Chapter Sixty♪

7.8K 96 9
                                    

CHAPTER SIXTY

JAMILLA's POV

Do you know what you will react if nalaman mong end of the world na?

 

Saan ka magpupunta?

 

Saan ka magtatago?

 

Sinong kasama mo?

 

Paano kayo magiging ligtas?

 

Well. That's not very far from what situation I'm in now. Dahil pakiramdam ko nanlambot ang lahat ng buto ko sa katawan ko sa narinig.

 

Kitty. Yun ang tawag sakin ng taong nakakaalam ng nagawa ko bukod sa Senior Agents at kila Mommy.

 

“Why, you looked so surprised. Hindi ka ba masaya na finally ay nagkita din tayo?" Sabi ng lalaki sa harapan ko a.k.a Leader ng Black Agents. Nginisihan niya ako nang hindi pa rin ako kumibo.

 

Naririnig ko ang mga paggalaw nina Franz at Jessa sa likod ko pero hindi ko pa rin magawang gumalaw.

 

I'm frozen with fear.

 

“W-who are you?" Buong lakas ang ginamit ko para sabihin ito ngunit ang kinalabasan noon ay sobrang hina lang.

 

Pumainlang ang malalakas na tawa ng lalaki sa harapan ko. Pagtapos ay hindi niya mapaniwalaang tingnan ako.

 

“Seryoso ka ba sa tinatanong mo? Who am I? Really? Who the fvck are you kidding, huh Jamilla?" sabi nito sa ngayon ay galit na, na tinig.

 

Napangiwi ako sa paraan ng pagkakasabi niya. I really don't know him! Pero muli ay tiningnan ko siya and I tried to study his face again.

 

Blue eyes, matangos na ilong, light tan skin, adorable lips na kung ibang babae ako ay mabilis na maaakit ako, and the scar on his right cheek that gives him the mysterious aura dahil mukha niyang maamo—

 

O_______O

 

Wait.

 

“No." Hindi makapaniwalang sabi ko. Nanlalaki rin ang mga matang nakatingin ako sa kaniya. “No, no, no. You're kidding me! Imposible to!"

 

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon