Ikalawang Kabanata [edited]

19.5K 283 14
                                    

NAKAKABINGING singhap ang sumalubong sakin pagkalagpas na pagkalagpas ko ng security door namin.

"JAM, is that you?"

"Jamilla! I missed you! Geez, saan ka ba nanggaling?"

"What did you do to your hair, Jam? I like it!"

"Sumesexy ka, Jam ha? What have you been doing lately?"

One may say they're overreacting. Yung tipong akala mo naman e nanggaling ako sa Mars or somewhere far away, pero sa katunayan ay dalawa't kalahating linggo lang naman akong nawala.

But on the other hand, I guess you can say that they missed me. Personally, I don't really buy it dahil hindi naman nila ako madalas makita for the reason that I'm always on the go. Bibihira ang mga panahong nagtatagal ako sa kwebang ito.

Again, not very good on staying still.

Pero kung andito naman ako e sure na sure ang kaingayan ko sa buong headquarters. Hihi.

Some of those people who greeted me are under my team. Ang iba ay pawang mga simpleng miyembro lang ng organisasyong ito. I don't let them call me 'maam' dahil feeling ko eh super tanda ko na.

I'm just twenty-three, for pete's sake.

Nakailang lakad at liko pa ako sa pasikut-sikot sa opisina hanggang sa finally ay tumigil na din ako sa nag-iisang black tinted glass door. Excited na pinihit ko na ang knob ng door nito pero bago ko pa mabuksan iyon ay nakarinig na ako ng nakakabinging tili sa likod ko dahilan para mapatili din ako sa gulat.

"Isn't that the latest Gucci bag? OMG, Jamilla! I know my eyes won't trick me, original yan! Diba?"

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumalikod ako. And before I knew it, I was throwing my hands on her, na agad niya namang hinila para mayakap ako ng mahigpit. 

"Buddyyyyyyy!" Bulalas ko. "I missed you so much!" Saglit ko pa siyang pinisil sa yakap. "Kamusta ka!"

Milliana, or Yanna as we call her, my buddy-buddy ever since namulat ako dito sa Agency. We are the best team mate ever— well, sa female section at least. 

Anyone who would argue about that would simply have to challenge us and so far, wala pa namang nangyayaring ganoon.

"Wow," Natatawang sabi niya ngunit ginantihan niya rin ng kasing higpit ang yakap ko. "Clingy much? Next time kasi, isama mo 'ko sa mga katangahan mong kilos nang masuspinde din ako. Sinasarili mo palagi eh."

Ilang segundo ko pa siyang niyakap bago ko siya binitiwan. Her lavender smell filling up my nose. Siya lang yata ang kilala kong addicted sa amoy na iyon na ginawa niya nang pabango for as long as I have known her.

I rolled my eyes. "As if naman gugustuhin mong madungisan ang perfect record mo." Nanunudyong sabi ko bago masayang tumango. "Oh, and yes, ito ang bagong labas na Gucci bag. You want it?"

"I would love to have it! Oh my gosh! Are you serious, Jamilla?" Lalo pang tumindi ang kinang sa mga mata niya.

Natatawang napapailing na lang ako habang lumipat na sa gilid niya at inangkla ang braso ko sa braso niya.

"Ofcourse. Halika sumabay ka na sakin sa loob. I heard Chief got us another mission. Tutal we're both here, why not come together right?"

Mula sa kumikinang na mga mata niya at ngiti sa labi ay kaunting naging blanko ang mukha ni Yanna sa sinabi ko. Which confused me at siguro ay napansin niya din ang reaksyon sa mukha ko.

"Oh, no." Sabi niya tapos ay tipid na ngumiti. "May iba akong gagawin Jam, I can't waste time any longer. And nope, hindi mo ako pwedeng tanungin dahil ayokong sumalo sa galit mo. The only person I can handle for today is myself."

Weirduhang tinignan ko siya pero nagkibit-balikat nalang ako. "Okay.. Do you think I should keep my cool with whatever I'm about to find out behind this door?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

Her face hardened. "No, don't do that. Just let your emotions out. Nang makita ni Chief kung anong mali sa ginagawa niya. Now, off you go. Hinihintay ka na nila sa loob."

Hindi ko na nakuhang magsalita pa ulit dahil mabilis na tumalikod na si Yanna. I just followed her with my eyes, at bago pa siya tuluyang makaliko sa pasilyo, humabol pa ito ng sigaw.

"Wag mong kakalimutang ipadeliver yung bag, buddy! That's a Gucci!"

Napailing nalang ako habang natatawa. She always loved expensive bags. Yung mga imported talaga. And mind you, alam na alam niya sa unang tingin pa lang kung fake ba o orihinal ang gamit na dala mo. I don't know how she learned to do that, pero trust me, it gets creepy sometimes.

Agad ring napawi ang ngiti sa labi ko pagkaharap muli sa pintuan. Yanna's words struck me a bit that I almost feel.... nervous. Sigurado naman na akong hindi ko magugustuhan ang mga susunod na mangyayari..

But will I be able to handle it?

Ofcourse, Jamilla. What kind of scaredy cat are you at minamaliit mo ang sarili mo?

I took a deep sigh at pinihit na ang door knob. Agad na nakita ko ang mukha ni Chief ngunit hindi naman ito lumingon sa direksyon ko. Instead, he was busy scowling at something.

Or rather, someone.

Matamang sinundan ko ang kaniyang mga mata at kaunting nagulat ako ng makita ko si Vince, or as we call him, Vinn, na isa rin sa mga officer agents, na nakaupo sa may sofa sa gilid ni Chief.

"I told you, hindi mo matatapos ang project na iyan by the end of the month." Umiiling na sabi ni Chief. "It's impossible to build a RoboKid in just a month, Vince. Pinapahamak mo ang sarili mo."

Tumingin ng masama sakanya si Vinn. "Thanks for the trust and support, sir." Pagtapos ay muling bumaling ito sa ginagawa, pero nananatili pa rin ang masama nitong tingin.

Kawawang robot.

Chief just sighed, pagtapos sa wakas ay napansin niya na din na bukas ang pintuan niya. His eyes widened slightly at the sight of me, wari bang hindi niya ako inaasahan agad.

"Jamilla!" Bati niya at tumayo. "Andiyan ka na pala. Why don't you take a seat?"

I nodded. Naglakad ako palapit sakanila hanggang sa makaupo na ako sa sofa. I tried to pick up a thing na nahulog sa sahig pero naunahan na ako ni Vinn, na masama pa din ang tingin.

"What?" Defensive na tanong ko. "I was just trying to help. Masyado kang highblood." I rolled my eyes at him bago ko ilipat ang tingin kay Chief.

"You, mister." Sabi ko sakaniya. "Anong pinagagawa mo kay Yanna at hindi daw siya makakasabay sa akin sa pagdiscuss mo tungkol sa mission? You are wasting time, Chief."

Narinig kong may sinasabi si Vinn sa gilid ko but I didn't caught what it is dahil masyadong mahina. Matiyaga kong inintay na magsalita si Chief, na para bagang gustong maihi ang itsura nito.

"Before that, Jamilla. Let's talk about your mission first." Sabi ni Chief, binigyan niya ako ng white folder na malamang ay naglalaman ng detalye about the mission pagtapos ay binuksan na din niya ang copy niya.

Nagtatakang tinignan ko siya, but I decided to let it go for now. Sasabihin din naman niya yan mamaya.

"Alright, start talking. Now."

[MAJOR EDITING] G&G: Im the Secret Agent Secretary♪ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon