila sina Yanna, Nico, Terrence and Desiree. Lahat ng Officer Agents to be exact.
Well, I was just buying some time. Besides, malapit na rin ako umuwi. I'm just waiting for Jared dahil mayroon pa daw siyang kailagang tapusin na trabaho na kailangan kong dalhin sa bahay para maiayos na. Maaga kasi ang meeting niya bukas kung saan gagamitin niya ang files na iyon.
"O baka nakatunog sila na may agent din na kinuha si Jared?" Panghuhula naman ni Desiree.
Umiling ako. "I don't think so. Hindi niya gustong magpa-bodyguard. Hindi naman siguro ganun ka-mangmang ang Black Agents at alam kong alam din nila na ayaw ni Jared ng taga-bantay sa buhay niya kahit pa anong pilit ng mama niya."
Muling natahamik ang lahat. Si Vinn e patuloy lang kinakalikut pa din ang RoboKid nya, si Chief naman at si Yanna ay parehong nag-iisip, si Nico na nag-angat lang ng tingin mula sa violet folder ng tumahimik, which means short-term mission, pero agad ibinalik na din ulit ang atensyon doon.
Si Terrence naman ay kasalukuyang pinagtitripan nanaman si Desiree sa pamamagitan ng pag-ihip sa batok ni Des, na pinaka kinaiinisan ng babae. Nakapusod kasi ang buhok niya kaya malayang nahihipan ni Terrence iyon.
Ang cute-cute talaga nilang dalawa.
Bumalik ang tingin ko kay buddy ng bigla siyang tumikhim. Ng masigurado niyang naagaw niya na ang atensyon ng lahat ay satisfied na tumingin at ngumiti siya sakin bago nagsalita.
"Didn't you say na mukhang kilala ni Jared kung sinuman 'yung nagpapadala ng death threats sa kaniya?" Tumango ako. "Then, maybe, nasa loob na sila ng kompanya...also waiting for the perfect time to attack. Silently pero viciously."
Of course. Pero masiyado naman yatang mabagal ang pagkilos nila kung alam naman nilang libreng libreng atakihin si Jared Smith.
"Yeah. Marami paring possibilities. I guess mas kailangan ko pang seryosohin 'to. Geez." Stress na sabi ko. Hindi ko naman akalain na simpleng pagba-bodguard lang eh ganito katindi ang pag-iisip na aabutin ko.
"Yun na nga, anyway buddy. I miss you na! Hindi ka bibisita dito?"
Napangiti ako. Halos parang kambal tuko kami ni Yanna at sa totoo lang, ngayon lang kami nagkahiwalay. Naiinggit nga ako dahil sya e laging gumagalaw sa mga gawain nya. She can go anywhere she wants to and still accomplish the mission without a blink of an eye.
Pero ako, I'm stuck here in an office. Nakakaboring din itong mission ko. Kahit sabihing pampagana ng utak, mamaya mangalawang ang moves kong pinagmamalaki ko.
"I'd love to—" Pagsisimula ko.
"But no." Agad na putol ni Chief. "Come on, Jam. You need to focus on this one. I can feel it.."
"Feel what?" Puno ng pagkalitong tanong ni Yanna kay Chief.
"This is the start of Jamilla's love story."
BINABASA MO ANG
[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]
AdventureCURRENTLY "EDITING" THIS WHOLE BOOK. STILL WANT TO READ IT? YOUR CHOICE. ;) P R O L O G U E I am not called 'Officer Jamilla Alcantara' for nothing. Kaya naman hindi ko matanggap na sa lahat pa ng agents ay sa akin pa ibinigay ang pinaka boring...