5

17 1 0
                                    

Auxine Eve La Forca's POV

Napatayo kami ni Nixon. Bigla niya akong hinila papunta sa likod niya na parang itinatago niya ako mula kay Levi.

"No.. we don't need your help." tanggi niya.

"Really, Nixon?.." Tinaas ni Levi ang dalawa niyang kilay. ".. I heard, you badly need a help. Kaya nga ako nandito, 'di ba?."

Parang masyadong malaman ang sinabi niya sa babaw ng sitwasyon namin ngayon. Ang weird. Natauhan na lang ako nang bigla kong naramdaman ang paghigpit ng kapit ng kamay ni Nixon sa kamay ko. Ano bang mayroon sa Levi na 'yan at nag-iinit ang ulo niya?.

Bahagya akong umabante "Yes. We need help. Marunong kang magpalipad ng chopper?.." Singit ko sa usapan nila. Hinila ulit ako ni Nixon sa likod niya at takang-taka akong tinitigan. ".. Pwede bang lunukin mo muna 'yang pride mo?. Ayokong gabihin dito ah."

"Oo naman.." sagot ni Levi. Mula sa akin ay inilipat niya ang tingin niya kay Nixon ".. Tanggapin mo na lang kasi ang tulong ko." mapang-asar na pamimilit niya.

Tumitig sa baba si Nixon na parang pinag-iisipan niyang tumalon sa dagat. Tumayo siya malapit sa inuupuan namin kanina.

"Hoy. Anong iniisip mo ha?." awat ko sa mga pag-iisip niya. Baka talaga ngang isa sa mga option niyang makababa doon ang tumalon sa dagat. Tinawanan niya lang ako. Aba'y leche 'to ah.

Bumuntong hininga siya at humarap kay Levi. "Fine. Pero pumayag lang ako para kay Auxine.." Napilitang sabi niya. Habang agad namang napangisi si Levi sa agarang pagsuko ni Nixon. ".. Stay away from us 'pag nakababa na tayo."

"Papayag din naman pala eh.." mapang-asar na sabi ni Levi ".. Tara na."

***

"Auxine, tara na, baba ka na." wika ni Levi na nakatayo sa labas ng chopper sa kanang gilid ng pinto.

Medyo madilim na nang lumapag ang chopper sa isang malawak na damuhan. Nasa likod kami ng isang bahay na may tatlong palapag. May isang mataas na poste ng ilaw ang nakatayo sa gilid ng bahay kaya medyo kita ang daan papunta sa bahay.

Lalapit na sana ako para lumabas nang hawakan ni Nixon ang kamay ko na bigla na lang sumulpot sa kaliwang gilid ng pinto. Nang makababa ako ay padabog na isinara ni Nixon ang pinto at hinila na ako palayo kay Levi. Mahigpit na naman ang pagkakahawak ng kamay niya sakin, mukhang galit na naman 'to.

"Salamat Nixon ah?." sarkastikong sabi ni Levi. Kaya nayayamot si Nixon dito eh, sinasabayan rin niya ng pang-aasar.

"Pwede ba, 'wag mong kinakausap yun." wika niya habang seryoso pa rin ang mukha.

"Bakit?.." Kinunot ko ang noo ko. Inuutusan niya talaga ako?. Kapal ah. ".. Mas mabait pa nga siya sa'yo kung tutuusin eh."

"Hindi siya mabait. Pwede ba, makinig ka na lang sakin?." naiinis niyang sabi.

"Ba't ba?, ano bang problema kay Levi?.." Itinaas ko ang kilay ko at binigyan siya ng isang mapang-asar na tingin ".. Baka nagseselos ka na diyan, 'di mo na lang sabihin nang diretso."

"Ang bilis niyo naman maglakad." halos mawalan ako ng balanse nang bigla niyang kilitiin ang beywang ko. Leche 'tong si Levi, aatakihin pa yata ako sa puso.

Ngayon ay nasa kaliwa ko si Nixon at nasa kanan si Levi.

"Ba't andito ka?. Bitbitin mo yung mga gamit dun kung talagang gusto mong tumulong." Naiinis na sabi ni Nixon.

Tinawanan lang siya ni Levi atsaka hinila ang kanang kamay ko habang nasa kaliwa kong kamay nakakapit si Nixon.

Nabigla ako sa paraan ng paghawak ni Levi sa kamay ko. Nakasuksok lahat ng daliri ng kamay niya sa mga espasyo sa pagitan ng mga daliri sa kamay ko. Habang si Nixon ay kapit lang ako sa pala-pulsuhan. Nilingon ni Levi si Nixon at matalim silang nagtinginan. Leche, dito pa talaga ako sa gitna nila nakatayo.

Untamable LionessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon