Ika-anim na Kabanata [edited]

15.1K 234 4
                                    

"JAM, okay na ba ang lahat? Nilalagay na ni Geoff yung boxes sa extra room katulad ng sinabi mo. I just want you to look around in case may gusto ka pang ipabago."


Inignora ko lang ang boses ni Pauline na siyang naatasan kong ayusin ang interior ng condo unit ko na inarkila. Inikot ko ang mata ko sa paningin. I sighed contentedly with the perfect blend of colors. May lavender, may light green, at pink. Don't judge me. Those are my favorites.


Napagpasyahan ko nang mag-stay sa isang lugar malapit kay Jared. One thing about being an agent is you should trust no one. And that includes my number one priority.


Sa mga nakalipas na araw, I noticed one thing about him. Ayon ay ang pagiging cautious niya sa bawat galaw niya. Alam niya sa tuwing may tumitingin sa kaniya ng matagal, alam niya kapag may nagalaw sa gamit niya o wala, at sa tuwing may nagdedeliver sa kaniya ng kung anuman ay lagi siyang nag-uutos ng kung sino para buksan ito.


He knows it.


May kutob ako na kilala niya din ang gagawa nito, maybe malapit sa kaniya. But what I don't understand ay bakit hinahayaan lang niya 'to.


Naputol ang malalim na pag-iisip ko ng makaramdam ako ng presensya ng tao sa likod ko.


"So?" Tanong ni Pauleen na ngayon ay nasa tabi ko na. "You like it?"

I smiled warmly. "I love it. Salamat, Pauleen. You never fail to amaze me. Hindi ko maintindihan kung bakit pinili mong mabulok sa organisasyong ito kaysa i-pursue ang Interior Design." Pabiro kong sabi.


Pinaikutan niya lang ako ng mata sabay kawit ng kamay niya kay Geoff, na boyfriend niya, ngayon na nasa tabi niya na.



"It's the adrenaline rush is what I desire far more than these kind of stuff, Jamilla. Alam mo naman 'yon."


"So you desire this Agency than Geoff?"


"That's another story, Ma'am."

I smiled at that. They've been together for seven years already, malamang sa malamang kasalan na ang tuloy nila.

Kundi, nako. Hindi na talaga ako maniniwala sa forever.

Ilang minuto pa ang lumipas ay napagpasyahan na din ng magkasintahan na umalis na. May iba pa palang mission si Pauleen at sumaglit lang para tulungan ako. In case someone is wondering, Geoff is part of the new recruit members at siguro'y kasama niya si Pauleen sa training.


Huminga ako ng malakas bago ako tumungo sa kusina. Pagkatapos ay paplanuhin ko kung paano mas mapapadalas ang interaksyon naming ni Jared kahit nasa labas na ng opisina.


I frowned when I opened the refrigerator. 'Really, Jam? Sa lahat ng makakalimutan, pagkain pa?'


Two days na akong nag-iistay dito sa unit na ito pero usually kasi ay sa office na ako kumakain. It never came to me na hindi pa pala ako nakakapag grocery.

So now, I'd buy food first and then plan later.


Kinuha ko na ang susi ko pati ang wallet pagtapos ay lumabas na. I made sure narinig ko ang mahinang 'click' noon. Mabibilis ang hakbang na tinungo ko ang elevator dahil malapit nang magsara ito.


I was about to use my special agent skills nang sa gulat ko ay bigla akong bumundol sa halos kasing tigas ng bato ngunit bulto ng tao.


Ugh!

"Hey, watch where you're going- Miss Gonzales?"


Pinukol ko ng masamang tingin ang kaharap ngunit nang makilala ko kung sino ay agad ding nawala iyon. "Sir Smith?"


And to think na magpaplano pa lang ako kung paano kami magkakaron ng interaction. Thanks, fate.


"The very own." He smiled widely. "Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"



Something about his voice told me he was not joking. Pero nakangiti siya animo nagbibiro. Kaya naman agad naman na umakto akong naiinis.


Although I didn't have to act much dahil tunay namang nakakainis talaga ang damuhong 'to.


"Excuse me, Sir. Sa pagkakaalam ko ay secretary ang trabaho ko hindi bodyguard." Sabi ko at gumilid na sa daraanan. "So if you'll excuse me, mauna na ako sa inyo."


Tumalikod na ako at nagsimula nang lumakad. Damn, baka hindi ko na maabutan ang Rustan's sa baba.


"Wait, Miss." Pagtawag ulit sa akin ni Jared na nilingon ko naman. He flashed his dashing smile that I almost melt-


Stop it, Jam. Nakakadiri ka.


Pekeng nginitian ko lang siya. "Yes, sir?"


"Kung gusto mo ay sasamahan na kita kung saan ka man pupunta." Alok niya na ikinagulat ko. "And please drop the 'sir' when we are outside the company. Nakakatanda, eh." Natatawang dagdag pa nito.


"Why would you want to come with me?" Naiintriga kong tanong. I looked at him straight to the eyes.


"Nothing. Naisip ko lang naman na baka kailanganin mo ang tulong ko." Tumaas-taas na kilay pa niyang sabi.


Nagkunot-noo ako. "Hindi ko kailangan ng tulong ng kung sino. I can handle myself very well, but thanks for the concern, Sir Smith- Jared." Pagtatama ko ng nagbababalang tingnan niya ako.


"I know. I was trying to be a gentleman."


"Hindi bagay."


Tiningnan niya ako ng masama. "Will you just kindly accept my offer?"


Bumuntong-hininga ako at nakaramdam ng pagod sa pag-uusap namin. Noong una ay gusto kong maging mabait siya pero ngayon na alam ko namang manyakis talaga eh parang mas kakayanin ko yata ang ugaling iyon. Hindi katulad nito.


Hindi maganda sa pakiramdam.


Bakit, nai-inlove ka na agad?


Eww, like hell.


I rolled my eyes. "Fine. Sige na nga. Mag go-grocery ako. Are you sure?"


Lumawak ang ngiti nito sa labi. "Yup." Sabi niya. "Twenty-four hours ang Rustan's sa kabilang building. I suggest we eat first bago tayo magpunta doon."


Lalo akong inusig ng kyuryosidad. Him? Asking me to dinner? Isn't that a little suspicious?


Animo nabasa ni Jared ang nasa isip ko at nagkunwaring na-offend. "Hindi ko yata nagugustuhan ang nasa isip mo, Miss Gonzales. I don't have any ulterior motives okay? It's different kapag nasa office at nasa bahay ako."


Akmang magsasalita na sana ako ngunit muli nanaman siyang nagsalita.


"Sa unit ko lang tayo kakain since naparami ang luto ko dahil akala ko ay darating ang Mama. It turns out there was something she needed to do and now kailangan kong ubusin iyon lahat. Now, will you trust me enough that I will keep my hands away from you?"


Fair enough. Tumango ako bagaman nandoon pa din ang doubt sa isip ko. I needed to be careful. Besides, kung sa loob ng unit niya ay may chance din akong pag-aralan ang lugar na iyon without sneaking in. Also..I could put some things inside his unit.

For example, security cameras.

"May kukuhain lang ako sa loob pagkatapos ay kakatok na lang ako. What's your room number?" Tanong ko sa kaniya.


"69. My favorite number." Nakangisi niyang tingin sa akin.


And there is the Jared I know. I rolled my eyes at tahimik na bumalik na sa condo ko. If I were to go there, might as well install a security camera too.


Baka naman kasi gusto mo lang makita ang itsura niya after shower? Perv.


Shut up, utak na unproductive. I am here for a mission and nothing else.


Yep, only for mission.

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon