1

33 2 0
                                    

{Philippines}

Auxine Eve La Forca's POV

"Are you done?.." Naiinip na tanong ni Elmo na nakatayo sa gilid ko.

Tumango-tango ako. Nilingon ko sila Hana at Ella na katabi si Howard na nakasandal sa kabilang pader ng hallway. Kambal si Ella at Elmo, ganoon din si Howard at Hana. Ako lang yata ang walang kamag-anak sa grupong 'to. Bahagya akong natawa sa naisip ko.

"Teka, may kukunin lang kami sa 304." sabi ni Hana habang nakakawit ang braso niya sa braso ni Ella.

Isinara ko ang locker ko. "Sama 'ko." sabi ko habang inaayos ang laman ng bag ko.

"Tara na." biglang sabi ni Howard kasunod ng pag-akbay sa'kin. Magkasabay si Hana at Ella habang nasa likod nila kami. Nasa gitna si Howard at nasa kaliwa niya ako habang sa kanan naman si Elmo.

"Hindi masabi ang nararamdaman"

Medyo malapit na kami sa hagdan nang napatigil kami sa paglalakad dahil dun. Ganon din ang ibang tao sa paligid.

"Hindi makalapit sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo"

"Minsan talaga lakas lang ng loob kailangan mo kung 'di maganda boses mo eh, 'no?." natatawang bulong ni Hana.

Sumunod na narinig ko ay ang matandang babae na prof ng accounting na nagtatawag ng guard para papuntahin sa P.A. system ng building na ito.

"Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo"

"Tara na, wag niyo nang pansinin 'yang katangahan na 'yan." naiiritang sabi ni Howard. Hinatak niya ako atsaka naunang lumakad. Kahit kailan talaga, ang bitter nito.

"Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo"

Dumeretso kami sa hagdan.

"Oy dito muna 'ko!." sigaw ni Elmo. Nagpaiwan siya sa baba kasama si Renzo na nakatambay pala sa isang batong upuan doon. Kaklase namin siya sa isang minor subject.

Mukhang may pinaguusapan sila pero alam kong tinatamad lang talaga siyang umakyat. Kahit ako, ayoko rin pumanik na naman ng tatlong palapag para lang sa isang bag. Kaso ayoko rin naman maiwan sa dalawang ugok na yun, baka hindi ko maatim ang kakulitan nila at makasapak ako nang 'di oras.

"Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin"

Patuloy pa rin sa pagkanta yung lalake habang yung ibang tao sa paligid ay hindi na lang ito pinapansin. Lakas ng loob niya eh. Sintunado naman.

Andito na kami sa hallway ng 3rd floor nang muling magsalita si Howard.

"Ano ba naman kasing kaartehan 'yan?." Teka. Inuna pa talaga niya ang pagrereklamo kesa ang huminga?. Lecheng 'yan, tatlong palapag yung inakyat namin. Hindi ba siya hinihingal?.

"Hindi mapakali
Hanggang tingin nalang
Bumubulong sa'yong tabi"

Nang makarating kami sa tapat ng room ay si Hana na lang ang pumasok at kami ay naghintay na lang sa labas. Habang nakasandal ako sa pader, napalingon ako sa makaling speaker na nasa pader. Ginagamit lang 'yan kapag may event at 'pag may kailangang i-announce. Hindi pinapayagan ang mga studyante na pumasok sa P.A. system room. Kaya baka nga seryoso 'tong taong 'to sa hinaharana niya para mangahas na pumasok dun.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon