14.2

7 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

Ngumiti siya at mahigpit akong niyakap. Sa sobrang lapit niya sa'kin ay ramdam na ramdam ko ang paghagulgol niya pati ang panghinga niya sa balikat ko. Nang bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya ay bumungad sa'kin ang mukha niyang puno na rin ng luha.

Nagugulat ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin.

Ngumiti siya habang tinitignan ang dalawang singsing. Tinignan niya ito na parang tinatansiya ang laki nito. Bahagya siyang tumawa at tinignan ako.

"Papalitan ko 'to. Bibili ako ng totoo.." Inakbayan niya ako. Gamit ang kamay niyang nasa balikat ko ay hinila niya ako palapit pa sa kaniya at hinalikan ang noo ko.

Hindi ko maintindihan. Bakit magkaiba kami ng nararamdaman ngayon?. Na-miss ko rin siya, na-miss ko yung kaibigan ko. Yun lang. Pero bakit hindi ko kayang maging ganiyan kasaya?.

"Actually, 'Eve' lang ang naalala ko sa pangalan mo. Kaya nung pinakilala ka samin ni Rix, medyo naghinala na ako.." Tumango-tango ako bilang pag-arte na nakikinig ako pero distracted pa rin ako sa nararamdaman ko. ".. Nakumpirma ko lang nung niligtas kita noong napahamak ka sa Korea dahil sa'kin. Buhat-buhat kita nun, lumaylay palabas ng damit mo yung singsing sa kwintas mo."

"Matagal mo na palang alam, ba't 'di mo sinabi sa'kin?." Naitanong ko na lang.

Numiti siya habang bakas ang pagsisisi sa mukha niya. "Hinanda ko lang ang sarili ko. I have to be someone you deserve. And that time, honestly, I was a trash. Kakasimula pa lang namin pagkatapos ng nangyari kay Aiden.." hinawakan niya ang mga kamay ko na natuluan na niya ng luha.

Higit pa ba sa kaibigan ang tingin niya sa'kin?. Tama ba 'tong naiisip ko?. Base sa mga sinasabi niya ngayon, parang ganon na nga. At kung tama man ako, lalo akong nakokonsensiya.

".. When I finally was ready, I backed out again because we started gaining enemies that time. I can't take the risk to come back to you.." Sa gitna ng pagsasalita'y pilit siyang gumiti. ".. Madadamay ka lang, kaya tiniis ko munang 'wag kang lapitan kahit nasa harapan na kita noon.."

Naalala ko yung mga beses na bigla na lang niya akong nilalapitan atsaka aatras. Tinatawanan ko lang siya noon dahil akala ko awkward person lang siya. Yun pala, hirap na hirap na siyang mamili kung magpapakilala na siya o hindi.

".. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon, nong akala kong wala nang threat sa'min. But I guess, I came back just in time to save you from Nixon."

Ipinatong niya ang maliit na unan sa lap ko atsaka siya humiga doon. Huminga siya nang malalim matapos mailabas ang lungkot na matagal niyang tinago.

"Ang tagal kong hinintay 'tong araw na 'to. Finally, makakasama na kita nang matagal, Eve.." Napakalapad ng ngiti niya at lalong naniningkit ang mga mata. Wala akong ibang magawa kundi ang titigan lang siya habang nilalamon ako ng konsensya ko. ".. You're not the Eve I asked for but then, you're the Eve God gave me. And I am not regretting any of his choices for me, especially you."

Nakakalungkot. Hindi ko siya mahal in a romantic way. Siya si Jax na nagpasaya sa kabataan ko, isang kaibigan. Ni hindi pumasok sa isip ko ang ideyang mahalin ang isang batang nakilala at nalayo sa akin noong bata pa 'ko.

"I love you, Eve.." nakatingin siya sa'kin. Kumikinang ang mga mata niya dahil sa mga natirang luha doon. Pinilit ko na lang na ngumiti, alam ko namang hindi ko dapat sagutin ang sinabi niya ng mga salitang hindi ko mapaninindigan. ".. Finally!. Nasabi ko din!. Ang tagal kong tiniis na 'wag sabihin sa'yo 'yan nang gising ka at may malay.."

Malungkot niya akong tinignan. ".. Matapang lang kasi akong kausapin ka 'pag tulog ka eh."

Sandali akong tumungo habang pinipilit ang sarili na ngumit nang mas totoo. Dapat masaya 'ko eh. Dapat masaya kong nakita ko na yung kaibigan kong matagal ko nang hinahanap. Pero mas nilamon ako ng pagsisisi ko.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon