24

8 1 0
                                    

3rd Person's POV

Sa loob ng training hall ay may isa pang silid para sa mga locker at banyo. Nahuli sa pagpasok doon si J7. Habang ang apat na kasama niya'y nasa kani-kaniya na nilang pagaasikaso, tahimik siyang nakasilip sa pinto at mataimtim na pinanood si Auxine.

Kasabay ng panonood ni J7 ay ang pagtinginan ni Vonne at Maestro na parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba ang totoo sa dalaga. Humarap ang Maestro kay Auxine at ibinalik ang tingin kay Vonne.

"Dalhin mo muna siya kay Luisa. Mukhang malalim 'yong sugat.." Tinapik-tapik ng ginoo ang balikat ng binata matapos magsalita atsaka lumakad paalis. ".. Pumunta kayo sa opisina ko pagkatapos." Pahabol pa niya.

Sa kabilang banda'y, umupo sa silya sa gitna si J7 at nagpahinga. Namalayan na lang niyang nakangiti na siya nang makita niya ang sarili sa salamin. Ngiti na dala marahil ng pagkamangha sa ipinamalas ng dalaga kanina.

Sabay silang tinuturuan ni Master Choi noon sa pakikipaglaban. Sampung taon siya noon, habang si Auxine ay pitong taong gulang pa lamang. Sa pagsasanay nila noon, hindi talaga naging madaling matuto si Auxine. Palagi itong hirap na gawin ang mga itinuturo ni Master Choi, pero madalas niya 'yong makitaan ng determinasyon na matuto kahit nahihirapan.

At ngayon, heto na nga si Auxine ngayon. Nagsisimula na sa JAA at nagawa pang pahirapan si J7 sa pakikipagtuos. Hindi na rin nagulat ang binata. Masasabing mahina si Auxine, pero determinado. Bagay na nagpatuloy sa kaniya na magsanay sa paglipas ng panahon.

Dapat nga'y ikabahala niya ang pagpasok nito sa JAA, lalo na't una dapat sa prayoridad ng buhay niya ang kaligtasan ng dalaga. Pero wala rin naman siyang magagawa kung 'di ang tanggapin na lang, malalaman at malalaman naman talaga ni Auxine ang tungkol JAA.

Kung titignan si J7 ngayon ay para siyang tunay na nakatatandang kapatid na manggang-mangha sa nakita niya, kulang na lang ay maiyak siya sa nasaksihang pagsibol ng isang kuting sa pagiging leon nito.

***

Ang ika-apat at ika-limang palapag ng JAA ay ang nagsisilbing in-house hospital nila. Narito lahat ng kailangang pang medikal, maging mga operasyon ay maaaring isagawa dito.

Gaya ng palapag ng mga opisina nila maestro ay may isang pasilyo ang nakalaan mula sa elevator hanggang sa mismong labas ng mga silid. Ang pinagkaiba lang ay imbes na pentagon, kwadrado ang lobby. At may isang bilog na sofa din sa ginta ng lobby. Habang sa gitna naman nito ay isang mesang may malaking logo ng JAA.

Ang ika-apat na palapag kung nasaan si Vonne ngayon ay nahahati sa dalawang parte, ang emergency room at ang ward at ilang private rooms para sa pasyente. Sa ika-lima naman ang operating room, naroon rin ang mga malalaking kasangkapan sa paggagawa ng malalimang pagsusuri sa pasyente.

"Lulu.." Masiglang bungad ni J7 sa pintuan.

Sa halos masigla't pasigaw na tawag niya sa doktor ay napalingon si Vonne na kanina pang umiidlip sa paghihintay kay Auxine. Nakaupo siya isang hilera ng mga silya dito sa ER habang nasa 'di kalayuan ang dalagang inaabangan.

"J7.." Mahinang usal ni Vonne.

Napalingon si J7 sa kaniya at lumakad palapit.

".. I reminded you, didn't I?. Ba't may galos si Auxine?." Pasigaw na sabi niya.

"Nadala ako, pasensya na. Nataranta rin ako nung nagawa ko yun eh." paumanhin nito. Umupo siya sa ikalawang silya sa kaliwa ni Vonne.

"Master Choi will kill you." Mahinang usal ni Vonne tsaka humalukipkip.

"Hindi nila malalaman, akong bahala. Pangako." Sabi nito habang nakataas ang kanang kamay na parang nanunumpa.

Humigab si Vonne at kinusot ang mga mata. Hindi niya pinansin si J7 sa pangangako nito dala ng pagkadismaya.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon