20

8 1 0
                                    

3rd Person's POV

"Asan na ba siya?.. Ba't ang tagal?.." Reklamo ni Arixxon na nakapameywang habang naglalakad-lakad sa paligid ng system control room. Agad siyang lumapit kay Rex na nasa harapan ng monitor at abala. ".. Nakita mo na?."

"Andito na siya." Tanging sagot ni Rex habang tinitignan ang location pin ni Vonne. Dahil sa takot nilang malagay sa peligro ang isa sa kanila at mahirapang hanapin, nagdesisyon silang magdala ang bawat isa ng kani-kaniyang tracking device.

Biglang bumukas ang bakal na pinto ng SCR at bumungad doon si Vonne. Halatang naghihikahos siyang makapunta sa SCR upang makita na ang laman ng flashdrive na ibinigay sa kaniya ni Auxine kanina at masabi sa kanila ang isang mahalagang impormasyong nakuha niya mula sa video na ipinanood sa kanila ni Auxine.

"Sa'n ka galing?. Ba't parang madaling-madali ka?.." natatawang tanong ni Sebastian.

"Kay Auxine.." Natigil sa pagtawa si Sebastian sa isinagot ni Vonne na ngayon ay naisaksak na ang flashdrive. ".. Kinuha ko yung flashdrive na binigay sa kaniya nung lalake." paliwanag nito bago pa man makapagbigay ng 'di kanais-nais na reaksyon si Sebastian.

Isa-isang tinignan ni Vonne ang mga file na laman ng flashdrive. Base sa obserbasyon niya sa mga file name nito ay maaaring mga transaksyon ng grupong nakita ni Auxine ang laman ng mga 'yon. May isang file ang nakakuha ng atensyon niya. Isang video.

'Mr. Merales'

Ang apelyido niya.. Nagsimula siyang magtaka at malito. Una niyang naisip ang ama niya. Napaisip na agad siya kung anong kinalaman ng ama niya dito.

Sa kabila ng 'yon ay naisip niyang kung pangalan ng tao ang nakalagay sa file name maaaring itsura ng taong 'yon ang makikita nila sa video at makakatulong ito sa pagtapos ng kanilang trabaho.

Nang pindutin niya iyon ay nagsimula na itong mag-play.

Anim na segundo ang lumipas na itim lang ang nasa screen habang umaandar ang oras sa video. Nagsimulang magtaka ang tatlo na pare-parehas na nakatutok sa paguusisa sa nilalaman ng flashdrive, habang si Arixxon ay nakatayo lang sa gilid at nakangisi. Wala siyang tiwala sa flashdrive na ibinigay ng kapatid niya.

Makalipas ang ilan pang segundo ay may nagsilabasan nang litrato ni Vonne habang tumutugtog ang kantang 'Pauwi nako'.

"Anong kalokohan 'to?!.." Dismayado niyang sigaw. Itigil niya ang video at isa-isang binuksan ang mga file kanina.

"Hindi ka na malulungkot baby pauwi na 'ko.. ako'y pauwi na~.." asar ni Rex. Habang si Arixxon at Sebastian ay halos hindi na makahinga sa pagtawa.

Pare-parehas na walang laman ang mga folder. Nagsimulang mainis si Vonne dala ng panghihinayang sa pagkawala ng bagay na sana ay magpapadali ng trabaho nila.

"Well, uhmm.." buwelo ni Sebastian habang hinihingal pa. ".. My girl is playing her game well." Nakangisi pang wika nito. Alam niyang pagpasok sa grupo nila ang gusto ni Auxine, at tinututulan niya 'yon. Pero hindi niya maiwasang mapamangha sa ikinikilos ng kasintahan.

Mabilis na kinuha ni Vonne ang cellphone sa bulsa niya at nang mabuksan niya 'yon ay bumungad ang text sa kaniya ni Auxine.

Nabaling ang tingin ni Vonne kay Arixxon nang bigla itong bumulong kasabay ng pagbagsak niya pahiga sa sofa "I knew it."

Ibinaling niya ang tingin sa telepono niya.

[Nakita niyo na ang laman?.] Bahagyang nakadagdag ang mensahe sa inis ni Vonne.

Naikuyom ni Vonne ang kamao dala ng pagkadismaya sa mga nangyayari. Bahagya siyang dumulas pababa sa upuan at dumekwatro habang nagiisip ng gagawin.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon