19

11 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

2:03 am

Iminulat ko ang mata ko. Napatingin ako sa bintana, gabi na pala. Bumangon ako habang kinukusot-kusot ang mata ko. Inabot ko ang lalagyan ng contact lens ko na nasa side table ng kama ko at sinuot ang mga laman non. Pagkatayo ko ay nakita ko ang malabong repleksyon ko sa salamin ng bintana. Nakasuot pa rin ako ng pang-alis at 'di na nakapagpalit ng kumportableng damit dala ng antok ko kanina pagdating namin dito.

Lumabas ako sa cottage at nakita sila Hana na nakaupo sa mga silya sa gilid na parte ng pinto at nagiinuman.

"Buti naman, gising na si birthday girl." Mapang-asar na sabi ni Ella. Napansin ko ang malaking bote ng alak na iniinom nila, nakakakalahati na sila. Ako 'tong may birthday pero sila pa 'tong bigay na bigay sa inuman.

"Try mo kaya makisali, ikaw may birthday tapos tutulog-tulog ka diyan.." Sarkastikong sabi ni Elmo habang nilalagyan ng laman ang isang shot glass ".. Oh." Inabot niya sa akin ang baso.

"Hoy––––––" Saway ni Howard na agad namang natigilan dahil sa paghampas sa kaniya sa braso ni Ella bilang pagsaway din.

Agad kong kinuha sa kaniya ang baso at uminom. Pagkalapag ko ng baso sa mesa ay nakita ko na lang si Hana na nakanganga na parang natigilan sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Naman eh!.. Unang inom mo yun as an 18 year old lady tapos wala manlang padahan-dahan?.." Dismayadong sabi sa akin ni Hana na mataas na naman ang boses. ".. 'Di mo manlang kami binigyan ng part sa first drink mo ngayong 18 ka na." Reklamo pa niya.

Natatawa na lang akong umiling-iling sa kanya.

"Maglalakad-lakad muna 'ko." Paalam ko sa kanila. Madali akong naglakad palayo lalo na't alam kong magsasalita lang naman sila para pigilan ako at uminom na lang doon.

Tahimik na ang paligid ko at alon na lang sa pampang ang ingay dito kaya't malinaw sa pandinig ko ang yabag ng paang isang tao sa likod ko. Napangisi na lang ako nang nagpapatuloy sa paglalakad dahil alam ko naman na kung sino 'to. Unti-unti ay nakasabay na niya ako sa paglalakad. Nilingon ko lang siya at nginitian. Pagkatapos noon ay agad akong nagmadaling lumakad nang may makita akong malaking putol ng kahoy na nasa gitna ng buhanginan. Pagkalapit ko doon ay agad akong umupo at tinignan lang ang tanawin sa harap ko ngayon.

Bilog at maliwanag ang buwan ngayon kaya hindi na rin masyadong madilim ang puwesto namin. Kalmado ang dagat at tanging maliliit na alon lang ang gumagawa ng ingay sa buong paligid.

Wala namang kahit anong bago o nakakamangha sa nakikita ko ngayon, pero nakaramdam ako ng kapayapaan sa buong katawan ko. Pinayagan ako ni papa nang wala ang nakakairitang si Francis dahil si Howard naman ang kasama ko. Kapayapaan talaga ang dulot non sa'kin.

"Happy birthday nga pala.." Agad akong napalingon sa kaniya nang batiin niya ako. Bahagya siyang natawa. ".. Advanced. Bukas pa pala yun."

"Yun lang?.. Wala manlang regalo?." Pabiro kong sabi sa kaniya. Humarap ako sa dagat at umarte na parang nadidismaya.

"Sila rin kaya, walang binigay sayo. Ito lang bakasyon ang regalo namin sa'yo.." Depensa niya na itinuturo-turo pa ang direksyon ng cottage namin. ".. Bukas, madami pa tayong pupuntahan bago yung party mo sa gabi." Pampalubag-loob niya.

"Pero sa inyong apat, ikaw yung inaasahan kong magbibigay ng bukod na regalo sa'kin." Naiinis kong sabi. Yun.. totoo na yun. Bukas ang birthday ko at nauna kami dito sa Batangas para sa paunang celebration na pasimuno nila Howard bago ang mismong party ko dito bukas ng gabi. Akala ko pa naman, mga ilang araw bago ang birthday ko, handa na ang regalo niya sa akin. Pero wala pa rin pala.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon