16

6 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

Muli akong nakarinig ng pagputok ng baril. Bumangon na ako sa kama at nagmadali nang pumunta sa balcony para tignan ang nangyayari. May mga lalake ang nakikipagbuno sa mga lalakeng may kapit na baril at ibang armas sa harap ng headquarters pati sa bandang loob ng bakod habang ang iba ay nakahandusay na.

Yung mga lalakeng may mga armas ay nakasuot ng itim na face mask bonet kaya hindi rin sila makilala. Puro bakanteng lote ang paligid ng HQ na 'to kaya walang masyadong nakakapansin sa gulo na nangyayari..

Tinignan ko ang main door.. Kalmado lang na nakatayo doon si kuya at Vonne habang pinapanood ang iba nilang underling na pumapatay ng tao sa harapan nila. May kani-kaniyang hawak na tasa ng kape ang dalawa atsaka nag-cheers habang tuwang-tuwang nakangiti. Teka, ano bang nangyayari?.

Napalingon ako nang makaramdam ako ng yabag ng paa sa bandang likod ko.

"Gusto sana kitang batiin ng 'magandang umaga'. Kaso parang hindi naman maganda ang umaga mo." Sarkastiko niyang sabi at bahagyang natatawa pa.

Sandali akong natawa ngunit napawi din ang ngiti ko nang mapansin ko ang itsura niya.

Nang mapansin niya ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko ay ginawa niyang pa-check ang hintuturo at hinlalaki ng kaliwa niyang kamay kasabay ng pagngiti.

"Kapag gumanito ako, ibig-sabihin nun 'ngumiti ka'. Arasseo?." {Alright?}

Tumango-tango ako atsaka ginaya ang ginawa niya kaya lalo siyang napangiti.

"Bakit bumangon ka na?. Dapat nagpapahinga ka pa ah." Nagaalalang tanong ko sa kaniya.

"Ayos na 'ko." Sagot niya na parang gasgas lang ang inabot niya kahapon.

Pinapanood niya ngayon yung mga tao sa labas. Binaling ko ang tingin ko doon tsaka ko naalala na magtanong.

"Anong nangyayari sa mga underlings niyo?.. Bakit sila nagkakagulo?."

"'Yung mga may hawak na baril, kalaban 'yan.." Humalukipkip siya sa gitna ng paliwanag na parang mga batang naglalaro lang ang nasa labas na sa kasalukuyan ay halos nagpapatayan na. ".. A low-ranker gang. Gustong magpasikat." bulong niya.

"Low-ranker?.." Napasinghal na lamang ako sa sinabi niya kasabay ng sarkastikong pagngiti. ".. They have guns at yung mga underlings niyo, hirap na hirap talunin yang sinasabi mong low-ranker." natatawang sabi ko.

"Ah.. Yung underlings namin na walang armas?.. Those noobs are still under training.." Sandali niya akong nilingon at binalik tingin sa labas. ".. We are training them to fight competently without using any weapon."

Napangisi na lang ako habang kinikindatan niya lang ako. Sabagay, kung 'di basta-basta ang grupo, asahan mo nang hindi rin basta-basta ang mga underling.

".. Masyadong trying hard ang mga baguhan. Palaging excited gamitin ang bagong armas. Naghahanap ng paggagamitan. Kaya ayan.." sandali siyang tumawa. ".. Well, maigi na rin yun minsan. Kapag natatalo sila, nadadagdagan kami ng armas."

Muling may pumutok na baril. Kasabay ng ingay ay nabalik ang atensyon ko sa kaniya. Akmang magtatanong na ako sa kaniya nang bigla naman niya akong hilahin palapit sa kaliwang gilid ng balkonahe.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mabilis na pagdaplis ng bala sa gilid ng kanang tenga niya. Nakasandal ako ngayon sa railings habang hawak pa rin ni Jax ang braso ko. Nakatalikod ako sa mga nasa labas kaya hindi ko na namalayang may nakatutok na palang baril sa amin kanina.

"Jax.." inangat ko ang kanang kamay ko at hinawakan tenga niya sa pagkabigla. Kinuha niya ang kamay ko at pinunasan ang hintuturo kong nadampian ng dugo gamit ang damit niya.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon